Jodi Sta. Maria teases ex-husband Pampi Lacson, Iwa Moto for being too sweet for comfort

by Bernie V. Franco
Jul 21, 2021
Jodi Sta. Maria takes to Instagram in teasing ex-husband Pampi Lacson and actress Iwa Moto who posted a kissing photo.
PHOTO/S: @jodistamaria @iam_iwa on Instagram

Todo-suporta si Jodi Sta. Maria sa pagsasama ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson at ng partner nitong si Iwa Moto.

Patunay lamang ng magandang pakikitungo nila sa isa’t isa sa kabila ng kanilang sitwasyon.

Nitong weekend ay nag-post si Iwa sa Instagram ng mga larawan nila ni Pampi.

Sa unang larawan, makikitang hinahalikan ni Iwa sa pisngi ang partner.

Bakas ang tuwa ni Iwa, base sa caption.

Sabi ng dating aktres,:“Hihihihi. Love you mahal ko.”

Nagkomento si Jodi tungkol sa sweetness ng dalawa.

Panunukso ng Kapamilya actress: “ehem-ehem kalat na po ang langgam dito [ants emojis]”

Sinakyan naman ni Iwa ang pagbibiro ni Jodi.

Sagot ni Iwa: “nakita mo ba next photo? Alam mo naman pag nilambing ko yan napapagastos sya eh [laughing faces with tears emojis]”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Iwa ay ang larawang kasunod ng kissing photo nila ni Pampi, kung saan nakabukas ang kanyang palad at tila may hinihingi sa gulat na si Pampi.

Sumagot muli si Jodi at naintriga kung ano ang hinihingi ni Iwa.

“I wonder kung ano yun heehee,” biro ni Jodi.

Continue reading below ↓

Nakisali rin si Pampi sa usapan. Hirit nito, baka payagan na raw siyang mag-motor ni Iwa.

Continue reading below ↓

Bago ito, may previous post naman si Iwa na kasama sa kotse sina Pampi at Thirdy, ang 15-anyos na anak nina Jodi at Pampi.

Nagkomento rin dito si Jodi: “ingat kayo. Miss you guys [face with tear emoji]”

Sweet namang sagot ni Iwa: “next week dalawin ka namin. Miss ka na namin”

Continue reading below ↓

Samantala, ilang netizens ang pumuri sa magandang relasyon ni Jodi kina Iwa at Pampi.

Continue reading below ↓

Sina Jodi at Pampi ay ikinasal noong 2005 at napabalita ang kanilang paghihiwalay noong 2011.

Kinumpirma naman ni Iwa ang relasyon nila sa ex-husband ni Jodi noong 2012.

May dalawang anak sina Iwa at Pampi—ang 7 anyos na si Mimi, at six-month-old na si CJ.

Sa kasalukuyan, karelasyon ni Jodi ang aktor na si Raymart Santiago.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria takes to Instagram in teasing ex-husband Pampi Lacson and actress Iwa Moto who posted a kissing photo.
PHOTO/S: @jodistamaria @iam_iwa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results