Andrea Torres recounts playing John Lloyd Cruz’s partner in a commercial 10 years ago

by Bernie V. Franco
Jul 19, 2021
Andrea Torres on possible project with John Lloyd Cruz: “Narinig ko lang din po siya sa mga news, sa mga sabi-sabi, ganyan. Pero wala pa pong official. Ang hirap po kasing i-claim until mag-roll na talaga, di ba? Ganun tayo until may storycon at until mag-roll… Parang ang hirap namang i-claim, so, ayoko munang i-claim."
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram / crown artists management FB / YouTube

Lumulutang ang pangalan ni Andrea Torres na posibleng makapareha ni John Lloyd Cruz sa isang proyektong gagawin umano nito sa GMA-7.

Usap-usapan na isang sitcom ang gagawin ni John Lloyd sa Kapuso network, pero wala pang opisyal na pahayag hinggil dito.

Si Andrea naman, mapapanood sa upcoming primetime series na Legal Wives.

Pero pagbubunyag ni Andrea, nakatrabaho at nakapareha na niya si John Lloyd sa isang commercial isang dekada na ang nakalilipas.

“Na-meet ko po siya before, nung nagku-commercial ako, kasi naging mag-partner kami sa isang commercial before.

“Pero matagal na po ‘yon. I think more than 10 years ago,” kuwento ni Andrea sa PEP.ph sa isang exclusive interview noong Biyernes, July 16, 2021.

Naipakilala raw silang dalawa ni John Lloyd sa isa’t isa, at “nice” naman daw ang aktor.

Newcomer pa lamang noon si Andrea sa showbiz.

Sabi ni Andrea, “Ano lang po, saglit ko lang po siyang nakasama nun, e

Continue reading below ↓

“Parang, kasi commercial, mabilis. Parang may part lang ako sa commercial na ‘yon.

“Ano lang po, yun lang, parang na-introduce lang. Nagkasama sa eksena.

“Nice naman po siya sa akin nun.

“Ano siya, parang orange juice po siya na project.”

Naging endorser ng bottled juice drink si John Lloyd noong 2011.

Sa 33-second TVC, na-friendzone kay Andrea ang isang lalaking sumusuyo sa kanya.

Continue reading below ↓

Biglang nag-transform ang lalaki bilang si John Lloyd matapos nitong uminom ng juice.

Na-attract kay John Lloyd si Andrea, pero binawian siya nito at tinawag na “friend” ni John Lloyd si Andrea.

JOHN LLOYD FAN

Sa totoo lang daw, fan si Andrea ni John Lloyd at ng bagong Kapuso artist na si Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

Excited daw si Andrea sa posibilidad na makasama niya ang sikat na dating love team na tinitingala niya.

Ani Andrea, “Actually, big fan nila akong dalawa kaya nakakatuwa na pwede na, di ba?

“Pwede na kaming magsama sa soap, sa isang project.

“So, hopefully po, hopefully isa sa mga projects with GMA sana makasama tayo, di ba?

“Parang lahat ng movies nila napanood ko, e."

Sa usap-usapan namang magkakapareha sila ni John Lloyd, umaasa raw si Andrea na matuloy ito.

“Actually, wala pa po official talaga na sinabi sa ‘kin na may gagawin po akong project [with John Lloyd].

“Narinig ko lang din po siya sa mga news, sa mga sabi-sabi, ganyan.

“Pero wala pa pong official. Ang hirap po kasing i-claim until mag-roll na talaga, di ba?

“Ganun tayo until may storycon at until mag-roll…

“Parang ang hirap namang i-claim, so, ayoko munang i-claim.

“Although pine-pray ko, siyempre, na sana mabigyan nga ng opportunity. Sana nga matuloy.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres on possible project with John Lloyd Cruz: “Narinig ko lang din po siya sa mga news, sa mga sabi-sabi, ganyan. Pero wala pa pong official. Ang hirap po kasing i-claim until mag-roll na talaga, di ba? Ganun tayo until may storycon at until mag-roll… Parang ang hirap namang i-claim, so, ayoko munang i-claim."
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram / crown artists management FB / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results