Jessy Mendiola says it's her choice not to accept offers during pandemic

by Arniel C. Serato
Aug 5, 2021
Jessy Mendiola, 28, advises women to find time to work even after marriage: "Advice ko talaga 'yan sa mga babae, if you can, you know, it doesn't have to be a 9 to 5 job."
PHOTO/S: Courtesy: @senorita_jessy on Instagram

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Jessy Mendiola nang matanong ni Enchong Dee kung ano na ang plano niya ngayon pagdating sa trabaho.

Balak pa ba niyang bumalik sa trabaho ngayong kasal na siya kay Luis Manzano?

Sabi ni Jessy kay Enchong sa vlog ng aktres na may pamagat na HONEST QUESTIONS WITH @Jessy Mendiola, kahit noong nagsimula pa lang ang COVID-19 pandemic, may mga offer na sa kanya pero kanya itong tinanggihan.

Mas importante raw kasi sa aktres ang kanyang kalusugan.

Ani Jessy, “People still ask me ngayon kung anong plano ko sa life ko, kasi nandiyan na yung words na 'laos' or, like, hindi na nao-offer-an.

"But ang totoo niyan, ever since the pandemic started, marami nang offers talaga.

"But I think it's more of I value my health more than anything.

"And ever since nag-start yung pandemic, siyempre nandiyan yung fear, nandiyan yung kailangan mong mag-lock-in, nandiyan yung marami kang taong makakasama.

Continue reading below ↓

"I feel, like, nasa point na ako ng life ko na I am enjoying what I'm doing, which is vlogging.

"But, I'm trying to explore other things in my life. I am also entering the world of business.

"And I think nandoon na tayo sa point ng buhay natin na hindi na tayo napi-pressure to please everyone.

“Kasi ganoon naman talaga kapag nagsisimula, di ba?"

Ayon pa sa aktres, hindi pa siya handang sumabak sa mga lock-in taping.

"I don't think I am ready for taping talaga na sagaran o kaya lock-in.”

Continue reading below ↓

ENOUGH SAVINGS

Ayon pa sa misis ni Luis, may sapat siyang naipon dahil sa kanyang mga iniendorsong mga produkto.

Saad niya, “Actually, mas marami akong naiipon ngayon.

"Ang nangyari, I'm one of those lucky ones na nabigyan ako ng chance to explore the digital world.

"And I just feel so blessed kasi hindi sagad ang work ko, pero I still earn, I think double.

"And I'm just really happy na brands are still getting me and, yun nga, kaya ako mas nakaka-save.”

Pagdating naman sa gastusin sa bahay ngayong may asawa na siya, sinisikap daw nila ni Luis na paghatian ang mga ito hangga’t makakaya.

Lumaki siyang breadwinner kaya sanay raw siyang magtrabaho.

Saad ng 28-year-old actress, "In terms of finances, kami ni Lu, ever since talaga kapag kayang hati kami, hati kami.

"Actually, isa rin 'to sa mga tinatanong sa akin ng mga tao na parang ang iniisip ng ibang tao, dahil asawa ako ni Luis, hindi na ako gumagastos.

Continue reading below ↓

“Luis takes care of everything when it comes to money. But it's more of, like, lumaki akong breadwinner.

“So, I like the feeling na I can fend for myself, I can pay this, I can buy that.

"I can do whatever I want with my own money because I do have my own money.”

EMPOWERING WOMEN

May payo rin siya sa mga babaeng nag-aaawa na dapat ay huwag pa rin sumandal sa napangasawa at dapat magkaroon ng sariling pagkakakitaan.

Aniya, "Advice ko talaga 'yan sa mga babae, if you can, you know, it doesn't have to be a 9 to 5 job.

"Magkakaanak na nga kayo, aalagan mo pa yung asawa, so pagod na pagod ka pa.

"So, ano na yung time mo para sa sarili mo? So, I suggest start small businesses.”

Dagdag pa niya, “At saka ang sarap kaya sa feeling sa aming mga babae kung kunyari mag-asawa tayo tapos meron akong suweldo, parang mabibigyan kita ng gift.

Continue reading below ↓

"O kaya kung may kailangan ka tapos wala kang time bilhin, I could buy that for you. Yung mga ganung bagay, small things.

"It’s so important for women to have that sense of inspiration at saka yung purpose sa sarili.

"Hindi ka lang asawa, hindi ka lang nanay, you’re a woman. Sino ka ba talaga?

"I am doing this for myself, if ever something happens, like something bad happens na magkahiwalay kayo or, you know, may problema sa ganito, ganyan, intact ka.

"Kasi, kumbaga, I have my own money if everything goes South, I'm okay."

Ikinasal sina Jessy at Luis sa isang secret wedding sa Batangas noong February 2021.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola, 28, advises women to find time to work even after marriage: "Advice ko talaga 'yan sa mga babae, if you can, you know, it doesn't have to be a 9 to 5 job."
PHOTO/S: Courtesy: @senorita_jessy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results