Watch Now

Ai-Ai delas Alas fires back at basher who said "mukhang matanda pa anak mo sa asawa mo"

by Rachelle Siazon
Jul 26, 2021
Ai-Ai delas Alas to basher criticizing her age gap with Gerald Sibayan: "Masama ba mag sabi ng totoo na una ang laki ng muka mo pangalawa nanahimik pamilya namin tanong mo pang maledukado."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram

Kumulo ang dugo ni Ai-Ai delas Alas nang kantiin ng basher ang tahimik na relasyon nila ng asawang si Gerald Sibayan.

Nag-ugat ito sa family picture na ipinost ni Ai-Ai sa kanyang Instagram noong Linggo, Hulyo 25.

Naroon ang dalawang anak ni Ai-Ai na sina Sancho at Sophia. Kasama rin nila ang fiancée ni Sancho na si Shanna Retuya at fiancé ni Sophia na si Vincent Bautista.

Masaya si Ai-Ai dahil bihira lang daw silang makumpletong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng post ni Ai-Ai, biglang pinuntirya ng isang basher ang age gap nina Ai-Ai at Gerald.

Sabi ng basher kay Ai-Ai, "Anong tawag ng mga anak mo sa asawa mo? Eh mukang matanda pa po anak mo sa asawa mo? Ask lang."

Hindi nakapagtimpi si Ai-Ai sa basher.

Gigil na buwelta ng Kapuso actress: "tawag ko sa asawa ko darl tawag ko sayo TAE HAHAHHAHAA G*G* U*L*!!!"

Twenty-nine years ang age gap ng mag-asawa, pero bukas sa pagsasabi sina Ai-Ai at Gerald na hindi ito hadlang sa masayang pagsasama nila.

Pinuna rin ni Ai-Ai ang pagtanggal ng basher ng display photo nito sa Instagram.

Ang lakas daw ng loob mang-alipusta ng basher gayong "laki laki ng mukha mo parang kinagat ng ipis."

Hirit pa ni Ai-Ai, "nananahimik pamilya namin sa masayang dinner dami mong sinabi animal!!!!"

Sumagot din sa basher pati mga anak ni Ai-Ai.

Sabi ni Sancho: "ako tawag ko kay @gerald_sibayan kumpadre... tawag namin sa mga katulad mo k*pal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Sophia, "Gerald" ang tawag niya sa mister ng inang si Ai-Ai. Bagay naman daw tawaging "epal" ang basher.

Tinawag naman ni Shanna na "pangit" ang lalaking nambatikos kay Ai-Ai.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakuntento ang basher na nangatuwiran pa, "Me msama ba kong sinabi ha? Nag tatanong lang nagalit na kayo kagad? Sus."

Sagot ni Ai-Ai, "Masama ba mag sabi ng totoo na una ang laki ng muka mo pangalawa nanahimik pamilya namin tanong mo pang mal edukado."

Sina Ai-Ai at Gerald ay ikinasal sa Christ The King Church sa Green Meadows, Quezon City, noong December 12, 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon lamang April 2021 ay ipinagdiwang ng dalawa ang ikapitong anibersaryo ng una nilang pagkikita.

Regalo ni Gerald kay Ai-Ai ang na gawing Hello Kitty ang disensyo ng buong bahay nila mula dining area at living room hanggang sa master's bedroom.

Sobrang natuwa si Ai-Ai sa sorpresang iyon ni Gerald dahil ipinaayos ito ng mister habang nasa lock-in taping ang aktres ng defunct GMA prime-time series na Owe My Love.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas to basher criticizing her age gap with Gerald Sibayan: "Masama ba mag sabi ng totoo na una ang laki ng muka mo pangalawa nanahimik pamilya namin tanong mo pang maledukado."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results