Rumored couple Kiko Estrada, Heaven Peralejo get cozy at a party

by Arniel C. Serato
Jul 21, 2021
Despite being spotted together in public places, Kiko Estrada and Devon Seron are still mum about the real score of their relationship.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Twitter

Muling kumalat sa social media ang mga larawan ng rumored couple na sina Kiko Estrada, 26, at Heaven Peralejo, 21.

Makikita ritong nasa isang birthday party ang dalawang Kapamilya stars.

Ayon sa isang uploader sa Twitter noong Linggo, July 18, “Happy Sunday #KiVen #KikoEstrada #HeavenPeralejo

Walang ibang detalyeng nakalagay kung kaninong kaarawan ang dinaluhan ng dalawa.

Continue reading below ↓

May mga pumuna man kina Kiko at Heaven, ipinagtanggol naman sila ng isang netizen sa Twitter.

Ayon sa netizen, walang masama kung magkaigihan sina Kiko at Heaven dahil pareho single ang mga ito.

Pagtatanggol nito sa dalawa: “Yung iba may masabi na lang una sa lahat walang nangyaring agawan ligawan meron kaya nga naging sila. In the 1st place both single anong masama s knila. O sadyang hindi ninyo.lang matanggap n bagay n bagay sila. Infairness”

Continue reading below ↓

Noong unang bahagi ng Hunyo 2021, namataan ang dalawa na magkasama sa Boracay.

May kuha pa silang magkahawak-kamay habang naglalakad.

Pero hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa tunay ng estado nila.

Noong pumutok ang hiwalayan nina Kiko at Devon Seron noong Marso, itinuro ng netizens si Heaven bilang third party daw sa hiwalayan.

Pero mariin niya itong itinanggi.

Saad pa ni Heaven sa kanyang pahayag noon, “Associating me with actors I have scenes with can be easy.

“At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other.”

Magkasama noon ang dalawa sa Kapamilya teleseryeng Bagong Umaga.

Ayon pa kay Heaven, hindi siya dapat kinakaladkad sa isyu at bansagang "third party."

Naglabas daw siya ng pahayag upang ituwid ang mga ibinabatong isyu sa kanya.

Pahayag niya, “I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada.

Continue reading below ↓

“However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn't and would never do.

"To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”

Bago ang pagkaka-link niya kay Kiko, naging boyfriend ni Heaven ang panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite being spotted together in public places, Kiko Estrada and Devon Seron are still mum about the real score of their relationship.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results