Dindi Pajares voted by fellow Miss World PH candidates as Miss Supranational Philippines 2021

by Nikko Tuazon
Jul 24, 2021
Miss World Philippines Organization, Dindi Pajares, Miss Supranational Philippines
Miss World Philippines Organization names Dindi Pajares as the Miss Supranational Philippines 2021 winner.
PHOTO/S: Courtesy of Miss World Philippines Organization

Ang kandidata mula sa Bataan na si Dindi Pajares ang napili ng Miss World Philippines Organization (MWPO) na ilaban sa Miss Supranational 2021.

Ang Miss World Philippines Organization national director na si Arnold Vegafria mismo ang naghatid ng balita sa mga kandidata sa ginanap na awarding ceremony nitong Sabado, July 24, 2021.

Bago ang announcement, sinabi ni Vegafria na ang Miss World Philippines 2021 candidates mismo ang bumoto o pumili kay Dindi bilang representative ng bansa sa Miss Supranational 2021.

Aniya, "The judges are the candidates. Kayo rin ang mga judges, so I just want to let you know, to all the people watching now, the one who judged for... who chose our official candidate for Miss Supranational 2021, the judges are the candidates."

Bukod kay Dindi, kabilang sa mga pinagpilian sina Candidate No. 28 Ruffa Nava, No. 38 Kathleen Paton, at No. 11 Megan Deen Campbell.

Dindi Pajares, Miss World Philippines 2021, Miss Supranational Philippines 2021

Continue reading below ↓

Dindi Pajares, Miss World Philippines 2021, Miss Supranational Philippines 2021

Isa si Dindi sa maituturing na frontrunners ng Miss World Philippines 2021 pageant.

Kabilang siya sa finalist ng dalawang fast-track challenges: ang Beauty with a Purpose (Top 6) at Top Model Challenge (Top 10).

Bukod sa mga ito, bahagi rin si Dindi sa Top 10 Best in National Costume ng nasabing pageant.

Ang winners sa fast-track challenges ay automatic na mapapabilang sa Top 20 semi-finalists na ipapakilala mismo sa grand coronation night.

Sa Linggo, July 25, 2021, dapat gaganapin ang grand coronation night ng Miss World Philippines 2021 sa Okada Manila.

Ngunit napagdesisyunan ng MWPO na ipagpaliban ito dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 at matinding banta ng higit na nakakahawang Delta variant.

Sa August 8, 2021 na ang bagong coronation night ng Miss World Philippines 2021 sa parehong venue.

Pitong kandidata pa ang mag-uuwi ng korona. Kabilang dito ang Miss World Philippines 2021, Miss Eco Philippines 2021, Miss Eco Teen Philippines 2021, Reina Hispanoamericana Filipinas 2021, Miss Multinational Philippines 2021, Miss Philippines Tourism 2021, at Miss Environment International Philippines 2021

Si Dindi ang unang kandidata na ipapadala ng Miss World Philippines Organization sa Miss Supranational pageant simula nang mapunta ang local franchise ng pageant na ito sa kanila.

Continue reading below ↓

Sa August 3, 2021 ang lipad ni Dindi patungong Poland, kaya ilang araw lang ang magiging preparations nito para sa Miss Supranational pageant.

Sa August 21, 2021 naman gaganapin ang grand coronation night ng Miss Supranational 2021 sa Strzelecki Park Amphitheater sa Malopolska, Poland.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss World Philippines Organization names Dindi Pajares as the Miss Supranational Philippines 2021 winner.
PHOTO/S: Courtesy of Miss World Philippines Organization
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results