Ate Shawee, Sharon Cuneta's impersonator, dies at 45

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2021
Ate Shawee, Marvin Martinez in real life, passed away Monday afternoon, July 26, after battling liver cirrhosis. Ate Shawee was a well-known impersonator of Megastar Sharon Cuneta (right). She was 45.
PHOTO/S: Francis Delgado / Shawee Martinez Facebook

Binawian na ng buhay si Ate Shawee—na Marvin Martinez ang tunay na pangalan—kaninang ala una ng hapon, Lunes, July 26.

Si Ate Shawee, sikat na impersonator ni Sharon Cuneta, ay pumanaw sa Chinese General Hospital dahil sa sakit na liver cirrhosis.

Siya ay 45 taong gulang.

Kinumpirma ng pamangkin ni Ate Shawee na si Rafaela de Jesus sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagpanaw ng stand-up comedian, na hindi nagkaroon ng regular TV program pero nakagawa ng mga pelikula, nabigyan ng mga TV guesting, at nag-show sa iba’t ibang bansa.

Nakipag-ugnayan si Rafaela sa PEP.ph kagabi, July 25, para humingi ng tulong mula sa mga taong may mabubuting kalooban. Nangangailangan sila ng P60,000 para sa hospital bill ng kanyang Tita Shawee na hindi na umano nakakakilala at nakapagsasalita.

Nagdesisyon ang pamilya ni Ate Shawee na ilabas na ito ngayong Lunes mula sa ospital dahil sa kawalan ng pera, pero hindi na nangyari ang kanilang plano dahil sumakabilang-buhay na ang comedienne-impersonator.

Continue reading below ↓

Naubos ang perang naipon ni Ate Shawee dahil sa pakikipaglaban niya sa liver cirrhosis kaya nangangailangan pa rin ng financial help ang kanyang pamilya para mabigyan siya ng maayos na burol at libing.

Dahil sa kawalan ng pera at pambayad sa funeral parlor, iniisip ng naulilang pamilya ni Ate Shawee na iburol ito sa isang barangay hall sa Tondo, Manila.

Sabi ni Rafaela, “Pinag-iisipan pa po namin kung sa barangay hall o sa Dulce Funeral Homes siya ibuburol kasi po wala na po talaga kaming pambayad na pera.

“Sana po, makalikom kami ng pera para pambayad sa Dulce. Sana, may mga tumulong po para mabigyan siya ng maayos na burol hanggang sa huli."

Sa mga nagnanais magbigay ng tulong para sa burol at libing ni Ate Shawee, maaaring magpadala sa Gcash number 09952397972 na nakapangalan kay Ronnica Rollyn o magdeposito sa BDO Unibank Inc. Savings Account Number 002470252578, sa pangalan ni Justine D. Castro.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Shawee, Marvin Martinez in real life, passed away Monday afternoon, July 26, after battling liver cirrhosis. Ate Shawee was a well-known impersonator of Megastar Sharon Cuneta (right). She was 45.
PHOTO/S: Francis Delgado / Shawee Martinez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results