Sharon Cuneta mourns death of her impersonator Ate Shawee: "It was a SHOCK."

by Bernie V. Franco
Aug 3, 2021
sharon on ate shawee
Sharon Cuneta on death of her impersonator Ate Shawee: "Wala akong kamalay-malay kahit nung may sakit siya dahil I was in 'escape mode'."
PHOTO/S: @juansarte on Instagram / Facebook (Shawee Martinez)

Ipinagluluksa ni Sharon Cuneta, 55, ang pagpanaw ng kanyang kilalang impersonator na si Ate Shawee, Marvin Martinez sa totoong buhay.

Si Ate Shawee, 48, ay binawian ng buhay noong July 26, 2021 dahil sa sakit na liver cirrhosis.

Sabi ni Sharon, shocked siya sa pagkamatay ng kanyang “official and favorite impersonator.”

Delayed ang reaction ng Megastar dahil tumulak ito sa U.S. noon pang Mayo 2021. Hindi raw kasi niya tsini-check ang kanyang Philippine phone.

Ibinunyag din ni Sharon via Instagram na nakarating na siya ng bansa nito lamang August 1, Linggo.

Aiya, “I had deliberately, totally ignored my Philippine phones in the U.S. and enjoyed the radio silence using only my U.S. phone.”

Hindi rin daw niya masyadong tinitingnan ang kanyang social media accounts.

“So it was a SHOCK to me to find out that my Official and favorite impersonator, Marvin, our Ate Shawee, had been sick and passed away…I sincerely, deeply am affected by his passing,” bahagi ng caption ng actress/singer/host.

Continue reading below ↓

Sabi ni Sharon, masaya siya sa pag-impersonate sa kanya ni Ate Shawee kahit hindi ganoon kaaktibo sa showbiz si Mega.

“I appreciated and adored Marvin and in those lean years of my career when I was too fat to work, seriously even worried about what Marvin would be able to do impersonating me and getting any jobs at all.

“Now he is gone.”

Nabanggit din ni Sharon na hindi lang ang pagpanaw ni Ate Shawee ang kanyang ikinalulungkot.

May mga pinagdadaanan din daw ang Megastar, pero hindi na siya nagdetalye.

“And not just Marvin…I will spare you details of others I have lost recently too, as well as what I have been having to deal with.

“May mga dinadala pa po ako ngayon pero ayoko ng sad kayo kaya pakipagdasal na lang po ako.

“Salamat sa Dios okay naman kami ng pamilya ko kaya yun ang importante.”

Ito rin daw ang dahilan kung bakit tahimik si Sharon pagdating sa bansa, “dahil may mga problemang kailangan lagpasan.”

Patuloy niya, “Anyway - back to Marvin…my deepest condolences to his family, friends, and loved ones…

"Napakasakit nito sa akin at sa aking Sharonians.

“Mahal na mahal ko si Marvin at wala akong kamalay-malay kahit nung may sakit siya dahil I was in “escape mode” for peace kahit sandali lang sa Amerika. I love you and always will, my Ate Shawee, my Marvin.

“Maraming salamat sa pagmamahal, marespetong pagganap sa akin at pagpapaligaya sa aming lahat. Mamimiss kita talaga…may God bless and embrace your loved ones through this most difficult time…”

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on death of her impersonator Ate Shawee: "Wala akong kamalay-malay kahit nung may sakit siya dahil I was in 'escape mode'."
PHOTO/S: @juansarte on Instagram / Facebook (Shawee Martinez)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results