Nikki Valdez on Kapamilya stars jumping ship: "It's not for us to judge them."

by Melba R. Llanera
Jul 26, 2021
Nikki Valdez on being a solid Kapamilya: "My relationship with ABS has always been like that. We take care of each other. They're always there for me."
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @nikkivaldez_ Instagram

Consistent si Nikki Valdez sa pagpakita ng malasakit at paghayag ng loyalty sa ABS-CBN, na kanyang home network sa loob ng 24 taon.

Bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Tinatanaw raw niyang malaking utang na loob na kahit walang prangkisa ang ABS-CBN ay patuloy pa rin siyang nabibigyan ng proyekto.

Ito ang dahilan kung bakit hindi raw niya naisip lumipat ng TV network.

Paliwanag ni Nikki, "Kare-renew ko lang kasi ng contract ko dito, with Star Magic, with my management of 24 years.

"I guess one major reason also why I stayed, why I'm still here, and I don't have any plans of transferring is because last year, kahit walang-wala ang ABS-CBN, di na-grant ang franchise, di naman ako nawalan ng work.

"My relationship with ABS has always been like that. We take care of each other. They're always there for me."

ON KAPAMILYA STARS SWITCHING NETWORKS

Ilan sa kapwa Star Magic artists ni Nikki na nag-ober da bakod ay sina Bea Alonzo, Maja Salvador, at Pokwang.

Continue reading below ↓

Si John Lloyd Cruz ay nagkaroon ng guest appearance sa special show ni Willie Revillame na umere sa GMA-7.

Nang matanong tungkol sa isyu ng lipatan, idiniin ni Nikki na wala siya sa posisyon para husgahan ang career move ng dating Kapamilya stars.

"I think we have to respect their decision. It's not for us to judge them.

"May kanya-kanya naman kasi kaming stand, kung bakit lumipat... Kami naman, it's our choice to stay in the company."

Dagdag ni Nikki, "For me, wala akong puwedeng sabihin diyan, e. To each his own.

"Maliit lang naman ang industriya natin. We just have to respect their decision for whatever it is."

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Nikki sa Kapamilya viewers na di bumitiw sa suporta sa Kapamilya Network.

"Wala akong ibang sasabihin kundi malaking pasasalamat. Kasi totoo naman, kung wala sila, kahit anong gawin ng ABS, walang mangyayari.

"We owe it all to our supporters, to all there to watch our shows, to watch our content and support us. Walang hanggang pasasalamat."

Continue reading below ↓

ABS-CBN REMAINS "STanding tall"

Isang taon man ang lumipas mula nang pagkaitan ng Kongreso ng prangkisa ang ABS-CBN, dama pa rin ni Nikki ang kalbaryong hinaharap ng home network niya.

"Sabi ko nga, so much can happen in just a year. Kung last year sobrang sakit, sobrang lungkot... Actually, hanggang ngayon naman.

"Kapag nakakapanood ako ng mga videos, nakakarinig ako when they recall [what happened], yung iba nga nagka-countdown pa, it's still painful," sabi ni Nikki sa ulat ng Cinema News noong Biyernes, Hulyo 24.

Pero proud si Nikki dahil hindi raw sumuko ang ABS-CBN.

Nasa proseso raw ng "moving forward" ang network, lalo na't pinalakas nito ang digital platforms at sumailalim sa blocktime arrangements.

Ayon kay Nikki, "Nakaka-proud to be part of ABS-CBN. They are standing tall and still doing everything para mas lumawak pa ang range ng ABS."

Ganito rin daw ang saloobin ni Laurenti Dyogi, head ng ABS-CBN entertainment production. Si Dyogi rin ang head ng ABS-CBN talent management arm na Star Magic.

Continue reading below ↓

Nagkasama sila sa online show ni Winnie Cordero sa DZMM TeleRadyo.

Lahad ni Nikki: "Nung isang araw kasi kasama ko si Direk Lauren sa Teleradyo, nag-guest kami kay Tita Winnie.

"He said nga, 'You know, something that broke us last year, hindi dun nagtatapos ang buhay ng ABS-CBN.'

"Nakakatuwa... Yung trials just made everyone stronger and [the lack of franchise] pushed us more na wala palang limits ang future.

"Marami ang puwedeng gawin, hindi lang sa free TV."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikki Valdez on being a solid Kapamilya: "My relationship with ABS has always been like that. We take care of each other. They're always there for me."
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @nikkivaldez_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results