KC Concepcion, Apl.de.ap spotted on their date night in Los Angeles; did they bump into Piolo Pascual?

Text: Rachelle Siazon With reports from: Nikko Tuazon
Jul 27, 2021
Rumored couple KC Concepcion and Apl.de.ap were seen dining at a Japanese restaurant in Los Angeles. Pinay chef Vallerie Castillo (in white uniform) refused to say if she had seen them together, but another source confirmed that the two were on a date night at the famous restaurant sitting atop Hollywood Hills.
PHOTO/S: @chefvallerie Instagram

Muling namataang magka-date sina KC Concepcion at Apl.de.ap na parehong nasa U.S. ngayon.

Si KC ay 36 years old, habang si Apl o Allan Pineda ay 46 years old.

Nakunan sila ng litrato sa Yamashiro Japanese restaurant, na matatagpuan sa tuktok ng Hollywood Boulevard sa Los Angeles, California.

May kanya-kanya silang solo picture kasama si Vallerie Castillo, ang unang Pinay executive chef ng restaurant.

Ipinost iyon ni Vallerie sa kanyang Instagram noong July 21.

Noong July 20, sumalang si Vallerie sa isang virtual mediacon na dinaluhan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang presscon host ay si Jun Lalin, at inihayag niyang nakitang magka-date sina KC at Apl sa L.A. restaurant.

Sabi raw ng source kay Jun, "Andito rin si KC Concepcion, andun sila sa garden area. Guess kung sino ka-date? Nandito si Apl."


Continue reading below ↓

SAME NIGHT PIOLO WAS AT THE L.A. RESTO

Naroon din daw noong gabing iyon ang grupo ni Piolo Pascual, na ex-boyfriend ni KC.

Dagdag ni Jun, "May nagkuwento sa akin, 'Jun, andito sila Piolo. Isang private room sila. Despedida ata ni Piolo. And after, they're gonna go clubbing daw. Di ba, may night club din diyan?"

Pero paglilinaw ni Jun, hindi raw si Vallerie ang kanyang source.

Hindi maiwasang tanungin ng press si Vallerie dahil may hiwalay rin siyang litrato kasama si Piolo sa pinapasukang restaurant.

Ipinost din niya iyon sa IG noong July 20, kasabay ng hiwalay niyang litrato kina KC at Apl.

Sa caption, ang tanging sinabi ni Vallerie ay kuha "last week" ang kanyang "photo dump" o collection ng mga litrato.


Continue reading below ↓

Pero tumangging magdetalye si Vallerie tungkol sa solo photos niya kasama sina KC, Apl, at Piolo.

Paliwanag ni Vallerie: "I know it's the elephant in the room that everyone's gonna ask me. I think everyone has a right to their privacy.

"For me to say anything, it goes against anything what I believe in.

"I'm just so happy to meet all of them, that I was able to take pictures with them."

Hindi raw niya trabaho ang alamin kung sino ang magkasama at kailan sila naroon sa restaurant.

Sabi pa ng Pinay chef, "They are amazing people. I don't know who or what and when they came.

"My job is to provide the best experience for all of them to come.

"I can't really say much. I respect their privacy and the experience that they have here."

KC AND APL ROMANCE RUMORS

Sa kabilang banda, hindi kailang matagal nang nauugnay sina KC at Apl.

Continue reading below ↓

Huli silang namataan nang magbakasyon sa isang resort sa El Nido, Palawan noong bisperas ng Bagong Taon.

Isang male netizen ang nagpalitrato kasama si KC at hiwalay na litrato kasama naman si Apl.

Noong panahong iyon ay pareho pang nasa Pilipinas sina KC at Apl.


Walang direktang pagtanggi o pagkumpirma sina KC at Apl tungkol sa espekulasyong higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Pero sa nakalipas na dalawang taon ay consistent ang pagkikita nila—sa Pilipinas o sa U.S.


Kung wala man sila sa iisang bansa ay nagkakausap sila sa virtual cooking show at Instagram Live ni KC.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumored couple KC Concepcion and Apl.de.ap were seen dining at a Japanese restaurant in Los Angeles. Pinay chef Vallerie Castillo (in white uniform) refused to say if she had seen them together, but another source confirmed that the two were on a date night at the famous restaurant sitting atop Hollywood Hills.
PHOTO/S: @chefvallerie Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results