Kisses Delavin on joining beauty pageants: "It has always been my passion."

by Bernie V. Franco
Jul 21, 2021
Kisses Delavin finally updates Instagram account after recent announcement that she will join Miss Universe Philippines 2021: “Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines!”
PHOTO/S: @asharaindkf and @kissesdelavin on Instagram

Nagparamdam na si Kisses Delavin, 22, kasunod ng recent announcement na isa siya sa Miss Universe Philippines 2021 candidates.

Ngayong gabi ng Miyerkules, July 21, nag-post si Kisses sa Instagram matapos ang halos dalawang buwang pananahimik sa social media.

Nagbigay ng update si Kisses kaugnay ng pagsabak niya sa national pageant.

Bahagi ng kanyang post: “Hello Universe! Life updates: 1) I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines!”

“Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines!”

Continue reading below ↓

Hindi na bago kay Kisses ang pagsabak sa beauty pageants.

Itinanghal siyang Miss Teen Masbate noong 2013 at Miss Kaogma noong 2016.

Marami ang nagulat sa announcement na sasali si Kisses sa Miss Universe Philippines 2021 dahil tahimik lamang siya tungkol dito.

Pansamantala rin munang nagpahinga si Kisses sa showbiz dahil sa pandemya at umuwi siya sa Masbate.

Continue reading below ↓

Ang tiyak lang, alam na ni Kisses sa sasabak siya sa national pageants mula pa sa simula.

KISSES SAYS PAGEANTRY IS CLOSE TO HER HEART

Sa kanyang pinakahuling interview noong Mayo 15, 2021, ipinahayag ni Kisses na nasa puso niya ang pagsali sa pageants.

“Ever since I was a little kid, nag-start ako mag-join ng beauty pageant.

“When I was three years old nag-bikini na ‘ko. So, it has always been my passion,” aniya sa Facebook Live ng isang supermarket brand.

Ipinaliwanag din ng former Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate kung bakit espesyal sa kanya ang pageantry.

Sabi ni Kisses, “Parang sobrang malapit yung heart ko in pageantry kasi there’s so much self-expression in pageantry.

“It’s not about the heels or whatsoever, it takes so much discipline.

“And the girls also, you get to be inspired and learn so much from your fellow candidates in real life.”

INITIALLY RECRUITED TO JOIN MISS WORLD PH

Kinumpirma rin ni Kisses na nire-recruit siyang sumali sa Miss World Philippines 2021 pageant, pero tinanggihan niya ito.

Continue reading below ↓

“Yes, I was recruited to join Miss World [Philippines] and I didn’t join.

“And it’s not because I didn’t want to join, kung pwede lang magdyo-join na ‘ko, but there are so many factors right now.”

Paliwanag ni Kisses, “Marami akong hindi na-take na project because of the pandemic. I have to stay here in Masbate.

“But in the future, yeah, in the future, why not?”

Gaganapin ang grand coronation night ng Miss World Philippines ngayong Linggo, July 25.

Inamin din ni Kisses na walang nagma-manage sa kanya kasunod ng pag-uwi niya sa kanyang hometown dahil sa pandemic.

Aniya, “I’m currently not being managed right now kasi medyo tumigil ako sa showbiz.

“It would be very unfair to be managed when wala naman akong tinatanggap na work kasi andito po ako sa Masbate.”

Pero paniniyak niya, “When I come back, definitely I’m coming back to work and I’m going to be managed.”

Continue reading below ↓

Noong November 2019 ay pumirma ng management contract si Kisses sa Triple A management at APT Films, na siya ring nagma-manage kina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Bago ito, naging Star Magic talent muna si Kisses at naging artista ng ABS-CBN.

Ang D’Ninang (2020) na pinagbidahan ni Ai-Ai delas Alas ang huling pelikulang nagawa ni Kisses.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kisses Delavin finally updates Instagram account after recent announcement that she will join Miss Universe Philippines 2021: “Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines!”
PHOTO/S: @asharaindkf and @kissesdelavin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results