Alden Richards reacts to wild comments from fans telling him "anakan mo ako"

by Rachelle Siazon
Jul 20, 2021
Alden Richards on flaunting his sexy abs on Instagram: "I'm turning 30 next year. It's about time to step up a bit from the usual. You give a certain impression when you do something. Para maiba lang. reinvent lang tayo."
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram

Napapangiting inamin ni Alden Richards, 29, na nababasa niya ang wild comments ng fans sa nagsusumigaw niyang abs sa social media.

"Namula ako dun, ah!" nahihiyang bulalas ni Alden sa PEP Spotlight, na umere sa PEP Facebook noong Biyernes, Hulyo 16.

Makailang-beses nang nag-post si Alden sa Instagram ng topless photo, at hindi kailang marami sa kanyang followers ang nabighani nang husto sa maganda niyang pangangatawan.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Marami ang nagkomentong kinilig sila sa papandesal ni Alden, at perfect daw na pang-almusal kasabay ng kape ang topless photo nito.

Continue reading below ↓

May iba pang nagsabi kay Alden na "step on me" o "apakan mo ako"—isang urban slang term na ang ibig sabihin ay handa silang magpaalipin o magpaka-submissive para rito.

Continue reading below ↓

May isa pang fan na medyo nahiya pa yata at sinabing "ge, may crucifix eh, ilulunok ko na lang kung ano man ang gusto kong sabihin."

Continue reading below ↓

ALDEN: "GUSTO NILA MAGPAANAK SA AKIN."

Sa PEP Spotlight, inihayag ni Alden na ang pinaka-wild reaction ng fans sa kanyang papandesal ay iyong mga nagsabi sa kanyang "Anakan mo ako, Alden."

"May ilan po sa kanila gusto nila magpaanak sa akin," napapangiting pag-amin ni Alden.

Itinuturing naman daw niyang compliment iyon sa kanyang pinaghirapang workout.

"Pero siyempre, free opinion naman. Kumbaga, it shows na okay po iyong result," saad ni Alden.

Paliwanag pa niya, "Kasi siyempre, when you work out, when you exert effort, personally, reward yung you see results of your hard work.

"Yun lang. Flex-flex lang tayo.

"Sobrang thankful ako sa kanila. Very positive naman ang comments nila."

MORE MATURE ALDEN

Naeengganyo raw si Alden na ipagpatuloy na mag-workout mula nang gawin niya ang isang sexy ad campaign noong 2020.

"Minaintain ko lang siya para you can see yourself on screen na very pleasing. Siyempre magpapakita rin tayo ng katawan dito sa serye," tukoy ni Alden sa pinagbibidahan niyang prime-time series na The World Between Us.

Continue reading below ↓

"Kasi matanda na tayo. I'm turning 30 next year. It's about time to step up a bit from the usual.

"You give a certain impression when you do something. Para maiba lang. Reinvent lang tayo."

Narito ang buong eksklusibong panayam kay Alden Richards sa PEP Spotlight:

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on flaunting his sexy abs on Instagram: "I'm turning 30 next year. It's about time to step up a bit from the usual. You give a certain impression when you do something. Para maiba lang. reinvent lang tayo."
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results