Jak Roberto calls Barbie Forteza "love of my life" on her 24th birthday

by James Patrick Anarcon
Jul 31, 2021
Jak Roberto to Barbie Forteza on her 24th birthday: "Happy birthday to the love of my life! Sana matapos this year lahat ng pinapagawa mo! Amen. I love you so much."
PHOTO/S: @jakroberto / @barbaraforteza on Instagram

Isang maikli ngunit sweet na birthday greeting ang ipinost ni Jak Roberto para sa girlfriend nitong si Barbie Forteza.

Isine-celebrate ni Barbie ang kanyang ika-24 na kaarawan ngayong araw, July 31, 2021.

Sinigurado ni Jak na siya ang unang magi-greet kay Barbie sa kanyang birthday dahil bandang 12 a.m. nang i-post niya ang kanilang litrato sa Instagram.

Makikita sa picture na nakatitig si Jak kay Barbie habang naka-smile ang Kapuso actress.

Sa maikling caption naman ni Jak ay tinawag niyang "love of my life" si Barbie at hiniling na sana ay matapos na ang lahat ng pinapagawa nito.

Kabuuan ng caption ni Jak: "Happy birthday to the love of my life! Sana matapos this year lahat ng pinapagawa mo! Amen [three praying emojis] I love you so much [three red heart emojis]"

Continue reading below ↓

Mabilis din namang nag-reply si Barbie sa Instagram post ng kanyang boyfriend.

Sagot ni Barbie dito, Awww thank you so much mahal ko [heart] I love you [heart] @jakroberto"

Base rin sa birthday post ni Barbie kaninang madaling araw, kasama niya si Jak at ang kanyang pamilya na nag-dinner.

Continue reading below ↓

Barbie Forteza and Jak Roberto

Ilan din sa mga kaibigang celebrities ng dalawa ang kinilig sa post ni Jak.

Napansin pa ni Valeen Montenegro na tinag ni Jak si Barbie sa kanyang puso sa picture.

Sabi niya, "Cute na naka tag sa [heart emoji] mo si Barbs. HBD Barbeeey"

Barbie Forteza, Jak Roberto

Continue reading below ↓

Ilan pa sa mga nag-comment ay sina Ruru Madrid, Tina Paner, Althea Ablan, at Mark Herras.

FAKE NEWS VICTIM

Ang Instagram greeting ni Jak ang nagpapatunay na hindi totoong hiwalay na sina Jak at Barbie.

Naging biktima ng fake news ang dalawa ng isang kaduda-dudang Facebook fan page na nagpu-post ng satire o palabirong mga balita.

Ginaya pa nito ang istilo ng quote card ng isang legitimate online news website para magmukhang kapani-paniwala ang post nito.

Nakasaad sa pekeng art card na hiwalay na raw sina Jak at Barbie pagkatapos diumanong makalimutan ni Jak na monthsary nila.

Tila alam naman ng mga nakakita na satire o peke ang artcard dahil sa 125k laugh reactions na nakuha nito sa Facebook.

Noong July 29, ni-repost ni Barbie sa kanyang Twitter account ang screenshot ng Facebook post na ito kung saan ipinapakita ang reactions at engagement na nakuha nito.

Saad ni Barbie sa kanyang tweet, “125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting... To whoever made this, you’re welcome."

Continue reading below ↓

Noong May 19, 2021 ipinagdiwang nina Barbie at Jak ang kanilang ika-4 na taon bilang magkarelasyon.

Nagka-develop-an ang dalawa nang magkatrabaho sila sa prime-time series na Meant To Be, kung saan isa si Jak sa apat na leading men ni Barbie.

Ang tatlo pang leading men ni Barbie sa teleserye ay sina Addy Raj, Ivan Dorschner, at Ken Chan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jak Roberto to Barbie Forteza on her 24th birthday: "Happy birthday to the love of my life! Sana matapos this year lahat ng pinapagawa mo! Amen. I love you so much."
PHOTO/S: @jakroberto / @barbaraforteza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results