Donita Rose talks about going the extra mile as chef in the U.S.: “Ako naglalabas ng basura.”

by Bernie V. Franco
Aug 4, 2021
Donita Rose talks about starting a new life as a chef at a chain of supermarkets in the U.S. "I work really hard."
PHOTO/S: @dashofdonita and @vinniegoti on Instagram

Nagsisimula na ang panibagong buhay si Donita Rose, 46, bilang isang chef sa California, U.S.A.

Ibinalita ni Donita sa isang Instagram post noong Abril na siya ay research and development chef ng Island Pacific Supermarket.

Ang Island Pacific ay Filipino chain of supermarkets na pagmamay-ari ng Filipino businessman na si Niño Jefferson Lim, asawa ng dating aktres na si Krista Ranillo.

Suwerte raw si Donita na output-based ang kanyang trabaho at walang oras.

“Sa totoo lang, wala namang… boss ako ng sarili ko. I can do whatever I want.

“I can work from home. Just deliver what I need to deliver,” sabi niya kina LJ Moreno at Rufa Mae Quinto para sa The Wander Mamas noong August 2, 2021.

Suwerte rin daw si Donita sa kanyang immediate boss na pinapayagan siyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin.

“Minsan sabihin ko, Miss Maricel [Aguilar], 'Puwede bang mag-off ako bukas magpi-pictorial ako with Rufa?' ganyan.”

Continue reading below ↓

Sagot daw ng boss niya, “Do whatever you want, basta give me your deliverables.”

Pero paglilinaw ni Donita, hindi siya nagpapabaya sa kanyang trabaho.

“I work really hard. I work so hard,” diin niya.

Wala rin daw isyu kay Donita na gawin ang iba pang trabaho sa supermarket kahit hindi ito sakop ng kanyang trabaho.

“Nagugulat ang mga Pinoy dito, ako naglalabas ng basura. Ako nagda-dump sa dumpster.

“Hindi ko trabaho ‘yon, pero I do it.

“Nagpupunas ako ng mga table. Sabi [ng mga nakakakita], ‘Dee, ano bang trabaho mo?’”

Sabi pa ni Donita tungkol sa kanyang trabaho, “I love what I do, but it’s really really hard... physical.”

Nagkuwento rin si Donita kung ano ang ilan sa kanyang trabaho bilang research and development chef.

“So, we work together on a project, yung mga sinigang mix, adobo mix, caldereta… we’re going to launch that very soon.

“When you look at the back of the packaging sa taas, nakalagay dun tradition use, sinigang, ganun.

Continue reading below ↓

“Sa baba, nakalagay, modern twist. So, I do the recipes for the modern twist.”

May parte rin daw siya sa menu ng restaurants sa loob ng supermarket.

Isang taon nag-aral ng culinary si Donita sa Pilipinas at nag-practice na siya noong 2011.

NO MORE WORK IN THE PHILIPPINES

Isa si Donita sa mga artistang nakaranas ng matinding hamon nang tumama ang pandemya simula noong 2020.

Isa ito sa pangunahing kunsiderasyon para lisanin niya ang Pilipinas at magpunta sa Amerika.

Kasama ni Donita ang 16 anyos na anak na si JP Villarama, anak niya sa dating asawang si Eric Villarama.

“Wala na talagang trabaho sa Pilipinas. I couldn’t pay my bills,” pag-amin ng Filipino-American actress.

May mga investment at properties si Donita, pero wala siyang cash.

Sinusustentuhan daw siya noon ng ina na nagtatrabaho bilang school teacher sa Amerika.

“I felt so bad. My mom is 73 years old. Ayoko naman na parang ganito na lang ang buhay ko. Di naman karapat-dapat.”

Continue reading below ↓

Hindi naman daw nagrereklamo ang ina ni Donita, lalo’t maagang naging breadwinner noon ang aktres.

Pero sabi niya, “Hindi ko masikmura. Yung nanay ko 73.”

Nang magdesisyon siyang pumunta sa Amerika, ibinenta raw ni Donita ang kanyang mga gamit.

Bilang tulong, maraming binili sa kanya sina Piolo Pascual at KC Concepcion.

“Nagkataon lang,” dagdag ni Donita tungkol sa pagtulong sa kanya ng dating magkasintahan.

HOW DONITA LANDED HER NEW JOB

Bago umalis papuntang U.S., na-interview si Donita sa isang broadsheet.

Dito siya nausisa kung ano ang plano niya sa paglipat sa U.S.

“Sabi ko, I would still like to pursue culinary. Promote Filipino food.”

Nabasa raw ito ni Niño.

Kuwento ni Donita, “Nabasa niya yung article na sinabi ko na hindi lang ako chef, na gusto kong mag-promote ng Filipino cuisine sa buong mundo, starting with the Filipino community.

“Nabasa niya. ‘Yon yung path na gusto niya.”

Kilala raw niya si Krista, pero hindi niya kilala ang asawa nito. Humanap daw ng paraan si Niño kung paano makipag-ugnayan kay Donita.

Continue reading below ↓

“Kinausap niya si Jessica Rodriguez. Mag-best friend yata sila. They know each other from before pa,” sabi ni Donita kina Niño at Jessica, na nakabase na rin sa U.S.

“’Tapos sabi niya [Niño], ‘Kilala mo ba si Donita?’ So, si Jessica tinawagan si Ruffa [Gutierrez].

“Si Ruffa, kinausap ako. Sabi niya, ‘Dee, hinahanap ka ni Niño. Tinatanong niya kung willing kang makipag-work sa Island Pacific.’”

Iyon daw ang kuwento kung paano naging chef si Donita sa Island Pacific.

Sabi ni Donita, hindi niya tuluyang isusuko ang pagso-showbiz.

Aniya, “Nasa dugo natin ang showbiz. Parang hindi nagwo-work, parang it’s so much fun.”

Sa ngayon ay nakakatanggap naman daw siya ng “side gigs,” gaya ng mga trabaho sa TFC o The Filipino Channel, kasama si G Tongi.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donita Rose talks about starting a new life as a chef at a chain of supermarkets in the U.S. "I work really hard."
PHOTO/S: @dashofdonita and @vinniegoti on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results