Kisses Delavin tops online votes in Miss Universe Philippines 2021 Headshot Challenge

by Nikko Tuazon
Aug 2, 2021
Kisses Delavin, Maureen Wroblewitz, Miss Universe Philippines 2021
Kisses Delavin leads the 15 candidates who topped the online votes in Miss Universe Philippines 2021 Headshot Challenge.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Organization / @jonaxlucas on Instagram

Ngayong araw, August 2, 2021, inilabas ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) ang listahan ng mga kandidatang nakakuha ng highest votes sa MUPH app para sa kanilang Headshot Challenge.

Ang Headshot Challenge ay isa sa "virtual challenges" na bahagi ng selection process ng MUPO para sa Top 75 candidates ng pageant.

Ang former Pinoy Big Brother teen housemate na si Kisses Delavin ang nakakuha ng pinakamaraming online votes para sa challenge na ito.

Nasa pangalawang puwesto ang TikTok content creator na si Rousanne Marie Bernos o mas kilala bilang Ayn Bernos. Pumangatlo sa online votes ang Asia's Next Top Model Cycle 5 winner na si Maureen Wroblewitz

Kabilang din sa Top 15 ang pageant veterans na sina Miss Supranational 2018 first runner-up Katrina Dimaranan at Miss Globe 2019 second runner-up Leren Mae Bautista.

Pasok din sa Top 15 ng Headshot Challenge ang ilang front-runners kabilang ang Cebuana beauty queen na si Steffi Rose Aberasturi at ang anak ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na si Maria Corazon "Corrine" Abalos.

Continue reading below ↓

Ang iba pang kandidata na pasok sa Top 15 ay sina Gianne Kryssee Tecson Asuncion, Noelyn Rose Campos, Kamille Alyssa Quiñola, Cheri Angel Flejoles, Angela Nikki de Grano, Jedidah Korinihona, Mirjan Hipolito, at Isabelle delos Santos.

Continue reading below ↓

Ngayon gabi rin iaanunsiyo ng MUPO ang bago nitong virtual challenge para sa kanilang mga kandidata.

Ang Top 30 candidates lamang ang magiging bahagi ng beauty pageant na gaganapin simula September 4, 2021.

Sa September 25, 2021 naman gaganapin ang grand coronation night kung saan makikilala ang magiging successor ni Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines 2021.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kisses Delavin leads the 15 candidates who topped the online votes in Miss Universe Philippines 2021 Headshot Challenge.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Organization / @jonaxlucas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results