Cristine Reyes says recent typhoon, earthquake reminds her of traumatic typhoon Ondoy

by Rachelle Siazon
Jul 25, 2021
Cristine Reyes on what she did amid terror-filled moment: "Bihira ako manalangin pero naiiyak ako kasi kahit minsan lang ako lumapit palagi siyang andyan. Palagi niya akong sinasamahan." Cristine and her family (right) were trapped on the rooftop of her two-storey home in Marikina in 2009.
PHOTO/S: @cristinereyes Instagram / CTTO

Hindi maiwasang manumbalik ang trauma ni Cristine Reyes dahil sa dire-diretsong pag-ulan sanhi ng hanging habagat na tumama sa Metro Manila.

Isa si Cristine sa nabiktima ng hagupit ng Bagyong Ondoy noong 2009, at hindi inasahan noon ang tindi ng pagbaha sa Kamaynilaan kaya marami ang naapektuhan.

Lubha raw nag-alala si Cristine, lalo na't bukod sa ulan ay lumindol din nang malakas noong madaling-araw ng Sabado, July 25.

Kaya napuno nang takot si Cristine na maranasan niya muli ang ma-trap dahil sa sakuna.

Post ni Cristine sa Instagram: "Living on top of a building and then waking up with an earthquake made me jump out of my bed feeling so terrified.

"This weather gives me anxiety. It reminded me of the devastating flash flood caused by typhoon 'ondoy'.

"I have seen people got locked up trying to break their own windows and heard people screaming for help until you hear them no more..some drowned and some like me was able to swim fast whilst assisting my precious little nieces, little sister and my mom."

Continue reading below ↓

Naalala raw ni Cristine ang hirap nang ma-trap siya at ang kanyang mga kapamilya sa tuktok ng two-storey home niya noon sa Marikina.

Ilang oras din silang nanalagi doon dahil sa hindi inasahang pagtaas ng baha na "lagpas sa puno" at "nakarating na ng second floor" ng kanyang tirahan.

"We all climbed up on the roof with baby snakes and rats dangling on my/our body. It was horrible and traumatic," dagdag ni Cristine.

Aminadong hindi siya likas na paladasal, pero napaiyak daw siya habang humiling sa Diyos na proteksiyunan siya at ang kanyang six-year-old daughter na si Amarah.

Madamdaming sabi pa ni Cristine: "In times like this.. when you have no control of things around you. There’s only one thing I consistently do. I speak to HIM.

"Bihira ako manalangin pero naiiyak ako kasi kahit minsan lang ako lumapit palagi siyang andyan. Palagi niya akong sinasamahan.

"Siya talaga ang sandalan nating lahat."

Continue reading below ↓

Kalakip ng post ni Cristine ay isang quote card tungkol sa pagiging malakas niya kahit siya ay nag-iisa.

Sabi rito, "she became strong by herself."


ON SEPARATION FROM HUSBAND AND BEING INDEPENDENT

Hindi kaila sa publiko na matagal nang hiwalay si Cristine at ang asawang si Ali Khatibi.

Taong 2018 nang unang mabalita ang tungkol sa breakup nila matapos ang higit dalawang taong buhay mag-asawa.

Continue reading below ↓

March 2019 nang ihayag ni Cristine sa isang TV interview na "civil" na lang sila ni Ali.

Sinabi rin niya sa isang presscon noong buwang iyon na sanay siya na solong nagtataguyod sa sarili.

"I can really say that I'm self-made.

"Ever since I started working for 15 years, 2003, I also helped my family.

"Nobody really helps me financially."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes on what she did amid terror-filled moment: "Bihira ako manalangin pero naiiyak ako kasi kahit minsan lang ako lumapit palagi siyang andyan. Palagi niya akong sinasamahan." Cristine and her family (right) were trapped on the rooftop of her two-storey home in Marikina in 2009.
PHOTO/S: @cristinereyes Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results