Gretchen Barretto, Atong Ang spotted at cockfighting event

by Arniel C. Serato
Aug 3, 2021
Gretchen Barretto and Atong Ang spotted together at Matira Matibay 12-Stag Derby in Cavite last July 30.
PHOTO/S: Courtesy: Kawa Gamefowl on Facebook

Spotted muling magkasama sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa isang sabungan.

Base sa viral video na in-upload sa Facebook page ng Kawa Gamefowl, makikita na si Gretchen pa mismo ang nagpakawala ng manok na si "Lady Tiger" sa laban.

Continue reading below ↓

Nangyari ito sa ginanap na Matira Matibay 12-Stag Derby (4 Stag Prelims) ng GAPP-Cavite noong July 30, 2021.

Miyembro si Gretchen ng Team Alpha ng Pitmaster group, kung saan kasama rin si Atong.

Makikita rin ang plugging ng kumpetisyon sa Instagram ni Gretchen na ibinahagi niya noong July 14.

Noong November 2020, lumikha ng kontrobersiya ang pagbisita ni Gretchen kasama ang negosyanteng si Atong sa Janiuay, Iloilo.

Nagkaroon kasi ng “crowd gathering” ang pagdating ng dalawa sa isang pagpupulong kasama ang mga mananabong para sa online cockfighting na binabalak nilang simulan.

Hindi raw nasunod ang quarantine protocols sa social distancing matapos magkumpulan ang mga tao sa isang resort sa nasabing bayan upang makita si Gretchen.

Nagkaroon din daw ng mga dayalogo ang Gamefowl Affiliates of Pitmasters-Philippines (GAPP) para sa online sabong sa resort na pinagdadausan ng pagpupulong.

Hindi naglabas ng pahayag noon si Gretchen maging si Atong.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto and Atong Ang spotted together at Matira Matibay 12-Stag Derby in Cavite last July 30.
PHOTO/S: Courtesy: Kawa Gamefowl on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results