Bea Alonzo seen holding hands with Dominic Roque

by Rachelle Siazon
Jul 22, 2021
A friend greets Dominic Roque a happy birthday by showing a throwback photo of him holding hands with ladylove Bea Alonzo. The one in the right photo, where Bea is seen with her arm around Dominic, is taken on his 31st birthday on July 20, 2021 (U.S. time) at a winery in Napa Valley.

Huli ang sweetness ng rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Hindi nagpaawat ang mga kaibigan ni Dominic sa pambubuking sa binata kung gaano ito kasaya sa piling ni Bea.

Una na rito ang litrato nina Bea at Dominic na magka-holding hands habang nasa loob ng isang Japanese restaurant.

Throwback photo iyon ng kasama nilang si Raniel Resuello, na ka-motorcycle community ni Dominic.

"Happy birthday brother @dominicroque ! Enjoy kayo team #TiNik tayo," sabi ni Raniel sa caption ng kanyang Instagram post.

Noong July 20, Mates, ang 31st birthday ni Dominic.

Continue reading below ↓

Ang "TiNik" ay pinagsamang Tisay at Nik, na uniname ng fans kina Bea at Dominic, o kilala rin bilang BeaDom.

Sagot ni Dominic kay Raniel, "Thanksss partnerr."

May netizen na humirit na "sana ol holding hands" patungkol kina Dominic at Bea.

Sang-ayon ni Raniel, "habang kumakain pa yan ha! Haha."

COZY EVEN IN CALIFORNIA

Kasalukuyang nagbabakasyon sina Dominic at Bea sa Amerika.

At sa patuloy na pagdiriwang ni Dominic ng kanyang ika-31 kaarawan, nagtungo sila sa Long Meadow Ranch, na isang winery sa Napa Valley.

Dito ay makikitang nakaakbay naman si Bea kay Dominic sa isa nilang group photo.

Ibinahagi iyon ng kaibigan ni Dominic na si Aris Tuazon na may caption sa Instagram na "Happy birthday tsong."

Continue reading below ↓

exclusively dating

Matagal nang exclusively dating sina Bea at Dominic, pero kinumpirma lamang ito ng aktres noong Abril 2021.

Consistent naman si Dominic sa pagiging bukas sa paghanga niya kay Bea.

Nang mag-birthday si Dominic noong 2020, ipinost niya ang throwback photo nila ni Bea na kuha sa kanilang bakasyon sa Japan noong 2019.


Continue reading below ↓

Narito ang post ni Dominic nang mag-33rd birthday si Bea noong October 2020:


October 2020 nang aminin ni Bea sa kanyang vlog na siya ay may idine-date at bukas siyang maging masaya muli.

Kinumpirma ulit ito ni Bea noong December 2020.

Noong February 2021 ay namataan silang magkasamang nagbakasyon sa Amanpulo.

Continue reading below ↓

Low-key man si Bea sa tunay na estado ng ugnayan nila ni Dominic, ngayon ay unti-unti silang nagiging bukas sa nararamdaman nila para sa isa't isa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A friend greets Dominic Roque a happy birthday by showing a throwback photo of him holding hands with ladylove Bea Alonzo. The one in the right photo, where Bea is seen with her arm around Dominic, is taken on his 31st birthday on July 20, 2021 (U.S. time) at a winery in Napa Valley.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results