Aiko Melendez says BF Jay Khonghun "fit and ready" for congressional bid

by Rommel Gonzales
Jul 15, 2021
Come May 2022, Aiko Melendez will run for congress in Quezon City, while her boyfriend, Vice Governor Jay Khonghun, will also run for congress in Olongapo City.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram

Tatakbo bilang congressman ng Olongapo si Jay Khonghun.

Ito ang kinumpirma ng kasintahan niyang si Aiko Melendez, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger ngayong araw, July 15, 2021.

Si Jay ay kasalukuyang nanunungkulan bilang bise gobernador ng lalawigan ng Zambales.

Bakit nais niyang tumakbo bilang congressman ng Olongapo, na siyang unang distrito ng Zambales?

Pahayag ni Jay through Aiko, "Para ipagpatuloy ko ang mga tulong na naumpisahan ng aking ama na si Congressman Jeffrey Khonghun."

Ano naman ang reaksiyon ni Aiko sa desisyong ito ng kanyang kasintahan?

"Pabor ako sa pagtakbo niya for congress," umpisang pahayag ni Aiko.

"Kasi I can't see anyone fit and ready for that position but him, in terms of credentials and all. Jay is ready to take the responsiblity na naumpisahan ng kanyang ama."

Unang termino ni Jay bilang vice governor ng Zambales, at huling termino naman ito ng kanyang ama bilang congressman sa unang distrito ng Zambales.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy pa ni Aiko, "Since last term na ng dad niya, siya ang may pinaka-okay na track record to run for the position na iiwan ng dad niya.

"With the experience na nine years na mayor siya 'tapos nag-legislative din siya as vice governor, so hinog na si Jay to be a congressman.

"He also became a board member which is a legislative branch also."

Samantala, tatakbo rin sa kongreso para naman sa fifth district ng Quezon City si Aiko.

Halos apat na taon na ang relasyon nina Aiko at Jay, na noong nakilala ng aktres ay naninilbihan bilang mayor ng Subic.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Come May 2022, Aiko Melendez will run for congress in Quezon City, while her boyfriend, Vice Governor Jay Khonghun, will also run for congress in Olongapo City.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results