Sanya Lopez does not mind falling for an older man

by Bernie V. Franco
Aug 2, 2021
For Sanya Lopez, age does not matter. The Kapuso actress says age does not matter for her when it comes to love. The 24-year-old actress claims she is NBSB or no boyfriend since birth.
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

Hindi raw mahalaga kay Sanya Lopez ang edad pagdating sa pag-ibig.

Sabi ng Kapuso actress, 24, buong-buo niyang tatanggapin ang lalaking ititibok ng kanyang puso kahit mas may edad ito sa kanya.

Nausisa tungkol dito si Sanya dahil may mga nakakapareha siya sa mga proyekto na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Kabilang na rito si Gabby Concepcion, 56, na leading man ng aktres sa recently concluded GMA primetime series na First Yaya.

Si Sanya rin ang leading lady ni Senator Bong Revilla, 54, sa weekly fantasy series na Agimat ng Agila.

“Hindi naman natin malalaman kung sino ang ibibigay sa atin,” sabi ng aktres sa exclusive interview ng PEP.ph noong July 29, 2021.

“And kung sino man ‘yon, tanggap ko talaga kahit ano pa yung age niya.

"Sa akin, kahit bata o matanda, kung totoo naman yung na-in love kayo sa isa’t isa at wala naman kayong inaagrabyadong tao, then okay naman po.

Continue reading below ↓

“Wala naman pong problema.”

GABBY AND BONG RESPECTFUL TO YOUNGER CO-STARS

Bagamat mga batikan na sa industriya, nakita raw ni Sanya kina Gabby at Bong ang pagbibigay respeto sa kanya kahit itinuturing niyang baguhan ang sarili sa showbiz.

Saad niya, “Nakita ko rin sa kanila kung paano rumespeto sa amin, lalo na sa akin.

“Sabi nga, yung mga baguhan na katulad ko rin, iba rin yung respeto nila, kahit alam nating matagal na sila sa industriyang ito.

“Alam nila kung paano rin makipagsabayan sa kanila, and yun ang naa-appreciate ko sa kanila pareho.

“Hindi nawawala ang respeto nila sa mga mas bata sa kanila.”

WHY SHE IS NBSB

Naninindigan si Sanya na siya ay NBSB o no boyfriend since birth. At hanggang ngayon ay single pa rin daw siya.

Gusto ba ni Sanya na ang kanyang first boyfriend ang makatuluyan niya kaya’t ganoon na lang ang pagiging pihikan niya?

Sagot ng aktres, “Number one, kaya naging choice kong maging single kasi natatakot ako na bumalik kami sa dati.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Sanya ay ang hirap na kanilang pinagdaanan noon dahil salat sa buhay.

“Kasi pag na-in love ako, todo. So, natatakot ako na baka pag na-focus ako sa kanya, makalimutan kong meron pala akong trabaho, meron pala akong ganito.

“Yun pala yung nakakatakot for me.

“Hindi ko pa nasusubukan na, ‘O, sige, kaya kong pagsabayin.’ Parang natatakot lang talaga ako.”

Dugtong niya, “Natatakot din ako na yung first boyfriend ko, baka hindi siya. So, may ganun po ako minsan.

“Sana yung first boyfriend ko, siya na [ang huli].

“Pero sabi ko nga, baka hindi ibinigay para sa ‘yo, baka may mas magandang ibibigay para sa ‘yo.

“Baka naman pinadaan lang siya sa buhay mo para mas matuto tayo.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For Sanya Lopez, age does not matter. The Kapuso actress says age does not matter for her when it comes to love. The 24-year-old actress claims she is NBSB or no boyfriend since birth.
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results