Liezel Lopez confirms breakup with Kristoffer Martin; AC Banzon reacts to Liezel calling her "easy target"

by Rachelle Siazon
Jul 21, 2021
Liezel Lopez on netizens asking for her reaction to Kristoffer Martin's rumored trip to Bohol with ex-girlfriend AC Banzon: "Naka block sila sakin hahaha well he's her problem now." Liezel adds that Kristoffer must have brought someone who's an "easy target." Looks like AC is not about to take Liezel's side comments sitting down.
PHOTO/S: TikTok / @liezel.lopez / @acbanzooon Instagram

Kinumpirma ni Liezel Lopez na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Kristoffer Martin matapos ang anim na buwang relasyon.

Parehong Kapuso stars sina Liezel at Kristoffer. Gumanap sila bilang magkapatid sa afternoon drama series na Babawiin Ko Ang Lahat, na umere mula Pebrero 22 hanggang Mayo 21, 2021.

Sweet pa sila nang mag-date sila sa isang restaurant noong June 12.

Pero noong July 15, nagpakawala si Liezel ng sunud-sunod na maaanghang na salita tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Kristoffer.

Namulat na raw ang mga mata niyang hindi karapat-dapat sa kanya ang ex-boyfriend.

Naglabas siya sa TikTok ng "Me Now" vs "Me 6 Months Ago."

"I can't believe we're getting so worked up with some guy," dub ni Liezel kalakip ng written text na "Me Now."

Continue reading below ↓

Sinundan niya ito ng written text na "Me 6 Months Ago," habang ang dub niya ay "This one's different. He's honest. He's Sweet. He would never do anything to hurt me."

Dinagdagan ito ni Liezl ng caption na "don't ignore the [red flags emojis]."

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens na burado na rin sa TikTok ni Liezel ang videos nila ni Kristoffer, kaya tinanong ang dalaga kung hiwalay na ba sila.

Diretsahang sinagot ni Liezel ang mga nag-usisang netizens: "Yup nakipag hiwalay na ko."

May smiley pa ang isang sagot niya sa isang commenter, "Yesss I let him go na."

Continue reading below ↓

BACKSTORY ON LIEZEL-KRISTOFFER ISSUE

Hindi kailang kontrobersiyal ang simula ng relasyon nina Liezel at Kristoffer.

Itinurong third party si Liezel sa hiwalayan ni Kristoffer at longtime girlfriend nitong si AC Banzon.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero 2021, isiniwalat ni AC na December 19, 2020 nang makipaghiwalay sa kanya si Kristoffer.

Continue reading below ↓

Nangyari raw ang breakup nina AC at Kristoffer isang araw mula nang lumabas ang aktor mula sa isang buwang lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat.

Sinubukan daw ni AC na makipag-ayos kay Kristoffer, pero tumanggi ang aktor.

Tumagal ng pitong taon ang kanilang relasyon.

Isang linggo matapos ang breakup, saka lamang daw umamin si Kristoffer na may iba na itong babaeng minamahal pero hindi pinangalanan kung sino.

Hindi tinukoy noon ni AC si Liezel.

Noon lamang April 4, 2021 umamin si Kristoffer na nobya niya si Liezel, na nakatrabaho niya sa Babawiin Ko Ang Lahat.

LIEZEL ALLUDES TO KRISTOFFER'S OTHER GIRLS

Ngayong hiwalay na sila ni Kristoffer, hindi inurungan ni Liezel ang komento ng netizen na, "Pinagpalit nya nga yung ilang years nyang GF para sayo eh. Magtataka ka pa ba?"

Sa puntong ito, nagpahaging si Liezel na may iba pa umanong babae si Kristoffer.

"Well hindi lang naman ako," sabi ni Liezel kalakip ng quiet o shushing face emoji.

Continue reading below ↓

May nag-usisa pa kay Liezel kung may pagkukulang daw ba siya kay Kristoffer bilang nobya.

Sagot ni Liezel, "Hindi ako nagkulang .. sumobra nga eh shiiissshhh."

Continue reading below ↓

Siya man ay nagulat daw sa kinahantungan ng kanilang relasyon.

Pero siniguro ni Liezel na nakapag-move on na siya.

Continue reading below ↓

Masaya raw siya lalo pa't "i have new bebe naman."

Hindi naman tinukoy ni Liezel kung sino ang bagong "bebe" na tinutukoy niya.

Continue reading below ↓

LIEZEL REACTS TO KRISTOFFER AND AC'S TRIP TO BOHOL

Nakarating naman kay Liezel ang usap-usapang magkasama ang dating magkasintahang Kristoffer at AC na nagbakasyon sa Bohol.

Sa TikTok thread noong July 15, may netizen kasing nagtanong kay Liezel kung hindi raw ba siya kasama sa swimming.

Malamang sabi ni Liezel, "Naka block sila sakin hahaha well he's her problem now."

Walang eksaktong detalyeng sinabi ang netizen, pero lumabas na may ideya siyang may kasamang babae si Kristoffer sa Bohol.

Nang ipunto ito ng netizen na bakit mukhang updated si Liezel, sinabi ng Kapuso actress na noong sila pa ni Kristoffer ay nagplano na silang magbakasyon sa Bohol.

Dagdag ni Liezel kalakip ng laughing with tears emoji, "ayoko lang sumama .. kasi nakipag hiwalay na ko."

Continue reading below ↓

Nagpahaging din si Liezel na "easy target" ang babaeng isinama ni Kristoffer sa Bohol.

Ani Liezel (published as is), "Why? She thought that it's for her? Hahahaha [laughing emoji] let me guess ofcourse ayaw nya mag isa kaya ang isasama nya yung easy target."

Hindi na muli sumagot pa si Liezel nang sabihin ng isang netizen na kasama ni AC ang tiyahin nito sa Bohol.

Continue reading below ↓

May TikTok din si Liezel na may caption na "I'm not going to talk anymore [sshhh emoji] just GL [smiling with hearts emoji]. Ganda lang ang ibig sabihin ng GL."

WAS AC CALLING LIEZEL "PAVICTIM"?

Kung susuriin ang Instagram posts nina AC at Kristoffer, mapapansing pareho silang may pictures sa Bohol between July 9 hanggang July 18.

Continue reading below ↓

Pareho silang may mga solo picture na kuha sa iisang resort sa Panglao, Bohol at pareho rin silang may solo picture na namamasyal sa Chocolate Hills Adventure Park.

Continue reading below ↓

Kaya nahinuha ng ibang netizens na magkasama sina AC at Kristoffer doon.

May netizen na nagparating kay AC na tinawag umano siya ni Liezel na "easy target" ni Kristoffer.

Simple pero palaban naman ang mga balik-sagot ni AC.

Tweet ni AC noong July 15: "Hahahahaha yoko magtalk."

Continue reading below ↓

Sumang-ayon si AC sa komento na ang lakas ng loob ni Liezel na paringgan pa siya.


Sinundan ito ni AC ng malamang tweet: "Sa 3 days lang, sila na? (initiate pa ni….oops) char."


Continue reading below ↓

Isang supporter pa ni AC ang nagsabing alam naman daw ni Liezel na "may sabit" si Kristoffer nang makipagrelasyon ito sa aktor noon.

Sagot ni AC, "Hehehehe."

Ipinarating ng isa pang supporter ni AC ang pahayag ni Liezel na masaya ito dahil may "new bebe" na ito.

Diretsahang sagot ni AC, "May new bebe na pala eh bakit ayaw mag quiet haha."

Continue reading below ↓

Isa pang malamang tweet ni AC na waring patama kay Liezel: "Lol pavictim."

Continue reading below ↓

KRISTOFFER MARTIN's cryptic posts

Sa kabilang banda, tikom ang bibig ni Kristoffer sa gitna ng parinigan sa pagitan nina Liezel at AC.

Bandang July 5 nang magsimula ang matalinhagang tweets ni Kristoffer tungkol sa pagkakaroon ng "clean slate" para "ayusin sarili ko" at "yung maling nagawa."

Noong July 7, nag-tweet din si Kristoffer ng mga katagang "Hindi na maliligaw."

Continue reading below ↓

Ang mga sumunod pang tweets ng aktor ay tungkol sa pagbabagong nakikita niya sa sarili.

Nagpasalamat pa siya sa mga kaibiganh umalalay sa kanya noong panahong "bagsak" daw siya.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Kristoffer noong July 9: "La lang. Naaappreciate ko lang mga ginagawa ni Lord sa buhay ko. Dami kong realizations.

"Daming nangyari na akala ko walang sagot pero laging nasa harap ko lang pala. He provides just enough.

"Mas naging kuntento ako sa mga bagay at buhay na meron ako ngayon."

Continue reading below ↓

Hindi tuwirang binanggit ni Kristoffer kung kasama sa ipinagpapasalamat niya ang hinihinalang pagbabalikan nila ng dating nobya na si AC.

AC BANZON ON RUMORED RECONCILIATION WITH KRISTOFFER MARTIN

Para linawin ang isyu, nakipag-ugnayan kay AC si Bernie Franco, senior staff writer ng PEP.ph noong July 11 at 15.

Diretsahang tinanong ng PEP.ph si AC kung nagbalikan sila ni Kristoffer.

Sabi ni AC noong July 11: "Hi, Sir. No we're not po. That won't be easy po."

Pero mahihinunhang tila nagkausap ang dating magkasintahan.

Marespetong sabi ni AC sa PEP.ph noong July 15: "Right now, Kristoffer's focused on making himself better. Yun lang po."

Sina AC at Kristoffer ay may apat na taong gulang na anak.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liezel Lopez on netizens asking for her reaction to Kristoffer Martin's rumored trip to Bohol with ex-girlfriend AC Banzon: "Naka block sila sakin hahaha well he's her problem now." Liezel adds that Kristoffer must have brought someone who's an "easy target." Looks like AC is not about to take Liezel's side comments sitting down.
PHOTO/S: TikTok / @liezel.lopez / @acbanzooon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results