Ara Mina's former landlord allegedly called her "ingrate"

by Julie E. Bonifacio
Jan 5, 2008
"Hindi naman taga-showbiz yung landlord ko para magsalita pa sa press, sa TV o kahit sa radio. I don't think she's capable of saying that to me. Hindi magsasalita ng ganun ‘yon sa akin," says Ara Mina about report saying that her former landlord called her "ingrate."


Nag-react diumano ang may-ari ng lupa na kinatatayuan ng Osteria Italia restaurant ni Ara Mina sa Tomas Morato, Quezon City, pagkatapos magpahayag ang sexy actress na isa sa mga dahilan kaya niya isinara ang kanyang restaurant ay dahil sa laki ng ibinabayad niyang upa sa puwesto.

Nakarating sa dating landlord ni Ara ang sinabi niya at hindi nito napigilang magpahayag din ng kanyang saloobin. Ayon sa aming source, nasaktan ang dating landlord ni Ara sa sinabi ng aktres tungkol sa renta kaya natawag niyang "ingrate" ang sexy actress.

Wala raw utang na loob si Ara pagkatapos tulungan at suportahan ng landowner ang sexy actress sa negosyo nito. Ayon diumano sa may-ari ng puwesto, binabaan na raw niya ng ilang porsiyento ang renta ni Ara para sa kanyang restaurant kumpara sa ibang mga establishment na umuupa rin sa kanya.

Kinuha agad ng PEP (Philippine Enetrtainment Portal) ang reaksiyon ni Ara tungkol sa pahayag diumano ng dati niyang landlord.

Continue reading below ↓

"Wala naman akong ibang ibig ipakahulugan sa sinabi ko," paglilinaw ni Ara. "Ang sinabi ko lang, hindi ko na kaya ang renta. Nalalakihan ako dahil hindi naman ganun kalakas yung restaurant. ‘Tsaka sa isang negosyante, yun na siguro ang pinaka-safe na puwede kong sabihin kaya nagsara yung negosyo mo.



"Ano ba ‘yan? Bagong taon na, 2008 na, kung anu-anong isyu pa ang nilalabas nila sa akin! Nakakasawa na rin.. Nakakapagod na rin sumagot nang sumagot.

Patuloy ni Ara, "'Tsaka, hindi naman taga-showbiz yung landlord ko para magsalita pa sa press, sa TV o kahit sa radio. I don't think she's capable of saying that to me. Hindi magsasalita ng ganun ‘yon sa akin. Naging maganda naman ang relasyon namin ng landlord ko dati, e."

Read Next
Read More Stories About
Ara Mina
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman taga-showbiz yung landlord ko para magsalita pa sa press, sa TV o kahit sa radio. I don't think she's capable of saying that to me. Hindi magsasalita ng ganun ‘yon sa akin," says Ara Mina about report saying that her former landlord called her "ingrate."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results