Kyla addresses alleged transphobic remarks about transwoman Olympian

by Rachelle Siazon
Aug 5, 2021
Kyla on netizens questioning her verified Facebook account that posted comments about transwoman weightlifter Laurel Hubbard: "You’re barking at the wrong person. That’s a fanpage you’re looking at with lots of admins. For sure, that was not me. But you’re free to unstan if you like. We’re in a free country."
PHOTO/S: @kylaalvarez Instagram / Twitter

Binatikos ng ilang netizens ang singer na si Kyla dahil sa diumano'y transphobic remarks niya tungkol sa Tokyo 2020 Olympics athlete na si Laurel Hubbard.

Si Hubbard ay pambato ng New Zealand sa 87-kilogram division ng female weightlifting competition na ginanap noong August 2.

Bagamat matagal nang atleta, ito ang unang pagkakataong nakasali si Hubbard sa Olympics at isa sa mga inasahang medal contender sa weightlifting.

Hindi man siya pinalad manalo, makasaysayan pa rin ang paglahok ni Hubbard lalo pa't isa siya sa mga itinuturing na pioneer transgender athlete.

Pero lumikha pa rin ito ng debate kung "inclusive" na payagan ang isang transwoman athlete sa female division bilang pagkilala sa gender equality, o kung mayroon itong "unfair advantage" dahil sa biological issue.

Hindi naman nakaligtas sa mapanuring Pinoy netizens ang sinasabing pag-alma ni Kyla na "unethical" sumali si Hubbard sa female category dahil hindi raw maiaalis na sadyang mas malakas ito kaysa sa female opponents nito.

Continue reading below ↓

"That's unethical. That of having a man's body, hence, fair play is breached, because men are biologically and physically stronger than women," saad sa post ng verified Facebook user na nakapangalan kay Kyla.

Nakita ang post ni Kyla bilang komento sa isang artikulo tungkol sa "inclusive or unfair" debate hinggil sa pagsali ni Hubbard sa female division ng weightlifting competition.

Pero itinanggi ni Kyla na sa kanya galing ang pahayag na iyon tungkol kay Huggard.

KYLA SAYS FB ACCOUNT NAMED AFTER HER IS A FAN PAGE

Sa pamamagitan ng kanyang verified Twitter account, sinagot ni Kyla ang sunud-sunod na mensahe ng mga nainis na netizens.

Tanong ng isang netizen: "Transphobic ka ba Kyla or isa lang to sa mga admin na humahawak ng Facebook page mo? PAKISAGOT please!"

Continue reading below ↓

Sagot ni Kyla: "Can we check who’s answering on that article? Baka na hack ang page.

"I’ve never enganged on things like that, ever. Not before, not now, and never in the future."

Paglilinaw ni Kyla, hindi siya ang may hawak ng verified Facebook account na nakapangalan sa kanya.

Sagot niya sa isa pang netizen, "Nope. I believe that's my fanpage. I don't usually reply, comment, or answer questions there. We hve a a few admins.

Continue reading below ↓

"Baka na hack? I have to check and ask."


Continue reading below ↓

ON NETIZEN WANTING TO UNSTAN HER

May diskumpiyado ring fan na nagsabing nawalan na siya ng ganang hangaan si Kyla dahil sa transphobic remarks umano ng Kapamilya singer.

Ipinaliwanag naman ni Kyla na hindi siya ang tipong makikisali sa diskusyon sa isyu sangkot ang transwoman athlete na si Huggard.

Giit ni Kyla: "You’re barking at the wrong person. That’s a fanpage you’re looking at with lots of admins.

"For sure, that was not me.

"But you’re free to unstan if you like. We’re in a free country. You can do whatever you like."


Continue reading below ↓

May nagpakita rin kay Kyla ng screenshot ng karugtong na Facebook comment na nakapangalan sa kanya.


Pero sabi ni Kyla, "I don’t need to explain. I already told you. Lots of admins. I don’t reply, answer questions, or comment in any article on facebook. I don’t engage on things like that."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyla on netizens questioning her verified Facebook account that posted comments about transwoman weightlifter Laurel Hubbard: "You’re barking at the wrong person. That’s a fanpage you’re looking at with lots of admins. For sure, that was not me. But you’re free to unstan if you like. We’re in a free country."
PHOTO/S: @kylaalvarez Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results