Celebs, netizens have best reactions to Olympic silver medalist Nesthy Petecio's historic win in boxing

by Rachelle Siazon
Aug 3, 2021
Nesthy Petecio makes history as she becomes the first Filipina Olympic boxing medalist. It has been 25 years since boxer Onyok Velasco won a silver medal at the 1996 Summer Olympics. In a media interview, Nesthy tearfully says, "Gusto ko sana ialay ang gold. Kinulang po tayo, pero ginawa ko ang best ko."
PHOTO/S: One Sports YouTube

Napaiyak si Nesthy Petecio, 29, nang parangalan siyang silver medalist sa Tokyo 2020 Olympics sa women's featherweight final competition ngayong Martes, Agosto 3.

Natalo man ni Sena Irie ng Japan, buong pagmamalaking itinaas ni Nesthy ang silver medal at ilang beses tumuro sa taas sa sobrang pasasalamat sa Diyos sa isa na namang historic win para sa bansa.


Continue reading below ↓

Si Nesthy ang kauna-unahang Filipino female boxer na nag-uwi ng medalya mula sa Olympics.

Dalawampu't limang (25) taon ang nakararaan nang huling nag-uwi ng silver medal ang boxer na si Onyok Velasco mula sa 1996 Olympics.


NESTHY: "GINAWA KO ANG BEST KO."

Sa panayam ng media, bungad ni Nesthy, "Sobrang thankful ako kay Lord di Niya ako pinabayaan sa taas ng ring. Sobrang honored ako na i-represent ang Pilipinas."

Continue reading below ↓

Pero hindi pa rin niya mapigilan ang maging emosyonal dahil sa nararamdamang panghihinayang.

"Naiyak po ako kasi nanghihinayang po ako para sa coaches. Iaalay ko sana..." napahinto si Nesthy sa pagsasalita dahil biglang napaluha.

Dugtong niya, "Gusto ko sana ialay ang gold. Kinulang po tayo, pero ginawa ko ang best ko. Nakita niyo humabol po ako..."

May lungkot mang nararamdaman, iginiit ni Nesthy na hindi siya susuko at muling lalaban sa 2024 Olympics na gaganapin sa Paris, France.

"Siyempre po, continue po ako chasing the gold pa rin tayo. Di pa tapos. May Paris pa po," ani Nesthy.

Dagdag niya, "Thank you po sa lahat ng suporta po, kay Lord po talaga..."

Napatapik din si Nesthy sa kanyang puso na waring nagsasabing tuloy ang laban para sa Pilipinas.

Ipinakita rin ni Nesthy ang good sportsmanship dahil sa magandang pakikitungo kay Sena matapos ang kanilang laban sa ring.


Continue reading below ↓

CONGRATULATORY MESSAGES FROM CELEBS

Ipinaabot naman ng Filipino celebrities at pati na rin netizens ang kanilang saya sa karangalang dinala ni Nesthy para sa bansa.



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

NETIZENS' REACTING TO NESTHY'S FeiSTY PERFORMANCE

Marami namang Pinoy netizens ang diskumpiyado sa unanimous victory ni Sena dahil tingin nila ay may round na lamang umano si Nesthy sa puntos o sa punches na pinakawalan nito.


Sabi ng isang netizen: "In my opinion, that should not be a unanimous decision-it was a close fight. Until the end, the sportsmanship showed by Nesthy."

Continue reading below ↓

Halos ganito rin ang komento ng iba:



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

PINOY NETIZENS TO NESTHY'S OPPONENT: "PURO YAKAP TAKBO"

Kitang-kita raw kasing agresibo at buong-puso ang performance ni Nesthy habang ang kalaban niyang si Sena ay idinaan sa yakap ang paggapi sa Pinay boxer.



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Idinaan naman sa biro ng ibang netizens ang kanilang reaksiyon sa desisyon ng mga hurado.

NESTHY ON BEING A PINOY PRIDE

Kung anu't anuman, nanaig ang pagmamalaki ng Pinoy netizens dahil sa galing at talentong ipinamalas ni Nesthy sa Olympics.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓


HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nesthy Petecio makes history as she becomes the first Filipina Olympic boxing medalist. It has been 25 years since boxer Onyok Velasco won a silver medal at the 1996 Summer Olympics. In a media interview, Nesthy tearfully says, "Gusto ko sana ialay ang gold. Kinulang po tayo, pero ginawa ko ang best ko."
PHOTO/S: One Sports YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results