Hidilyn Diaz shows first meal with coach-boyfriend Julius Naranjo after Olympic gold win

by Rachelle Siazon
Jul 28, 2021
Hidilyn Diaz interviews her coach-boyfriend Julius Naranjo while eating their first meal together after her record-breaking win at the 2020 Tokyo Olympics. Speaking about her 127-kilogram-lift, Julius says, "I believed it. The moment you stood it up, I know you're gonna jerk it."
PHOTO/S: Hidilyn Diaz YouTube / Instagram

Overjoyed ang magkasintahang Hidilyn Diaz at Julius Naranjo sa makasaysayang pagkapanalo ng Pinay weightlifter sa Tokyo Olympics.

Bukod sa ito ang unang pagkakataong nakasungkit ang Pilipinas ng gold medal sa Olympics, record-breaking din ang naitalang 127 kilos na nabuhat ni Hidilyn sa weightlifting competition.

Ito rin ang first successful attempt ni Hidilyn na magtala ng 127-kilo lift.

Ang total score ni Hidilyn ay 224 kilograms—97 kilos sa snatch at 127 kilos sa clean and jerk.

Sa kanyang vlog ngayong Martes, July 27, ipinakita ni Hidilyn na 2:11 a.m. na sila nakakain ng nobyong si Julius ilang oras matapos siyang parangalan sa Olympics.

Bandang 7:50 p.m. nagsimula ang programa para sa kanyang weightlifting competition.

Kaya nang matapos ang commitments niya ay nagpunta sila ni Julius sa malaking main dining room para sa Olympians. Sa Tokyo International Forum ang venue para sa weightlifting competition.

Continue reading below ↓

Isang slice ng pizza ang unang kinuha ni Hidilyn, at saka niya hinanap ang Japanese cuisine station para kumuha ng isang order ng sushi at isang bowl ng udon.

"Iyan, Japanese cuisine. This is the place I want to go... because I love Japanese!"

PROUD BOYFRIEND

Pagkatapos ay tumabi si Hidilyn kay Julius na kasabay niyang kumain.

Continue reading below ↓

Dito na tinanong ni Hidilyn ang reaksiyon ni Julius sa kanyang record-breaking Olympic gold win.

Si Julius ang professional coach ni Hidilyn sa weightlifting.

"What is your reaction today after I lift the 127? Did you believe it?" tanong ni Hidilyn.

Ayon kay Julius, sa first pose pa lang ni Hidilyn kunsaan naiangat nito hanggang sa clavicle ang barbell ay alam na niyang magtatagumpay ang kasintahan.

Sagot ni Julius, "I believed it. The moment you stood it up, I know you're gonna jerk it."

"Jerk" ang termino sa final pose sa clean-and-jerk lift kunsaan naingat na ng weightlifter ang barbell sa taas ng kanyang ulo.

Animo'y reporter si Hidilyn sa sunud-sunod na tanong kay Julius kung ano ang sikreto sa training niya.

"What did you do in the adjustment in training? What are the challenges you've been through? Who are the people behind us?" usisa ni Hidilyn.

"We have Team HD. We just try to make sure that you hit 90 in training, 94 in training twice for our heavy loads," sagot ni Julius.

Continue reading below ↓

Pero noon pa man ay wala raw duda si Julius sa lakas ni Hidilyn.

Ani Julius, "We just built your confidence.

"Your physical strength is there, but if you're not confident, then you can't use it to your full potential."

Panghuling tanong ni Hidilyn, "Are you happy?"

Simpleng sagot ni Julius, "Of course."

Sabi ni Hidilyn sa nobyo, "Thank you so much, coach!"


Continue reading below ↓

PLANNING TO WRITE A BOOK

Ayon kay Hidilyn, plano niyang gumawa ng libro tungkol sa kanyang journey sa Olympics.

"Gagawa kami ng libro, team HD the dream team, after ko manalo to bring inspiration sa mga bata and everyone in Philippines.

"Para malaman nila ano bang mindset ng isang champion.

"Sana bibili kayo pag may libro na."

Sa kanyang supporters, mensahe ni Hidilyn, "I want to say thank you, everyone. Love you!"

Continue reading below ↓

Tinatayang PHP35 million ang kabuuang cash prize na maiuuwi ni Hidilyn mula sa Philippine government at mga Filipino businessmen na nag-pledge ng additional reward para sa kanya.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hidilyn Diaz interviews her coach-boyfriend Julius Naranjo while eating their first meal together after her record-breaking win at the 2020 Tokyo Olympics. Speaking about her 127-kilogram-lift, Julius says, "I believed it. The moment you stood it up, I know you're gonna jerk it."
PHOTO/S: Hidilyn Diaz YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results