Long Mejia, nag-sorry kina Ellen Adarna at Derek Ramsay
Aug 5, 2021

"Ako ay tiklop-tuhod na humihingi sa iyo ng pasensya."

Ito ang mensahe ni Long Mejia sa John en Ellen co-star niyang si Ellen Adarna.

Sa eksklusibong ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Agosto 5, humingi ng dispensa si Long dahil nakapagbitiw raw siya ng mga maaanghang na salita kay Ellen nang walang sapat na basehan.

Noong gabi ng Agosto 4, iniulat ng PEP.ph ang sama ng loob ni Long dahil naapektuhan daw ang produksiyon nang umalis si Ellen nang hindi umano tapos ang trabaho nito.

Tugma ito sa naunang ulat ng Cabinet Files noong August 3, kunsaan isang insider sa sitcom ang nagsabing nataranta ang produksiyon nang umalis umano si Ellen na may naiwang eksena.

Pero nitong Agosto 5, tila nagkausap sina Long at Ellen tungkol sa isyu.

Ayon kay Long, lumalabas na may impormasyong hindi niya nalalaman kaya niya kinuwestiyon ang pag-alis ni Ellen sa set.

Bago ang pahayag ni Long ay naiulat ang sagot ni Ellen sa netizens na hindi totoong siya ay naging "unprofessional" sa trabaho dahil may kasunduan daw tungkol sa kanyang cut-off sa sitcom.

Iginiit ni Ellen na sumusunod lang daw siya sa cut-off na ipinangako sa kanya.

Nagpahiwatig din si Ellen sa kanyang Instagram comment na tila may mga taong hindi nasabihan ng "crucial information" tungkol sa kanyang cut-off.

Panoorin ang buong paliwanag ni Long sa PEP.ph hinggil sa isyu.

HOT STORIES

Video Producer: Rachelle Siazon
Music: Meadows in the Sky by Artificial.Music https://soundcloud.com/artificial-music Creative Commons — Attribution 3.0 Unported — CC BY 3.0 Free Download: https://bit.ly/3icWQXI Music promoted by Audio Library https://youtu.be/0WhsNYMgvsw

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results