Dani Barretto admits “hindi ka mukhang Barretto” comments used to bother her

by Arniel C. Serato
Jul 17, 2021
Dani Barretto reveals the persistent comments that used to bother her: "People would always say, ‘Bakit ganun, yung mga kapatid mo ang ganda, ikaw hindi.’ Or like, ‘Barretto ka ba talaga? Parang hindi ka mukhang Barretto.’”
PHOTO/S: Courtesy: @danibarretto on Instagram

Aminado si Dani Barretto na naapektuhan siya ng mga mapagkutyang comments noon.

Kadalasan, sinasabihan siyang iba ang beauty niya sa mga kapatid na sina Julia at Claudia at sa inang si Marjorie Barretto.

Si Dani ay anak ni Marjorie sa aktor na si Kier Legaspi.

Ang mga kapatid niya sa inang sina Julia, Claudia, at Leon ay anak naman ni Marjorie sa komedyanteng si Dennis Padilla.

Sa vlog ng beauty doctor na si Dra. Vicki Belo na lumabas noong July 15, 2021, ibinahagi ni Dani ang kanyang mga life lessons.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, binanggit ni Dani na noong simula, hindi niya iniinda ang madalas na pagkukumpara ng mga tao sa mga nakababatang kapatid dahil hindi naman raw nito affected ang closeness nila.

Aniya, “’Di ba they always say na pag magaganda kapatid mo, you tend to compare yourself to them.

“That never happened to me because my siblings always showed me a different kind of respect. That I should never ever feel that way, so that was never an issue."

Continue reading below ↓

Pero nung naging popular ang social media, naramdaman niyang mas rampant ang bashing at mas harsh ang ang mga netizens.

Dugtong ni Dani, “And then people would always say, ‘Bakit ganun, yung mga kapatid mo ang ganda, ikaw hindi.’

“Or like, ‘Barretto ka ba talaga? Parang hindi ka mukhang Barretto.’”

Doon siya nagsimulang ma-bother sa mga kritisimo sa kanya.

Lahad niya, “I was like, ‘Ano nga bang itsura ko compared to them?’

“Parang bigla akong napaisip, 'Bakit ang dami?' So ibig sabihin ang daming nakaka-notice nito. That’s when I started to get bothered na about it.”

Noong mas lumakas ang presence niya sa social media, mas lalong hindi siya tinantanan ng bashers.

Madalas rin daw ang comments sa tungkol sa kanyang chin.

Kaya dumating daw sa punto na parang ayaw na niyang mag-post sa kanyang mga social-media accounts.

Aniya, “Parang nahiya na ako at one point na mag-picture ng sarili ko sa social media. Sa vlog ko, parang nahihiya na ako.

Continue reading below ↓

“Kasi sa vlog ko I never put make-up on, e, I never, hindi ko talaga gusto mag make-up unless I have to.

“'Tapos I started to become more ano with myself because I wanna hide something na, you know, angles.

"I had to figure out my angle because it’s just hard na parang, na parang, you feel beautiful today 'tapos 'pag nag-post ka ng picture, everybody will tell you otherwise.

"So, masa-shutdown ka na.”

Malaking boost para sa kanyang self-onfidence ang pagpapabawas niya ng kanyang chin o chin liposuction kay Dra. Belo.

Ayon kay Dani, "May mga nagmi-messsge sa akin na pumayat ka, asan na yung double chin mo nawala na."

Sa tingin niya, bakit ganun na lang kung maka-bash ang ilang netizens?

Tugon niya, “A lot of people would say it out of their insecurities, but I don’t think it’s that, e. Parang nowadays, it’s just out of spite na lang, parang may gusto lang silang i-prove.

Continue reading below ↓

“Kasi di ko naman sila kilala parang it’s out of meron silang feeling towards you, it’s just that they want to ruin your day. They just wanna say it.”

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dani Barretto reveals the persistent comments that used to bother her: "People would always say, ‘Bakit ganun, yung mga kapatid mo ang ganda, ikaw hindi.’ Or like, ‘Barretto ka ba talaga? Parang hindi ka mukhang Barretto.’”
PHOTO/S: Courtesy: @danibarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results