Darren Espanto fits the bill of Cassy Legaspi's ideal guy; Carmina Villarroel reacts

by Rachelle Siazon
Jul 28, 2021
Carmina Villarroel (right) to daughter Cassy Legaspi: (left) "So gusto mo ng singer-dancer? Gusto mo ng matangkad? Ang tatay mo matangkad din... Medyo singkit... Pareho din, ganun din si Zoren. Anak nga kita!" Darren Espanto (center), for his part, is just quietly listening to Cassy and Carmina. But he later tells Cassy, " There's no one else on earth that is like you."
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto / @mina_villarroel Instagram

Nalagay sa hot seat sina Cassy Legaspi at Darren Espanto, na pilit na ibinubuking kung may gusto ba sila sa isa't isa.

Si Cassy ay Kapuso actress-host na napapanood sa All-Out Sundays, habang si Darren ay Kapamilya singer-host na mainstay sa katapat na programa na ASAP Natin 'To.

Umaatikabong tuksuhan ang naganap nang maging guest si Cassy sa online show ni Cathy Garcia-Molina, resident movie director ng ABS-CBN.

Tinawagan ni Cathy si Darren via video call kaya nakasali siya sa show.

Habang naroon si Darren ay inusisa ni Cathy kung ano ang ideal guy ni Cassy.

Ang mga katangiang hinahanap ni Cassy ay "tisoy, singer-dancer, singkit, matangkad, seryoso, at palabiro."

Makikitang tila kinilig si Darren nang sabihin ni Cassy na gusto niya ng "singer-dancer." Hindi kaila sa fans na bukod sa pagiging singer ay sumasayaw rin si Darren sa ASAP.

Nakasalang din sa online show ang best friend ni Darren na si Kyle Echarri, na numero uno sa pambubuking kina Darren at Cassy.

Continue reading below ↓

Sigaw ni Kyle, "Ahhh!!! Meant to be!"

Nalaglag ang Internet connection ni Darren kaya biglang naputol ang video call sa kanya.

Sabi ni Kyle, "Direk, nawala si Darren."

Sang-ayon ni Cassy, "Nawala si D. Awww..."

Nanunuksong hirit ni Kyle, "Masyado siyang kinilig! Na-realize niya lahat ng sagot ni Cassy papunta sa kanya—matangkad, singer, dancer, palabiro, tsaka seryoso."

Hindi naman itinanggi ni Cassy na si Darren ang pinatutungkulan niya.

Sabi lang ni Cassy, "Wooow... Di kasi 'yan yung ideal."

Sundot ni Kyle, "At seryoso si Cassy sa sagot niya."

Ginaya pa ni Kyle ang sweet voice ni Cassy, "Sabi niya, 'Singkit...'"

Tawa naman nang tawa ang box-office director sa pang-aasar ni Kyle kina Cassy at Darren.

Continue reading below ↓

CARMINA JOINS CASSY WHILE DARREN IS STILL ON VIDEO CALL

Nakabalik sa video call si Darren, pero sa puntong iyon ay biglang sumulpot sa tabi ni Cassy ang ina niyang si Carmina Villarroel.

Tili ni Cassy, "Oh my god, nandito si Mama! Nandito si Mama!"

Narinig pala ni Carmina ang paglalarawan niya sa kanyang ideal guy.

Nahihiya pero natatawang pag-amin ni Cassy, "Sabi ni Mama, 'Singkit talaga ha?!'"

Pagbati ni Carmina, "Hi, Direk Cathy! Hi, Kyle! Hi, D!"

Halatang kumportable si Carmina dahil ang twins niyang sina Cassy at Mavy Legaspi ay matagal nang kabarkada si Kyle. Malapit din si Carmina kay Direk Cathy.

Nalaglag uli si Darren sa video call kaya biro ni Carmina, "Ay, nawala siya. Binagsakan niya ako, Direk."

Hirit ni Kyle, "Ayun, guys, sabi ko nga natakot si Darren. Kinilig masyado!"

Natatawang reaksiyon ni Cassy, "Wow!"

Hinintay ni Carmina na makabalik si Darren bago kunwa'y kinompronta si Cassy.

Continue reading below ↓

Sabi ni Carmina, "So, gusto mo ng singer-dancer? Gusto mo ng matangkad?"

Sang-ayon ni Cassy, "Yeah, siyempre."

Dugtong ni Carmina, "Siyempre kailangan matangkad kasi matangkad si Cassy.

"Ang tatay mo matangkad din. Si Zoren, dancer-singer, para sa akin ha. Medyo singkit...

"Seryoso-palabiro? Pareho din, ganun din si Zoren. Anak nga kita!"

Sabay yakap ni Carmina kay Cassy, "Anak nga kita!"

Continue reading below ↓

CASSY WANTS A GARDEN WEDDING SOMEDAY

Game pa ring nanatili sa show si Carmina dahil gusto raw niyang marinig ang sagot ni Cassy sa "Fast Talk" questions ni Cathy.

Sa puntong ito, hindi pumili si Cassy nang tanungin kung gusto niya ng maganda ang ngipin o matangos ang ilong. Mahalaga raw sa kanya ay mabait ang lalaki.

Pinili rin ni Cassy ang kantang "Lemonade" kaysa sa "Binibini." Consistent sa pagsasabi si Darren na "Lemonade" ang "favorite song" nila ni Cassy.

Sa huli ay tinanong si Cassy kung gusto ba niya ay church wedding o garden wedding.

"Garden wedding" ang sagot ng dalaga.

Wala na sa frame si Carmina, pero narinig niya ang sagot ni Cassy.

Natatawang kuwento ni Cassy kina Darren, Kyle, at Cathy, "Oh my god! Sabi ni Mama, 'Huh? Bakit may wedding."

Paglilinaw pa ni Cassy, "Matagal pa yung wedding, Ma!"

Continue reading below ↓

DARREN'S SWEET MESSAGE FOR CASSY

Tahimik lang na nakikinig si Darren nang maghayag si Cassy ng mga katangiang gusto niya sa isang lalaki.

Pero sweet ang mensahe ni Darren nang magpaalam siya kay Cassy, bago ibinaba ang video call.

Sabi niya kay Cassy, "Be you always. There's no one else on earth that is like you. Just stay authentic parati."

Continue reading below ↓

Sobrang kinilig naman si Kyle na napahiyaw sa pagpapahiwatig ni Darren kung gaano kaespesyal si Cassy.

"Wohoo! Beat that! That's my best friend!" hiyaw ni Kyle.

Kasama ni Kyle sa kuwarto si Markus Paterson na biglang nakisali sa panunukso sa kaibigan nilang si Darren.

Hiyaw rin ni Markus, "That's my big D! Come on! Let's go!"

Sabi naman ni Cathy kay Darren, "Actually, anak, natunaw din ako dun."

WHAT CASSY TOLD DARREN IN RETURN

Halos na-speechless si Cassy na panay ang ngiti sa panunukso sa kanila ni Darren.

"Ah, response ko po? Wait lang. Wow! Uminit bigla," saad ni Cassy.

Sabay sabi niya, "Grabe, grabe, D!"

Singit ni Kyle, "One point Darren! Let's go!"

Nangingiting patuloy ni Cassy, "Thank you so much, D, for dropping by kahit sa Facetime. It means a lot to me. Nai-stress ako dito, guys."

Pangugulit pa rin ni Kyle kay Cassy, "Kailangan mo tapatan yung 'There's no one else in this world like you.'"

Continue reading below ↓

Sagot ni Cassy, "That's the thing. You can't beat that. You really can't beat D."

Sabay sabi niya ukol kay Darren, "There's no one else like D. That's all I can say."

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel (right) to daughter Cassy Legaspi: (left) "So gusto mo ng singer-dancer? Gusto mo ng matangkad? Ang tatay mo matangkad din... Medyo singkit... Pareho din, ganun din si Zoren. Anak nga kita!" Darren Espanto (center), for his part, is just quietly listening to Cassy and Carmina. But he later tells Cassy, " There's no one else on earth that is like you."
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto / @mina_villarroel Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results