Vice Ganda "calls out" partner Ion Perez for posting TV host's sexy back picture

by Arniel C. Serato
Aug 2, 2021
Ion Perez says "I love you" to partner Vice Ganda in recent Instagram post.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @pereziion27 on Instagram

Muling nagpakita ng kanilang sweetness ang mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez sa Instagram.

Kahapon, August 1, nag-post si Ion ng larawan ng It’s Showtime host na kuha sa bakasyon nila noong nakaraang linggo.

Makikita sa larawan si Vice na may suot na sumbrero, shades, oversized Versace T-shirt, at maiksing short.

Nasa tabi ng swimming pool ang TV host-comedian.

Saad ni Ion sa caption, “Omy! Omy [three heart emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

Nagkomento naman si Vice sa post ng partner.

Pabiro niyang sinabi kay Ion na siya dapat ang magpu-post ng larawang iyon.

Sabi niya kay Ion, “Hooooooyyyy! Ako magpopost nyaaaaan? Daya mo Noy! Huhuhu!!’ [purple heart emoji]”

Tugon ni Ion, hindi niya nasama sa paglipat ng mga larawan sa telepono ni Vice ang nasabing picture kaya siya na lamang daw ang nag-post.

Biro pa niya sa partner, “@praybeytbenjamin di nasama sa airdrop kaya ako nalang [winking face with yongue emoji] tuy! Loveyou [three yellow hearts emojis]”

Continue reading below ↓

IG Photo: Ion Perez posts Vice Ganda sexy photos

Kinakiligan naman ng fans ng dalawa ang palitan nila ng mensahe.

Magtatatlong taon na ang relasyon nina Vice at Ion sa October 2021.

Sa anibersaryo nila noong October 26, 2020, nangako si Ion kay Vice na siya lamang ang mamahalin nito.

Aniya, "Wala na rin akong masabi kundi paulit-ulit kong sasabihin. Hangga't kaya kong iparamdam, mahal kita, ipaparamdam ko sa ’yo.

Continue reading below ↓

"Siguro, isinilang ako sa mundo para mahalin ka. Mamahalin kita nang sobra."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez says "I love you" to partner Vice Ganda in recent Instagram post.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @pereziion27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results