Kylie Padilla reacts to third-party allegation involving JM de Guzman

by Rachelle Siazon
Jul 15, 2021
Kylie Padilla (left) clarifies that there's no truth to the allegation that JM de Guzman (right) is the third party in her breakup with Aljur Abrenica (not in photo).
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @1migueldeguzman Instagram

Binasag ni Kylie Padilla, 28, ang pananahimik tungkol sa espekulasyong siya ang may third party kaya sila nagkahiwalay ng asawang si Aljur Abrenica, 31.

Dawit sa isyu ang Kapamilya actor na si JM de Guzman, 32.

Isang netizen ang nangahas magtanong kay Kylie kung totoo ang bali-balitang kaya raw siya nakipaghiwalay kay Aljur ay dahil maluho umano ang aktres at nagpapaligaw sa mayayamang artista.

Tanong ng netizen na si @sfb_mryjn (published as is): "Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo?

"Tapos poo maraming mayayaman ang nanliligaw sa you pati mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang Sabi ni Xian Gaza eh salamat po."

Mariing pinabulaanan ni Kylie ang pag-uugnay sa kanya kay JM.

Diretsong sagot ni Kylie sa netizen: "@sfb_mryjn magkaibigan lng kami ni JM. This is not true."

Continue reading below ↓

May iba ring netizens ang nagpaabot kay Kylie tungkol sa ulat ni Cristy Fermin na nahuli umano ni Aljur si Kylie na "kakomunikasyon" ang di pinangalanang lalaki noong nagsasama pa ang mag-asawa.

Ang relasyon umano ni Kylie sa di tinukoy na lalaki ang mitsa ng breakup ng mag-asawa. Pero hindi na ito sinagot ni Kylie.

ALJUR CHEATED ON KYLIE, ACCORDING TO ROBIN

Ang isyung may third party si Kylie ay taliwas sa naunang pahayag ni Robin Padilla na may ibang babae si Aljur kaya naghiwalay ang mag-asawa.

Sa vlog ni Ogie Diaz noong July 7, prangkang inihayag ni Robin umamin sa kanya si Kylie na hindi nito kayang makipag-ayos kay Aljur matapos malaman ang panloloko ng mister.

Sinabi pa raw ni Robin kay Kylie na bilang lalaki si Aljur ay hindi kataka-takang pumatol ito sa tukso lalo na sa mundo ng showbiz.

Pero tahimik naman si Kylie sa isyung may third party si Aljur.

Continue reading below ↓

Ang tanging sinabi ni Kylie ay nasa proseso sila ng "moving on" ni Aljur. Sinusubukan din daw nilang maging maayos ang kanilang "co-parenting status" para sa kapakanan ng dalawa nilang anak.

ALJUR MUM ON WOMEN LINKED TO HIM

Sa kabilang banda, tikom pa rin ang bibig ni Aljur sa alegasyong nambabae siya kaya nakipaghiwalay sa kanya si Kylie.

Ilan sa mga babaeng nadawit na third party umano ni Aljur ay sina Erin Ocampo, Maika Rivera, at Cindy Miranda.

Nauna nang itinanggi ni Cindy na hindi siya ang third party ni Aljur, at propesyunal lamang daw ang relasyon nila bilang magkatrabaho sa pelikulang Nerisa.

Halos ganito rin ang sinabi ni Maika na dating katrabaho ni Aljur sa defunct Kapamilya prime-time series na Sandugo.

Hindi raw magagawa ni Maika na makipagrelasyon sa may asawa, at bilang babae ay malaki ang respeto niya kay Kylie na minsan na niyang nakilala sa personal.

Lumutang din ang pangalan ni Erin na nakatrabaho ni Aljur noon sa Kapamilya prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Ayon sa ulat ng Cabinet Files, may bali-balitang nagkausap na umano sina Erin at Kylie tungkol sa isyung pagkakaugnay ni Erin kay Aljur.

Sinubukan ng Cabinet Files na hingin ang panig ni Erin, pero hindi ito sumasagot habang isinusulat ang artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla (left) clarifies that there's no truth to the allegation that JM de Guzman (right) is the third party in her breakup with Aljur Abrenica (not in photo).
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @1migueldeguzman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results