Maika Rivera denies third-party allegation in Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup

by Rachelle Siazon
Jul 14, 2021
Maika Rivera on Aljur Abrenica and Kylie Padilla's breakup: "To be honest, kung bakit ako yung natuturong third party, hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling yun... Mataas po ang respeto ko kay Ate Kylie. Napakaganda po niyang babae, napaka-strong niyang babae."
PHOTO/S: @riveramaika / @ajabrenica Instagram

Humarap si Maika Rivera para itangging siya ang third party sa hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

"Never. Hindi ko po gagawin yun," giit ni Maika.

Si Maika ay co-star ni Aljur sa Sandugo, ang Kapamilya afternoon series na umere mula September 2019 hanggang March 2020.

Miyembro rin si Maika ng GT, ang all-female group sa It's Showtime. Siya ay 25 years old.

Ipinaliwanag ni Maika na posibleng nadawit siya sa breakup nina Aljur at Kylie dahil sa isang beses na nag-iwan siya ng comment sa Instagram post ni Aljur.

"To be honest, kung bakit ako yung natuturong third party, hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling yun," saad ni Maika sa eksklusibong panayam ni Ogie Diaz sa YouTube noong July 11.

Parehong Kapampangan sina Aljur at Maika.

Patuloy ng dalaga, "Ang naisip ko lang po, nag-comment ako sa isang post ni Aljur. And Kapampangan pa po yung comment ko about yung earrings niya.

Continue reading below ↓

"Sabi ko, 'Kuya, ang ganda ng tingga mo.'

"From there, nag-comment na at nag-speculate, and then pumutok yung issue.

"But I can honestly say with my whole heart na hindi po ako yung third party."

MAIKA ON HUGE RESPECT FOR KYLIE

Hindi raw magagawa ni Maika na pumatol sa lalaking may karelasyon, lalo pa't nakilala rin niya minsan si Kylie.

Continue reading below ↓

Sabi ni Maika: "Nangyari na po sa akin 'yan, at nangyari po sa malapit sa akin, at ayoko pong maging ganun.

"Mataas po ang respeto ko kay Ate Kylie. Napakaganda po niyang babae, napaka-strong niyang babae."

Nilinaw rin ni Maika huling beses niyang nakita si Aljur nang magtapos ang Sandugo, at kasama pa raw noon ng aktor ang asawang si Kylie.

"Hindi naman kami nakakapag-usap. Hindi naman kami nakakapagkita.

"Last na nag-usap kami was before the pandemic, kakatapos lang ng show.

"Nandun din po si Ate Kylie. Pinakilala niya po ako which is I'm very thankful for."

Bukod sa Sandugo, nagkatambal sina Maika at Aljur sa isang episode ng Ipaglaban Mo noong 2017.

Pero propesyonal lang daw ang ugnayan nila.

Aniya, "Kaya wala po talagang malisya. Hindi po talaga ako."

WHO IS THE real THIRD PARTY?

Bukod kay Maika, nadawit sa kontrobersiya si Cindy Miranda na co-star ni Aljur sa pelikulang Nerisa.

Continue reading below ↓

Pero nauna nang pinabulaanan ni Cindy na hindi siya ang third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

Ayon sa source ng Cabinet Files, isang Kapamilya actress na may love child ang dahilan umano ng breakup ng mag-asawa. Pero hindi pa ito tuwirang napangalanan sa ngayon.

Sa vlog ni Ogie noong July 7, ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ang unang nagsiwalat na "meron" daw third party kaya nakipaghiwalay si Kylie kay Aljur.

Hindi naman tinukoy ni Robin kung sino ito.

KYLIE'S OFFICIAL STATEMENT

Sa ulat ng 24 Oras noong July 8, kinumpirma ni Kylie na wala na sila ni Aljur, pero walang binanggit ang aktres kung ano ang mitsa ng kanilang breakup.

Nakiusap si Kylie na respetuhin ang desisyon nila ni Aljur at pareho raw silang nasa proseso ng "moving on."

Ayon pa kay Kylie, sinisikap nilang magkaroon ng "healthy co-parenting relationship" para sa kapakanan ng dalawa nilang anak.

Continue reading below ↓

Noong July 9, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na umalis na sina Kylie at Aljur sa tahanan nila sa Timog Avenue, Quezon City.

Bumalik si Kylie sa tahanan ng kanyang pamilya sa Fairview, Quezon City, habang si Aljur ay pumirmi sa bahay ng mga magulang niya sa Batangas

Kinabukasan, July 10, ipinakita nga ni Kylie na nagpapagawa siya ng kanyang "dream home" at malapit na raw itong matapos.

ALJUR MUM ABOUT BREAKUP WITH KYLIE

Nananatili namang tahimik si Aljur ukol sa breakup nila ni Kylie.

Dalawang taon at kalahati ang nakalipas mula nang ikasal sina Aljur, 31, at Kylie, 28, noong December 11, 2018.

September 2016 nang maging magkasintahan sila sa ikalawang pagkakataon.

On-and-off ang relationship nila mula taong 2011 hanggang 2014.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maika Rivera on Aljur Abrenica and Kylie Padilla's breakup: "To be honest, kung bakit ako yung natuturong third party, hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling yun... Mataas po ang respeto ko kay Ate Kylie. Napakaganda po niyang babae, napaka-strong niyang babae."
PHOTO/S: @riveramaika / @ajabrenica Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results