Long Mejia apologizes to Ellen Adarna for calling her "unprofessional"

by Rachelle Siazon
Aug 5, 2021
Veteran comedian Long Mejia to John en Ellen co-star Ellen Adarna: "Ako ay tiklop-tuhod na humihingi sa iyo ng pasensya... E, nakapagsalita ako sa PEP Talk nang wala palang basehan kung anong nangyayari dahil hindi nasabi sa akin ng production." Long also says sorry for dragging Ellen's fiancé Derek Ramsay into the controversy.
PHOTO/S: John en Ellen Facebook

Humingi ng paumanhin ang veteran comedian na si Long Mejia matapos magpakawala ng maaanghang na mga salita laban kay Ellen Adarna.

Ang John en Ellen ay ang weekly TV5 sitcom na pinagbidahan nina Ellen at John Estrada na umere mula Enero 24 hanggang Agosto 1. Isa sa cast members si Long.

Sa eksklusibong ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Agosto 4, kinumpirma ni Long na totoong umalis ng set si Ellen sa last taping day ng sitcom nang hindi pa tapos ang mga eksena nito.

Naganap ang huling araw ng lock-in taping ng cast sa isang resort sa Laiya, Batangas noong Hunyo 25.

Masama ang loob ni Long dahil apektado raw ang buong produksiyon dahil may kailangan pang kunang eksena na kasama ang pamilya nina John at Ellen, na gumaganap bilang mag-asawa sa show.

Bahagi ng pahayag ni Long: "Si Ellen Adarna, hindi pa siya sikat, ha?

"Mali yung ginawa niya, umalis siya sa gitna ng eksena.

Continue reading below ↓

"Ang salita niya lang sa isang production staff na nadaanan niya, 'Bye!' Ano ‘yon?"

Hindi raw maintindihan ni Long kung bakit hindi umano isinaalang-alang ni Ellen ang mga maliliit na taong kasamahan nila sa trabaho na apektado ng nangyaring insidente.

Dagdag niya, "Samantalang sa totoo lang, kahit saan natin sipatin, kahit saan natin silipin, hindi siya puwedeng umalis dahil bayad siya noong araw na ‘yon, bayad siya!

"Kailangang tapusin niya ang taping kasi bayad siya."

LONG mejia APOLOGIZES TO ELLEN ADARNA

Makalipas lamang ang labing-apat na oras matapos mailathala ang artikulo, nitong Huwebes, Agosto 5, napag-alaman ng PEP.ph na nais ni Long bigyang-linaw ang nangyaring pag-alis ni Ellen sa lock-in taping ng sitcom noong Hunyo 25.

Lumalabas na may napagkayariang cut-off si Ellen at ang pamunuan ng show na hindi alam ni Long.

Eksklusibong ipinadala ni Long sa PEP.ph ang kanyang video message ukol sa isyu.

Kalmadong pahayag ni Long: "Ellen... Ako ay tiklop-tuhod na humihingi sa iyo ng pasensya. Pasensya ka na. Huwag ka magagalit sa akin.

Continue reading below ↓

"Medyo hindi ko alam kung ano ang mga pangyayari.

"Kung may nasabi man ako dun sa PEP Talk, pagpasensyahan mo na ako. Ako ay humihingi ng tawad."

Ipinaliwanag ni Long na ang mga binitiwan niyang salita ay dala raw ng pagmamahal niya sa kanilang sitcom.

"Sa mga tagasubaybay ko, lalo na diyan sa nasulat sa PEP Talk, pasensya na ho kayo. Dala po ng opinyon lang po yung sa akin, yung nasabi ko tungkol kay Ellen Adarna.

"E, wala naman ho sana akong masamang ibig sabihin nun. Dahil sa pagmamahal ko lang po sa John en Ellen, na hindi ko alam ang mga pangyayari na naganap noong araw na iyon.

"Wala naman sa akin nagsabi kung anong nagaganap noong araw na iyon."

John en Ellen cast in Batangas

Continue reading below ↓

LONG ON ELLEN'S AGREEMENT WITH PRODUCTION HEADS

Hindi nagdetalye si Long, pero binanggit niyang wala siyang ideya sa kung anuman ang napagkasunduan ni Ellen at ng produksiyon hinggil sa pag-alis ng aktres sa taping nang mas maaga.

Tila ang tinutukoy niya rito ay ang cut-off ni Ellen sa taping.

Patuloy ni Long sa pahayag niya sa PEP.ph: "E, nakapagsalita ako sa PEP Talk nang wala palang basehan kung anong nangyayari dahil hindi nasabi sa akin ng production.

"Kaya kay Ellen Adarna, kaibigan naman kita Ellen, sabi ko nga.

"Pasensya ka na rin dahil nung araw nga na iyon na sinabing ikaw ay aalis na, e nalungkot din ako. Biruin mo, di na tayo magkikita.

"E, pasensya ka na, Ellen. Wala naman akong ibang ibig sabihin. Pasensyahan mo na rin ako."

Sa naunang ulat ng PEP.ph, nasabi ni Long na "unprofessional" umano ang pag-iwan ni Ellen sa trabaho nang hindi pa ito tapos sa mga eksena.

Continue reading below ↓

Nakapagsalita rin si Long na dapat ay humingi ng dispensa si Ellen sa mga katrabahong apektado dahil sa pag-alis niya.

Tinawag ni Long na "pambabastos" ang pag-iwan sa trabaho nang hindi tapos at walang paalam sa mga kasamahan.

Pero base sa pahayag ngayon ni Long sa PEP, tila nagkausap sila ni Ellen at naiintindihan niya ang posisyon ng aktres sa isyu.

Paliwanag pa rin ng veteran comedian: "Tulad ng sinabi ko sa iyo, walang nag-inform sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari sa paligid, kung ano yung nagaganap.

"Kaya kung may nasabi man ako, nasabi ko sa PEP Talk. Sa PEP naman dahil kaibigan ko rin sila...

"Yung mga nasabi ko ay dala na rin siguro ng emosyon ko dahil alam mo naman, mahal na mahal ko ang John en Ellen na palabas dahil, una sa lahat, trabaho.

"Isa pa, nakapasaya nung magkasama kami nina Ellen Adarna, John Estrada..."

Continue reading below ↓

Ellen Adarna in John en Ellen taping

LONG ON CALLING DEREK "ELLEN'S P.A."

Sa huli, humingi rin ng pasensya si Long sa fiancé ni Ellen na si Derek Ramsay na nasangkot sa isyu.

Base sa ulat ng PEP.ph noong Miyerkules ng gabi, nakapagbitiw si Long ng salita na wala umanong ginawang aksyon si Derek sa ikinilos ni Ellen gayong naroon daw ito noong mangyari ang insidente.

Continue reading below ↓

Dapat daw ay si Derek ang kumumbinsi kay Ellen na tapusin ang mga eksena nito noong last day of taping ng John en Ellen.

Tinawag din ni Long na "P.A." o production assistant ni Ellen si Derek.

Pero paglilinaw ni Long ngayong Huwebes, biro lamang umano ang pagtawag niyang "P.A." sa Kapuso actor.

Sabi ni Long ukol kay Derek: "Kay Pareng Derek, yung mga biro ko sa iyo na, 'Si Derek parang P.A. ni Ellen,' biro yun. Binibiro lang kita."

Sabay tukoy ni Long kay Ellen, "Di ba, sinasabi ko sa iyo, Len? 'Gandang lalaki ng P.A. mo, ha.'"

Tinatawanan pa raw siya ni Ellen kapag inihihirit niya sa aktres na P.A. nito si Derek.

Dugtong na mensahe ni Long para kay Derek: "Derek, magkaibigan tayo. Magkaibigan tayo, Derek.

"Pasensya ka na. Wala akong ibig sabihin. Wala akong ibig sabihin na masama.

"Basta ang hangad ko, kayong dalawa ay maging ayos.

Continue reading below ↓

"Derek, huwag ka magtampo sa akin."

Pagtatapos ni Long: "I love you, Derek. I love you, Ellen. Pasensya na po."

ELLEN denies allegation that she's unprofessional

Nitong umaga ng Huwebes, Agosto 5, mismong si Ellen ang nagbigay-linaw na hindi totoo ang alegasyong siya ay "unprofessional" sa trabaho.

Ayon kay Ellen, pinangakuan siya ng pamunuan ng sitcom na mayroon siyang cut-off noong araw na siya ay umalis sa set.

Sumusunod lang daw siya sa kasunduang iyon.

Bahagi ng pahayag ni Ellen (published as is): "i think its just right to honour your word and dont make promises you cant keep.

"Bottom line, we just have different priorities and my health and safety is # 1."

Tugma ito sa naunang pahayag ni John Estrada sa ulat ng PEP Troika na hindi umano totoong nag-walkout si Ellen sa set ng sitcom.

Ani John, sadyang "pack-up" na si Ellen kaya maaari na itong umalis ng set noong June 25.

Continue reading below ↓

Kinunan din ng PEP Troika ng panig si Derek via Morly Alinio ng DZRH.

Ipinaliwanag ni Derek na sa pagkakaalam niya ay 12:00 noon ang cut-off ni Ellen, at lumampas pa raw ng lunch time bago umalis ang aktres sa lock-in taping kasama niya.

"Ang alam ko lang, binigyan siya ng 12 o’clock lunchtime… lumagpas pa nga ng lunch, tapos last eksena na niya, umuwi na siya.

"Ako pa nga ang nag-drive sa kanya pauwi," saad ng Kapuso actor.

Sa hiwalay ng ulat ng PEP.ph kahapon, kinumpirma ng manager ni Ellen na si Danel Calixto na hindi na bahagi ang aktres ng season three ng John en Ellen.

Pero paglilinaw ni Calixto, sariling desisyon daw iyon ng aktres at walang kinalaman sa naiulat na walkout issue.

Aniya, "While it is true that Ms. Adarna will not be returning to John en Ellen, it was a decision made by us, and not by the production team because of her alleged 'attitude problem.'

Continue reading below ↓

"Ms. Adarna has shown over the years during her time in local showbiz that she is a professional, loyal and hardworking team player who values everyone's time, including her own."

Panoorin ang buong video ng public apology ni Long kay Ellen:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran comedian Long Mejia to John en Ellen co-star Ellen Adarna: "Ako ay tiklop-tuhod na humihingi sa iyo ng pasensya... E, nakapagsalita ako sa PEP Talk nang wala palang basehan kung anong nangyayari dahil hindi nasabi sa akin ng production." Long also says sorry for dragging Ellen's fiancé Derek Ramsay into the controversy.
PHOTO/S: John en Ellen Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results