Barbie Forteza's very candid reaction to boyfriend Jak Roberto's steamy love scene with Lauren Young

by Rachelle Siazon
Aug 6, 2021
Barbie Forteza while watching the scene where Jak Roberto gives Lauren Young an aggressive kiss: "Seiko films! Eat na eat, Mommy! Ayaw niya 'yan? So, paano pa kung gusto niya?"
PHOTO/S: Jak Roberto YouTube

Kung ang ibang celebrity couples ay iniiwasang panoorin ang daring scenes ng karelasyon, hindi inatrasan ni Barbie Forteza, 24, ang hamon na panoorin ang steamy kissing scenes ng nobyong si Jak Roberto, 27.

Higit apat na taon nang magkasintahan sina Barbie at Jak.

Sa vlog ni Jak noong August 4, sabay na pinanood ng magkasintahan ang ilan sa unforgettable kissing scenes ni Jak sa GMA-7 shows nito.

Isa sa pinaka-daring ay ang steamy love scene ni Jak at Contessa co-star nitong si Lauren Young.

Inasar nang husto ni Barbie si Jak dahil bigay na bigay raw ang nobyo sa mapusok na pagtatagpo ng karakter nito at ng kay Lauren.

Mapang-akit si Lauren sa suot nitong sexy satin robe at exposed ang cleavage ng dalaga.

Diretsahang pinuna ni Barbie na napatingin daw si Jak sa asset ni Lauren.

"Teka lang, teka lang! Tumingin ka sa s*s*!" napatiling sabi ni Barbie.

"Pssst!!!" saway ni Jak sa nobya.

Continue reading below ↓

Ayaw paawat na sabi ni Barbie, "Ah, wala! Hindi! Nakita ko!"

Deny ni Jak, "Di ako nakatingin. Sa robe ako nakatingin!"

Hindi naniniwalang hirit ni Barbie, "Ano? Interesado ka sa tela ng robe? I-rewind mo!"

Ayaw na sana i-rewind ni Jak, pero mapilit si Barbie.

"Umiwas nga ako, o. Umiwas ako ng tingin," saad ni Jak nang panoorin nila ulit ang video.

Kunwa'y inis na sabi ni Barbie, "Nanggigigil ako sa iyo. Nakita ko pagkakatingin mo."

Huhugutin daw ni Barbie lahat ng buhok sa ilong ni Jak.

Continue reading below ↓

Nang simulang halikan ni Lauren si Jak sa eksena, pinansin muli ni Barbie kung saan tumitingin si Jak.

"Kahit na kay Lauren yung [focus ng] cam, kitang-kita ko sa pilik-mata mo na pababa yung pilik-mata mo. Kala mo di ka nakikita? Nanggigil ako sa iyo," sabi ni Barbie.

Biro pa ng aktres sa nobyo, "Ginagawa niya 'yan sa TikTok, e. Nanonood siya sa TikTok, tapos yung pilik-mata niya nakababa kaya alam mo saan nakatingin."

Waring tinutukoy ni Barbie ay ang mga seksing babae na nagpo-post ng dance challenge sa TikTok.

BARBIE TO JAK: "ANO YUNG DINUKOT?"

Titig na titig ang magkasintahan sa pinapanood na love scene kaya hindi rin nakaligtas sa paningin ni Barbie nang mula sa pagkakahawak ni Lauren sa balikat ni Jak ay bumaba ang kamay nito sa kung saan.

Biglang sabi ni Barbie, "Ay, ano yung dinukot?"

Sabay nag-cut ang camera kunsaan makikitang ang dinukot pala ni Lauren ay T-shirt ni Jak.

Continue reading below ↓

Sa puntong ito ay natawa ang magkasintahan.

Ani Jak, "Pause nga muna. Sa damit, itinaas na paganun hinila sa may likod."

Napatakip ng mukha si Barbie sa kanyang reaksiyon sabay sabi, "Okay. Napaka-defensive. Tinatanong ko lang naman. Hahaha!"

"IN FAIRNESS SA PAGKA-AGAINST MO, NAGPAHUBAD KA PA!"

Ipinaliwanag ni Jak na wala talagang gusto ang karakter niya sa karakter ni Lauren sa Contessa.

Kaya raw sa una ay makikitang parang no reaction si Jak sa paghalik sa kanya ni Lauren.

Pero papatol si Jak dahil sa sabwatan ng karakter nila ni Lauren sa istorya.

"O, see? Ayaw niya, di ba? Against kasi ako sa pangyayari."

Hirit ni Barbie, "In fairness sa pagka-against mo, nagpahubad ka pa!"

Tawa lang nang tawa si Jak.

Nang sa wakas ay gumanti na rin ng halik si Jak kay Lauren, makikitang agresibo ang pagkakahalik ni Jak kay Lauren.

Iyon daw kasi ang hiningi sa script.

"Seiko films! Eat na eat, Mommy!" napangiting bulalas ni Barbie nang makita ang pagsiil ni Jak ng halik kay Lauren.

Continue reading below ↓

Napapangiti pa ring hirit ni Barbie, "Ayaw niya 'yan? Aba, hiniga pa niya! Ayaw niya 'yan? So, paano pa kung gusto niya? Di ba, pag nakahubad, may binabalak?"

JAK SET TO WORK AGAIN WITH LAUREN

Madalas biruin si Barbie ng netizens na "shot na" o ibig sabihin ay inuman na sakaling apektado ang dalaga na makitang may kahalikan ang nobyo sa role nito sa TV.

Pero malinaw na hindi isyu kay Barbie ang paggawa ng love scenes ng nobyo, at nagandahan daw siya sa eksena nina Jak at Lauren.

Nag-alay pa ng dasal ng pasasalamat ang magkasintahan dahil sa bagong gagawing teleserye ni Jak na Never Say Goodbye, kunsaan kasama rin sa cast si Lauren.

Ibinuking naman ni Barbie si Jak na unang reaction daw ng aktor nang malaman ang cast ng show.

Sabi raw ni Jak, "Ah, naku. Nakatrabaho ko na si Lauren. Kami lang lagi magkakausap. At least naman sinabi niya sa akin."

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Jak, ang ibig niyang sabihin ay si Lauren kasi ang matagal niyang nakatrabaho noon kaya palagay na ang loob niya rito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza while watching the scene where Jak Roberto gives Lauren Young an aggressive kiss: "Seiko films! Eat na eat, Mommy! Ayaw niya 'yan? So, paano pa kung gusto niya?"
PHOTO/S: Jak Roberto YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results