Angel Locsin on speaking her mind about national issues: “May kinakatakutan ka kaya gusto mong ipaglaban.”

by Arniel C. Serato
6 days ago
Angel Locsin on being outspoken: "Kailangan mo nang magsalita, di ba, hindi naman para umapak ng ibang tao, kundi para mas maging totoo ka lang sa sarili mo. Yun lang naman yun, e."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Isa si Angel Locsin sa mga celebrity sa bansa na kilalang naghahayag ng kanyang saloobin tungkol sa ilang national issues.

Sa MattRuns podcast ni Matteo Guidicelli sa Spotify noong July 16, nagbigay ng pahayag si Angel tungkol dito.

Hindi ba siya natatakot kapag nagbibigay ng opinyon?

Sagot ni Angel, “Takot ako kaya ako nagsasalita, Matteo.

“Kasi kung hindi ka takot, deadma ka lang. Kaya mo i-ignore everything.

“Kung takot ka na, kunyari nagsasalita ako about certain issues, kaya ka nagsasalita doon kasi may takot ka na, may ayaw kang mangyari, kaya ka nagsasalita.

“Kasi kung hindi ka naman takot, bakit ka magsasalita?”

Para sa actress-philanthropist, hindi naman nangangahulugang dahil nagsasalita ka tungkol sa isyung pambansa ay matapang ka na.

Aniya, “It doesn’t mean na matapang ka kung nagsasalita ka. It means may kinakatakutan ka kaya gusto mong ipaglaban.

“Natatakot kang maapi, natatakot kang ibahin yung story mo ng ibang tao. So, 'yon yung sa akin.”

Continue reading below ↓

Kailan naman ang turning point niya na nagsilbing hudyat na magbigay ng kanyang opinyon?

Pagbabalik-tanaw ni Angel, "Dati hindi ako ganito, e. Alam ko mas gusto ko pang mag-stay sa kotse kaysa sa dressing room kasi nahihiya ako, e.

"Hindi ko rin kayang mag-'no.'

“Yung daddy ko, binibigyan ako... hindi kasi magulay dati, e, ngayon lang ako natutong kumain ng gulay.

"Pag tinatanong niya ako, daddy ko na ‘to ha, 'Gusto mo ng gulay?' gusto ko man sabihing 'Ayoko, ibato mo 'yan sa malayo,' sasabihin ko, 'Oo.'

"Tapos gagawa lang ako ng paraan kung paano ko siya itatago sa milk ko, sa plato, sa banyo, para iisipin niya na kinain ko yung gulay, di ba?

“Siguro ano lang, through experience, maturity, makita mo yung right or wrong.

"Saka darating ka rin sa point na parang alam mo yung kailangan mo nang magsalita.

"Kailangan mo nang magsalita, di ba, hindi naman para umapak ng ibang tao, kundi para mas maging totoo ka lang sa sarili mo. Yun lang naman yun, e."

Continue reading below ↓

Hindi rin daw niya kailangang i-impose sa iba kung ano ang kanyang paniniwala.

Saad pa ni Angel, “Wala naman akong intention na i-impose yung opinions ko or ideas ko sa inyo, sa ibang tao, kung hindi para maintindihan niyo rin kung ano yung nasa isip ko.

“Kasi lahat naman nadadaan sa maayos na pag-uusap.”

Noong kasagsagan ng pakikipaglaban ng ABS-CBN para sa franchise renewal nito, isa si Angel sa masugid na nagtanggol sa kinabibilangang network.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on being outspoken: "Kailangan mo nang magsalita, di ba, hindi naman para umapak ng ibang tao, kundi para mas maging totoo ka lang sa sarili mo. Yun lang naman yun, e."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results