John Lapus on celebs' network transfer: “Naiintindihan ko lalo na kung wala namang trabaho.”

by Arniel C. Serato
Jul 15, 2021
Comedian and director John Lapus on celebrities switching networks: "Ako, naiintindihan ko kasi I did the same thing."
PHOTO/S: Courtesy: @korekkajohn on Instagram

Naiintindihan ng comedian-director na si John “Sweet” Lapus ang mga artistang kailangang lumipat ng istasyon.

Baka raw kailangan nila talagang kumayod para sa kanilang pamilya. Maaari ring wala pang proyekto sa istasyong kinabibilangan.

“Ako, naiintindihan ko, kasi I did the same thing.

“From ABS-CBN, nag-GMA ako. And after seven years in GMA, bumalik ako sa ABS.

“Naiintidihan ko lalo na kung wala namang trabaho. And ngayong may pandemya, everybody needs to work,” pahayag ni John sa Calamansi App podcast ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, July 14.

Ang inaasahan lamang ni John ay maging maayos ang pag-alis ng isang artista sa istasyong kinabibilangan.

Naniniwala kasi siyang hindi kailangang magsunog ng tulay kapag gusto ng isang celebrity na mangibang bakod.

Saad niya, “Sana lang maging maayos ang kanilang pagpapaalam or, I mean, basically magpaalam kahit na wala ka ng contract or wala ka ng commitment to whatever network that you are in.

Continue reading below ↓

“Magpaalam ka nang maayos kung lilipat ka sa kabilang network.

“Dahil may kasabihan... totoo ang kasabihan na 'you should never burn bridges.'”

Ayon pa kay John, nangyari na ito sa kanya noong 2006 kung saan tumalon siya mula Kapamilya Network patungong GMA Network.

Aniya, “Na ako talaga, I made sure na bago ako lumipat sa GMA nung 2006 from ABS, nagpaalam ako nang maayos.

“And then nung 2013, nung bumalik ako sa ABS, nagpaalam din ako nang maayos sa GMA.

“So yun, para maayos, walang taong nasasaktan, walang nagagalit, at maging positive 'yang paglipat to wherever network, di ba?”

Dahil sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, ilan sa talents nito ay lumipat sa GMA.

Kabilang sa kanila sina Bea Alonzo, Pokwang, Beauty Gonzalez, pati na ang star builder, co-founder at dating chairman emeritus ng Star Magic na si Johnny "Mr. M" Manahan.

Naging maingay ang paglipat ni Bea dahil may unfinished project daw ito sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pero sabi ng aktres, maayos siyang nagpaalam sa bigwigs ng istasyon.

Samantala, masaya naman si John na palabas na sa iflix at WeTV Philippines ang idinirek niyang web series na Boyfriend No. 13.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian and director John Lapus on celebrities switching networks: "Ako, naiintindihan ko kasi I did the same thing."
PHOTO/S: Courtesy: @korekkajohn on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results