Sanya Lopez reacts to romance rumors linking her to Gabby, Pancho, Bong

by Rachelle Siazon
Aug 6, 2021
Sanya Lopez's reaction every time she gets romantically linked to a co-actor: "Hanggang to the point na, 'Ha? Totoo ba? Nananahimik ako dito. Bakit ako?' So, minsan magugulat ka na lang kung bakit ka nadamay dun sa sitwasyon. Sabi ko, 'Ha? Hindi talaga."
PHOTO/S: @sanyalopez Instagram

Hindi na bago kay Sanya Lopez ang maugnay siya sa kanyang leading men sa iba-iba niyang GMA shows.

Ito ang sagot ni Sanya nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tuwing may fans na tila nadadala sa kanyang onscreen chemistry kina Gabby Concepcion, Pancho Magno, at Bong Revilla.

Si Gabby ay leading man ni Sanya sa First Yaya, si Pancho sa tig-isang episode ng Magpakailanman at Wish Ko Lang, at si Bong sa Agimat ng Agila.

Magkasama rin sina Sanya at Pancho sa First Yaya.

Pare-pareho nang may asawa ang tatlong leading men ni Sanya na inuugnay sa kanya.

"Lahat ata ng naging partner ko, nagkaroon ako ng kuwento na kung anu-ano tungkol sa kanila," saad ni Sanya sa PEP Exclusives noong July 29.

Continue reading below ↓

Nagugulat na lang daw ang Kapuso actress kapag nakakarating sa kanya ang mga bali-balitang walang basehan.

"Hanggang to the point na, 'Ha? Totoo ba? Nananahimik ako dito. Bakit ako?'

"So, minsan magugulat ka na lang kung bakit ka nadamay dun sa sitwasyon.

"Sabi ko, 'Ha? Hindi talaga."

Continue reading below ↓

SANYA-GABBY BEHIND THE SCENES

Tulad halimbawa sa matagumpay na teleserye ni Sanya kasama si Gabby, ang First Yaya.

Marami sa kanilang tagasubaybay ang kinikilig pati na sa off-cam moments kunsaan makikitang natural ang kulitan nila.

Mismong si Sanya at ibang co-stars nila ay ipinu-post pa ang behind-the-scene videos nina Sanya at Gabby sa social media.

Ayon kay Sanya, hindi para bigyan ng malisya ang mga ganung pagkakataon.

"Basta kung ano ang nakikita niyo, may nakikita tayo na hindi natin dapat pinaniniwalaan.

"Siyempre may mga pinaniniwalaan tayo. Pero, alamin din natin kung paniniwalaan ba natin. So, yun lang masasabi ko."

Kung sakali mang intrigahin pa rin siya, deadma lang daw si Sanya.

Aniya, "Go na sila! Basta ako, kalmado ako dito. Single ako, happy ako."

Continue reading below ↓

ON SANYA'S ADMIRERS

Kung may nanliligaw man kay Sanya, hindi nito direktang masabi dahil gusto niya ay klaro at sinsero ang intensiyon sa kanya.

"Hindi ko alam kung nanliligaw ba yung isang tao. Ayoko kasi mag-assume.

"Kasi, parang, baka naman sweet sa akin, sweet din sa iba. Hindi natin alam.

"Kung puwede lang ay diretsahin na niya.

"Kaya minsan, 'Nanliligaw ka ba? Sabihin mo na lang.'

"Kapag nakikita mong nagpupunta dito sa bahay, nag-e-effort na, dun mo palang masasabing nanliligaw."

sanya STILL AN NBSB

Sa edad na 25 taong gulang ay NBSB o no boyfriend since birth pa rin daw si Sanya.

Ano ba ang katangian ng lalaking kukumbinsi sa kanyang makipagrelasyon na?

"Masasabi ko lang yun na di na ako NBSB kapag, una, napatunayan niya sa akin na mahal niya ako.

"Pangalawa, may pangarap din siya sa life niya. Hindi yung ako lang ang nangangarap. Paano ka?

"Yun bang sure ako, kahit man ako maging girlfriend niya o iba, dapat may pangarap siya sa life niya."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez's reaction every time she gets romantically linked to a co-actor: "Hanggang to the point na, 'Ha? Totoo ba? Nananahimik ako dito. Bakit ako?' So, minsan magugulat ka na lang kung bakit ka nadamay dun sa sitwasyon. Sabi ko, 'Ha? Hindi talaga."
PHOTO/S: @sanyalopez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results