Janno Gibbs reacts to return of ECQ in Metro Manila: "No distinction between vaxxed and non vaxxed?!"

by Arniel C. Serato
Jul 30, 2021
Singer-comedian Janno Gibbs on government's decision to place Metro Manila under Enhanced Community Quarantine (ECQ) for two weeks: "I did not get vaxxed to stay home. All I'm asking for is consideration.”
PHOTO/S: Courtesy: @jannolategibbs on Instagram

Hindi pabor si Janno Gibbs na isailalim ang lahat—may bakuna man o wala—sa mahigpit na klasipikasyon ng community quarantine.

Dahil sa paglobo ulit ng COVID-19 cases dulot ng mas nakahahawang Delta variant, muling ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) simula Agosto 6 hanggang 20.

Gagawin ang nasabing hakbang upang mapabagal umano ang pagkalat ng Delta variant.

Sa kanyang Instagram ngayong araw, July 30, ipinahayag ni Janno ang kanyang disgusto tungkol sa pagbabalik ng ECQ.

Sabi niya sa unang post kung saan may kasama itong screenshot tungkol sa balita: “Anak nam [red face with angry eyes and a mean frown, face screaming in fear, loudly crying face emojis]”

Kasunod na i-upload ng singer-comedian ang screenshot ng statement ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang news site.

Ayon sa kalihim, walang distinction sa mga nabakunahan na at wala pang bakuna para sa papayagang lumabas na mga indibidwal kapag naka-ECQ na muli ang Metro Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May usaping legal daw kasi tungkol dito.

Reaksiyon dito ni Janno: “No distinction between vaxxed and non vaxxed?!?!?! Paano, ipa-frame ko nlang sa wall ung vax card ko?!”

Naturukan si Janno ng kanyang second dose ng COVID-19 vaccine may dalawang linggo na ang nakararaan.

#BASURANGBAKUNA

Kasunod nito ay humingi ng dispensa si Janno sa nasabi niyang “basurangbakuna.” Posibleng may nai-post siya sa Instagram na kaagad din niyang binura.

Kasunod nito ang kanyang paliwanag kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya.

Saad ni Janno (published as is), “Im Sorry for my #basurangbakuna statement. I should have explained it.

“I do not question the efficacy of the vaccine.

“What I mean is 'the Vaccinated' are not being validated w the Lockdown having no distinction between vaxxed and non vaxxed.

“Yes I KNOW!!!! You can still contract and transmit. But w/ out grave consequences right?

“I had the idea that we got vaccinated “So that when we Go out in public” we have adequate protection.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I did not get vaxxed to stay home.

“All im asking for is Consideration.”

ACCUSED OF BEING PRIVILEGED

Sa isa pang bagong pahayag, nagpaliwanag si Janno sa kanyang argumento tungkol sa pagtutol niya sa walang distinction ang mga nabakunahan na at hindi pa nabakunahan.

Saad niya, "Ok. Some of you are mistaking my remarks as priviledged.. pangmayan at artista.

"Nung pumila ako sa QC hall twice for my doses. Nakita ko ang haba ng pila. Puro mahihirap.

"Paano na yung libo libong mahihirap na fully vaccinated at kailangang kumayod?"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-comedian Janno Gibbs on government's decision to place Metro Manila under Enhanced Community Quarantine (ECQ) for two weeks: "I did not get vaxxed to stay home. All I'm asking for is consideration.”
PHOTO/S: Courtesy: @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results