Is Kier Legaspi's post about "lies" referring to daughter Dani Barretto's interview?

by Rachelle Siazon
Jul 19, 2021
Kier Legaspi's cryptic post four days after daughter Dani Barretto spoke about their estrangement and how she reached out to him in 2020: "I'm trying to take all the punches and lies but let's see how you would feel if I tell my side of the story."
PHOTO/S: @kier_legaspi / @danibarretto Instagram

Malaman ang pasaring ni Kier Legaspi tungkol sa umano'y mga kasinungalingang ibinabato sa kanya.

Ngayong Martes, Hulyo 19, nag-post si Kier sa Instagram ng mensahe na waring pinag-iisipan niyang ilabas ang bersiyon ng kanyang kuwento tungkol sa isang isyu.

Pahayag ni Kier, "Magpainterview kaya ako para yung side ko naman ang marinig.

"I'm trying to take all the punches and lies but let's see how you would feel if I tell my side of the story.

"Game?"

Continue reading below ↓

Hindi tahasang binanggit ni Kier kung sino ang pinatatamaan niya sa kanyang post. Hindi rin niya eksaktong sinabi kung ano ang isyung nais niyang bigyang-linaw.

DANI'S INTERVIEW about estrangement with dad kier

Pero kapansin-pansing naglabas si Kier ng saloobin matapos maiulat ang pahayag ng anak niyang si Dani Barretto tungkol sa alitan nilang mag-ama.

Anak ni Kier si Dani sa dating nobyang si Marjorie Barretto.

Sa vlog ni Dra. Vicki Belo noong Hulyo 15, ikinuwento ni Dani na pitong taon ang lumipas nang huli niyang makausap at makita sa personal ang amang si Kier.

Tatlong buwan daw siyang tumira sa bahay ni Kier noong siya ay 19 years old.

Pero nagkaroon daw sila ng alitan noon, at iyon ang naging mitsa kung bakit mahabang panahon silang walang komunikasyon.

Balik-tanaw ni Dani, "But naudlot siya, e. After three months, dun kami nagka-falling out. A fight occurred one night.

"And then, hindi na namin na-resurrect from that night. We just stopped talking after that night.

Continue reading below ↓

"Then it has been seven years."

Hindi imbitado si Kier nang ikinasal si Dani kay Xavi Panlilio noong April 2019.

March 2019 nang ihayag ni Dani na tanggap na niyang hindi maayos ang relasyon nila ng amang si Kier.

Ilang beses na raw kasing umasa si Dani na mag-effort ang kanyang ama, subalit hindi ito nangyayari.

DANI ON REACHING OUT TO KIER in 2020

Pero tila sinubukan muli ni Dani na makipag-ayos kay Kier.

Sa kuwento ni Dani sa vlog ni Vicki, tinawagan daw niya sa telepono ang amang si Kier sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Sabi ni Dani kay Vicki, "I spoke to him last year. I called him.

"I was very emotional. I knew he was just there. I wanted my daughter to know him.

"I don't want my daughter to grow up na what if she asks me about my dad, wala ako masagot because I don't know what's happening in his life."

Continue reading below ↓

Sa huli, sinabi ni Dani na nagpaplano silang magkita ng amang si Kier, pero hindi raw natutuloy dahil sa pandemya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kier Legaspi's cryptic post four days after daughter Dani Barretto spoke about their estrangement and how she reached out to him in 2020: "I'm trying to take all the punches and lies but let's see how you would feel if I tell my side of the story."
PHOTO/S: @kier_legaspi / @danibarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results