Watch Now

Why it takes Raymond Gutierrez this long to admit he's gay

by Bernie V. Franco
Aug 1, 2021
Raymond Gutierrez finally admits that he is a member of the LGBTQIA community.
PHOTO/S: @mond on Instagram

Inamin ni Raymond Gutierrez, 37, na siya ay isang gay.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Raymond ang kanyang screenshot bilang cover ng isang entertainment site.

“It’s been a long time coming,” tanging caption ni Raymond na may kalakip na rainbow flag emoji, na sagisag ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community.

Mababasa rin sa cover ang quote ni Raymond na “I think it’s an open secret.”

Dahil noon pa man, usap-usapan na ang tungkol sa sekswalidad ni Raymond.

Pero bakit nga ba natagalan si Raymond sa pag-amin tungkol sa kanyang sexuality?

Inilahad ni Raymond ang kanyang saloobin tungkol sa issue kay G3 San Diego para sa Mega Entertainment.

Sabi ng host, para sa kanya ay hindi raw ganoong kahalaga na kailangan pa niyang ipangalandakan sa publiko ang kanyang seksuwalidad.

Pero ngayon ay opisyal na siyang nag-out dahil gusto raw niyang ipakita sa ibang taong katulad niya na hindi sila nag-iisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya nila, may mga pinagdadaanan din daw siya, gaya ng ilang personal na isyung patuloy niyang hinaharap ngayong may pandemya.

Sabi ng kakambal ni Richard Gutierrez, ito marahil ang una at huling beses na magsasalita siya tungkol dito.

Kung meron daw natutunan si Raymond ngayong pandemya, ito raw ay maging masaya dahil “life is short.”

Ito raw ngayon ang ginagawa ni Raymond na kasalukuyang nasa California sa Amerika.

Masuwerte raw si Raymond na matibay ang kanyang support system, na kinabibilangan ng kanyang mga kaibigan at pamilya.

Kuwento ni Raymond, noong siya ay 19 anyos at isang host, madalas siyang makaranas ng diskriminasyon mula sa mga mas nakakatanda sa kanya, lalo na’t ito yung mga panahong hindi pa gaanong kabukas ang isip ng mga tao at hindi pa rin gaanong kalaganap ang LGBTQIA movement.

Sinimulan ni Raymond ang kanyang pagiging host sa GMA-7 noong 2003 noong siya ay labingsiyam na taong gulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Raymond na nakaranas siya ng matinding diskriminasyon, na naging dahilan para makaranas siya ng depresyon.

Naging “self-destructive” umano siya.

Sumobra ang kanyang timbang at nag-resort siya sa alcohol at pagpa-party.

“It was tough for me,” pag-amin ni Raymond.

Pero ginamit daw niya itong hamon para mag-excel siya sa kanyang mga ginagawa.

Kung meron man daw siyang natutunan, ito ay huwag magpanggap at “just be yourself.”

CELEBRITIES SUPPORT RAYMOND

Mainit na pagsuporta at pagbati ang natanggap ni Raymond mula sa kanyang mga showbiz friends.

Ikinatuwa nila at pinuri si Raymond sa kanyang pag-amin na siya ay isang gay.

Kabilang na rito sina Anne Curtis, Angel Locsin, Isabelle Daza, Bianca Gonzalez, Solenn Heussaff, at marami pang iba.

Pati ang kanyang kapatid na si Ruffa Gutierrez ay buong pagmamalaking idineklarang mahal niya ang nakababatang kapatid.

Celebrity friends positively comment on Raymond Gutierrez sexuality announcement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raymond Gutierrez finally admits that he is a member of the LGBTQIA community.
PHOTO/S: @mond on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results