California dreaming: Dominic Roque flexes romantic side on Bea Alonzo

by Rachelle Siazon
5 days ago
After almost two weeks in the U.S., Dominic Roque finally posts cozy video with Bea Alonzo. Today is the 31st birthday of Dominic.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram

Sa wakas ay si Dominic Roque, 31, na mismo ang nag-post ng video na kapiling niya ang sinisintang si Bea Alonzo, 33, sa U.S.

Ngayong Martes, July 20 (Philippine time), ang ika-31 kaarawan ni Dominic.

Kitang-kita ang saya sa ngiti ni Dominic habang magkatabi at halos magkadikit ang mga mukha nila ni Bea.

Base sa Instagram Story ni Dominic, nag-wacky face siya habang matamis ang pagkakangiti ng bagong Kapuso actress.

Continue reading below ↓

Ipinakita rin ng binata na nasa bahay lang sila, at masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang tiyahin na si Beth Tamayo.

May ilan din silang kasama habang chill na umiinom ng wine si Beth sa tapat ng sinindihan nilang fire pit.

Continue reading below ↓

Tila kakatapos lang nila noong mag-dinner ng chicken inasal na inihaw ng isa pa nilang kasama.

Continue reading below ↓

Noong lunch time ay pumunta sila sa isang restaurant at maririnig si Bea na nagkukuwento habang kumukuha ng video si Dominic ng kanilang mga kinain.

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa ang fans dahil kahit 13 days na sa U.S. ang celebrity couple ay panay sa fan photos lamang makikita ang mga ito, o di kaya ay nahahagip lamang ng camera ni Dominic si Bea.

Noong Linggo, Hulyo 18, unang nasilayan ng fans ang litrato nina Dominic at Bea nang dumalo ang couple sa baby shower ni Beth. Pero kuha iyon ng ibang naroon din sa party.

WHAT BETH SAID ABOUT DOMINIC AND BEA

Walang dudang nag-level up ang ugnayan nina Dominic at Bea, lalo na ngayong personal nang naipakilala ni Dominic si Bea sa kanyang malapit na tiyahin.

Noong Marso 3, eksklusibong nakapanayam ng PEP Troika si Beth at diretsahang inaming updated siya tungkol kina Dominic at Bea.

Pambibisto pa noon ni Beth sa pamangking si Dominic, "Minsan may picture na kaakbay. Magpapadala siya ng picture."

Ayon kay Beth, nirerespeto niya ang desisyon ng couple na maging low-key pagdating sa kung anumang estado ng relasyon ng mga ito.

Continue reading below ↓

"I think they’re very, very confident and they’re happy wherever it is in a relationship... kung nasa’n man sila ngayon, and okay na yun," dagdag pa noon ni Beth.

DOMINIC AND BEA'S PUBLIC POSTS

Unti-unti namang isinasapubliko nina Dominic at Bea ang kanilang espesyal na ugnayan.

Noong July 15, nagpalitan ng heart emojis ang dalawa sa IG post ni Bea.

Continue reading below ↓

Noong July 13, may pasimpleng "I love you" si Dominic kay Bea nang mag-iwan ang binata ng "i*y" sa IG post ni Bea.

Taong 2019 nang unang mapansin ang pagiging malapit nina Bea at Dominic sa isa't isa. Nagbakasyon sila noon sa Japan kasama ng isa nilang kaibigan.

Pagpasok ng taong 2020, hindi nakaligtas sa mapanuring netizens na consistent ang madalas na pagsasama nila mapa-espesyal na okasyon sa pamilya ni Bea o kahit sa paggo-grocery ng aktres.

Continue reading below ↓

Hindi rin kaila sa fans ang pagiging bukas ni Dominic sa paghanga niya kay Bea.

Noon namang December 2020, inamin ni Bea na balik na siya sa dating scene.

Hanggang sa noong April 2021, umamin si Bea na nagdi-date sila ni Dominic, pero hindi pa raw sila opisyal na magkasintahan.

Tila boto naman ang ina ni Bea na si Mary Anne Ranollo kay Dominic.

Base sa vlog ni Bea noong January 2021, inilarawan ni Mary Anne na si Dominic ang tipong dyodyowain at hindi lang basta totropahin.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After almost two weeks in the U.S., Dominic Roque finally posts cozy video with Bea Alonzo. Today is the 31st birthday of Dominic.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results