JK Labajo campaigns for girlfriend Maureen Wroblewitz's Miss Universe Philippines 2021 quest

by Arniel C. Serato
Jul 27, 2021
Singer JK Labajo appeals to his Instagram followers to vote for girlfriend Maureen Wroblewitz in Miss Universe Philippines 2021: "Panget po yung mga hindi po susuporta sa kanya. Salamat po.”
PHOTO/S: Courtesy: @karloslabajo / @mauwrob on Instagram

Proud boyfriend si JK Labajo kay Maureen Wroblewitz, na isa sa aspiring candidates sa Miss Universe Philippines 2021.

Pasok si Maureen sa inisyal na Top 100 ng national pageant kung saan iti-trim down ito sa 75 sa mga susunod na araw.

Sa kanyang Instagram account kahapon, July 26, ibinahagi ng Asia's Next Top Model Cycle 5 grand winner ang kanyang pakiusap na iboto siya para makasama sa Top 75.

Bahagi ng caption ni Maureen: “Our headshots have been uploaded and the voting has begun.

“I’m kindly asking you to vote for me through the MUPH app (No. 20) this is our first @themissuniverseph challenge and I’m so excited!!!”

Kasunod nito ay ang mechanics kung paano boboto mula kahapon hanggang August 1.

Sa pamamagitan din ng Instagram, ikinampanya rin ni JK na iboto si Maureen sa mismong Miss Universe app ng pageant.

Hindi kasi mabibilang ang reactions or likes sa social media accounts ng Miss Universe Philippines kapag hindi sa app boboto.

Continue reading below ↓

Mensahe ni JK: “Hi po gud pm sa inyong lahat paki download po yung miss universe ph app tapos paki vote po yung crush ko na si Maureen Christa Wroblewitz para po pansinin niya na po ako.

“Panget po yung mga hindi po susuporta sa kanya. Salamat po.”

View this post on Instagram

A post shared by Jack Cole (@karloslabajo)

Nagkomento si Maureen sa kanyang post: “Hi crush [heart emoji].”

Biro muli ng singer: “@mauwrob Sorry im taken.”

Continue reading below ↓

Bukod kay Maureen, pasok din sa Top 100 ng Miss Universe Philippines 2021 ang dating Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate na si Kisses Delavin.

Kabilang sa kanilang makakalaban ang pageant veterans na sina Miss Globe 2019 2nd runner-up Leren Mae Bautista at Binibining Pilipinas Tourism 2012 Katrina Dimaranan.

Nanalo rin si Katrina bilang 1st runner-up sa Miss Supranational 2018 kung saan ang bansang U.S. ang kanyang ni-represent.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer JK Labajo appeals to his Instagram followers to vote for girlfriend Maureen Wroblewitz in Miss Universe Philippines 2021: "Panget po yung mga hindi po susuporta sa kanya. Salamat po.”
PHOTO/S: Courtesy: @karloslabajo / @mauwrob on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results