Barbie Forteza reposts fake report about alleged breakup with boyfriend Jak Roberto

by Arniel C. Serato
Jul 30, 2021
Barbie Forteza and Jak Roberto shared sweet messages on Instagram last May 19, 2021 in celebration of their fourth anniversary.
PHOTO/S: Courtesy: @jakroberto on Instagram

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Barbie Forteza ang isang mapanirang Facebook post tungkol sa hiwalayan diumano nila ng boyfriend na si Jak Roberto.

Sa kanyang Twitter kahapon, July 29, ibinahagi ni Barbie ang balita mula sa isang FP page na kaduda-duda.

Nakasaad ditong naghiwalay raw ang Kapuso couple dahil hindi umano binati at binigyan ng regalo ni Jak si Barbie sa kanilang monthsary.

Napag-usapan daw kasi nilang buwan-buwan ay magkakaroon sila ng exchange gift tuwing monthsary nila.

Nakasaad sa pekeng Facebook post: “JUST IN: Barbie Forteza and Jak Roberto announces breakup after four-year relationship.

“Forteza said that the reason of their breakup was because the actor forgot that it was actually their monthsary today. | via GMA News”

Continue reading below ↓

May kasama pa itong quote card na animo’y pahayag niya sa hiwalayan.

Ayon pa sa diumano’y statement ng Kapuso star: “Monthsary po kasi namin.

"Napagusapan po namin na hindi na po yearly kundi monthly dapat ay may exchange gift pero di nya po ako binati at nakalimutan nya.

“I know my worth and I had enough kaya po ako nakipag-break kesa naman po maging toxic diba? Sana po masaya siya

"BARBIE FORTEZA, July 28, 2021 on why she broke up with longtime boyfriend Jak Roberto."

Continue reading below ↓

Sa caption ng kanyang Twitter post, binulugan ni Barbie ang numero ng reacctions, comments, at shares ng nasabing pekeng post.

Aniya, “125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting... To whoever made this, you’re welcome."

FOUR YEARS AND COUNTING

Apat na taon na ang relasyon nina Barbie at Jak. Ipinagdiwang nila ang kanilang fourth anniversary noong May 19, 2021.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram post, ginawan ng tula ni Barbie ang nobyo bilang pagbati noong araw mismo ng kanilang anibersaryo.

Mababasa sa post ni Barbie:

“Four years.

“Four years na kitang kasama.

“Four years na tayong nagtatawanan.

"Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema.

“Four years na tayong nagsspicy noodles.

“Four years na tayong masaya.

"FOUR YEARS NA AKONG MASAYA.

“Sana FOUREVER na.”

Sabi pa niya sa nobyo, “Ano sa tingin mo? @jakroberto Happy 4th Anniversary, Mahal Ko! I love you.

“p.s. Throwback photo nalang muna from our Coron trip 3yrs ago”

May sweet na mensahe rin si Jak para sa girlfriend.

Nangako siyang si Barbie na ang “THE ONE” sa kanya.

Ani Jak, “Too many to mention mahal ko.

“Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang THE ONE, salamat sa pag intindi at salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin!

Continue reading below ↓

“Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!!!”

View this post on Instagram

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Wala pang reaction si Jak sa fake news tungkol sa kanila ni Barbie.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza and Jak Roberto shared sweet messages on Instagram last May 19, 2021 in celebration of their fourth anniversary.
PHOTO/S: Courtesy: @jakroberto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results