Indie actor Charles Delgado sells erotic videos to fund wife's chemotherapy

by Jerry Olea
Aug 9, 2021
Bilang padre de pamilya, ang pagbebenta ng sarili niyang erotic videos ang naisip na paraan ng indie actor na si Charles Delgado upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at ang pagpapagamot ng misis niyang may lung at ovarian cancer.
PHOTO/S: Twitter

Sumabak ang indie actor na si Charles Delgado sa pagbebenta ng erotic videos online alang-alang sa kanyang pamilya.

Ulila na sa magulang si Charles. Siyam na taong gulang siya nang pumanaw ang kanyang amang theater actor. Namatay ang kanyang ina noong 2015 dahil sa kanser.

“OK lang naman po. Dapat, strong lang,” nakangiting pakli ni Charles nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine via Zoom nitong Agosto 7, Sabado ng gabi.

Siyam na magkakapatid sina Charles. Pangatlo siya sa bunso.

Umabot si Charles ng second year sa kolehiyo. Nakatatlong kurso siya. Mula sa Computer Science, nag-shift siya sa Hotel and Restaurant Services (HRS), and then Hotel and Restaurant Management (HRM).

Bakit palipat-lipat siya ng kurso?

“Ahh, hindi nagkakasya yung pera pang-school,” sambit ni Charles.

Taong 2010 nag-asawa si Charles sa edad na 18. Mas matanda sa kanya ng isang taon ang kanyang asawa. Dalawa ang kanilang mga anak, edad 11 at 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatira sila sa Brgy. Payatas-B, Quezon City, malapit sa tambakan. Gaano kahirap ang pamumuhay nila sa Payatas?

“Ahh, di ko po ma-elaborate kung paano pero mahirap talaga,” matamang saad ni Charles.

“Kasi siyempre, parang… mommy lang meron kami noon. Tapos, nine pa kaming magkakapatid.

“So, mahirap. Wala pang trabaho ang mom ko that time.”

LIFE AS AN INDIE ACTOR

Mayo 4, 1992 ang petsa ng kapanganakan ni Charles. Dalawampu’t siyam (29) na taong gulang na siya.

Ang unang pelikula niya ay Booking na ipinalabas noong Marso 2009. Nag-frontal siya at nakipaglampungan sa kapwa lalaki sa halos lahat ng projects niya.

Kabilang dito ang Boylets (2009), SRO: Standing Room Only (2010), Bigasan (2010), Pagnanasa (2010), Indie Boys (2010), Mga Pinakamahabang One-Night Stand 2 (2010), Junior (2020), Senior: A Reunion Special (2010), Ang Lihim ni Adonis (2011), Bingwit (2011), Young Love (2011), Daklot (2012), at Nympho (2012).

Ang iba rito ay direct-to-video. Naging inactive siya sa showbiz, at bale comeback project niya ang Kilig: Beki Love 2 (2018) na idinirek ni G. A. Villafuerte (RIP).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


The young Charles Delgado

Kumusta ang buhay-indie?

“OK naman po. OK din siya, kasi para marami akong nami-meet na tao. And then, in the first place kasi, talagang gusto ko iyong umarte.

“Talagang nagustuhan ko rin iyong buhay-indie. Buhay-aktor.”

Malaki ba ang kinikita niya noon sa pag-i-indie?

“Noong nag-start ako, maliit. Maliit talaga ang TF [talent fee]. Then, pag nakuha ko ang TF ko, bigay ko sa mother ko, sa kapatid ko, lahat,” paggunita ni Charles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hanggang sa nagkakaroon na ng malaking project.”

Mga ilang araw ang shooting ng indie projects niya?

“Minsan po, three days. Five days. Minsan naman, one day lang,” pagngiwi ni Charles.

May mga naging kaibigan ba siya sa indie actors na nakatrabaho niya?

“Ahhh, may mga nakilala po ako pero hindi ko talaga naging close na nakakasama ko sila palagi,” pag-amin ni Charles.

CROSSING THE MAINSTREAM

Na-frustrate ba siya sa showbiz career niya, na nanatili siya sa indie at hindi nakatawid sa mainstream?

“Hindi naman po, pero siyempre pangarap ko rin ang mainstream. Pero kung hanggang doon lang talaga ang kaya, OK na rin sa akin.

“Kasi,nag-work na rin ako sa industry. Parang natikman ko na rin yung buhay bilang aktor. So, iyon.”

Anu-ano ang pinagkaabalahan niya noong ilang taon na inactive siya sa pag-aartista?

“Ayun, buhay-daddy. Buhay-bahay. Buhay-tambay. Balik-normal.

“Nag-aasikaso sa mga anak ko. Then, nag-school. Nag-try ng ibang work. Mga ganung bagay lang po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang ikinabuhay nila noong inactive siya sa showbiz?

“Bale iyong mga kapatid ko po, nag-work na sila sa abroad. So, sila yung nagsu-support sa amin dito noon para sa mama ko.

“Nag-work ako. Pati wife ko, nag-work din for a while. So, tulung-tulong lang.”

Napakunot-noo si Charles, “Kasi, hindi naman po malaki yung… parang… ano bang tawag dito? Yung pamumuhay dito sa Payatas.

“May palengke, mura lang yung gastusin. Walang upa.”

CHARLES'S WIFE IS BATTLING CANCER

Paano sila naapektuhan nang lumaganap ang pandemya at magkaroon ng community quarantine umpisa Marso 15, 2020?

“Sobrang apektado po, lalo na nagki-chemo yung wife ko,” lahad ni Charles.

“Since 2019 pa po, nagki-chemo po ang wife ko, sobrang hirap… sobrang hirap!”

Nasa Stage 2B na ang kanser sa lungs at ovary ng kanyang asawa. Ano ang naisip niyang paraan para makatawid sila sa pagsubok?

Natigilan sandali si Charles at humalukipkip, “Ito lang… ito lang yung naisip ko na… simula nung walang-wala na talaga ako, nabenta ko na lahat ng gamit ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Charles ay pagtitinda ng erotic videos sa internet.

Pagpapatuloy ni Charles, “Nabenta ko yung sasakyan ko, yung Nissan po. Yung mga gadget, like cellphone po, iPad.

“Pantustos lang sa ospital ni Misis. Pang-chemotherapy niya, ganun.”

Sa tantiya ni Charles, lumampas sa P500,000 ang nagastos para sa chemo ng misis niya noong 2019 pa lang.

“Noong 2020, parang P600,000 siya. Kasi, iba-iba siya. May chemotherapy, may radiation therapy, may brachytherapy.”

Kumusta ang lagay ng wife niya ngayong 2021?

“Ongoing ang chemotherapy niya ngayon. Katatapos lang niya last Thursday. Then, next week uli,” pagmuwestra ni Charles.

May mga nilapitan ba siya sa showbiz para sa chemotherapy ng kanyang asawa?

“Wala po. Kasi, huling may mga kontak pa ako sa showbiz, like 2012 pa.

“So… may tumulong sa akin, para sa pag-support sa mga gastusin sa ospital.

“And then, nandiyan ang government. Yung PCSO. Yung Office of the Vice President. May mga nilapitan kami,” sabay hithit at buga ng usok sa vape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam ba ng wife niya na nagbebenta siya ng erotic videos?

“Opo, alam naman po niya,” tugon ni Charles, bakas ang lungkot sa tinig at mga mata.

ONLINE SEX WORKER

Hulyo 3, 2021, nagpaka-active si Charles sa Twitter, Facebook, at Instagram upang i-promote ang pagsabak niya sa pagiging OSW (online sex worker).

Nag-umpisa siyang mag-ipon ng followers, subscribers, at videos.

“Kasi, talagang hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pang-chemo niya, panggastos namin sa bahay, yung ganun, pang-ospital niya,” paliwanag ni Charles.

“So, nag-try akong pumasok sa ganun. Baka lang… siyempre, kahit papa’no, magkaroon ng income.

“Kasi, kung magkaroon man ako ng regular job, hindi pa rin siya sasapat. Kasi, yung PET scan pa lang niya, P45,000 na.

“Everytime matapos po ang chemo session, kailangan niyang mag-PET scan. Ang CT scan naman po, worth P12,000 po.”

Kanino o paano niya nalaman ang pagbebenta ng erotic videos?

“Kasi, may mga kakilala ako na inaalok ako about sa premium. And then, mas marami akong hindi kakilala na nagme-message sa akin na ganun nga, gagawan daw nila ako ng account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa akin yung sahod, basta gawa lang daw ako ng videos. E, hindi naman ako nagtiwala. Kasi kilala ko lang sila, and then yung iba, hindi ko talaga kilala.

“So, natatakot ako. Natatakot akong magtiwala.”

PRESSURE OF DOING EROTIC VIDEOS

Last week lang ng July nag-umpisa ang pag-a-upload ni Charles ng erotic videos para sa subscribers niya sa premium account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paulit-ulit na naghubad noon si Charles sa kanyang indie projects. Ano ang feeling niya na bumalik siya sa trabahong hubaran, at level-up pa?

“Sobrang pressure,” napapailing na sabi ni Charles, “kasi matagal po akong nawala. Matagal akong walang arte, walang hubad-hubad.

“Kaya noong gumawa ako ng video, parang… hindi ko alam. Paano ba ang gagawin ko? Aakting ba ako o ano?

“So, medyo pressure siya. Pero siguro, maa-adapt ko rin uli.”

Nakaramdam ng hiya si Charles sa paggawa ng mga video habang nagsasariling-sikap.

“Ngayon ko lang ginawa ito. Iba kasi iyong may kamera na umaakting ka lang, and then, may partner ka roon,” katwiran ni Charles.

“Ngayon, ako, solo lang. Parang… paano ako gagawa ng content para ma-entertain sila? Doon, nape-pressure ako.”

Ano ang reaksiyon ng mga kapatid niya?

Napangiti muli si Charles, “Hindi po alam ng mga nakakatandang kapatid ko, e. Hindi nila alam. Ang nakakaalam lang, yung bunso kong kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala lang yun para sa kanya. Kasi… hiwa-hiwalay na kaming magkakapatid. Saka kaming magkakapatid, hindi talaga kami nag-uusap na… payo, ganito.

“Parang medyo… yung parang… hindi kami madrama. Hindi sa drama, ha?! Parang hindi na iyon bini-big deal sa amin.

“Kailangan, kami, astigin! Lalaki kaming lahat! Parang wala yung sakit! Ganun kami!”

Nag-worry ba siya sa sasabihin ng dalawang anak kapag nalaman ang pagvi-vidjakol niya?

“Opo, naisip ko rin iyong sasabihin nila sa akin pag napanood nila, or pag nalaman nila pag lumaki na sila,” seryosong pahayag ni Charles.

Baka tuksuhin ang mga ito ng mga kalaro, na ang daddy nila ay mahalay ang trabaho. Baka ma-bully?

Tumingala muna si Charles, tila inapuhap sa kisame ang isasagot, “Ano po, e, sa akin naman kasi… basta, hilig ko silang kausapin. Mahilig akong makipag-usap sa kanila.

“And then, maintindihin naman sila. At saka alam ko 'yon, namana nila sa akin… bully ako nang bully dati, e. Hindi ako naaapektuhan ng mga bully.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag binully ako, binubugbog ko. Nakikipagsuntukan ako sa classroom, kahit saan,” natatawang paggunita ni Charles.

“So, maiintindihan siguro nila 'yon. Maa-adapt din nila.”

BATTLE WITH DEPRESSION

Nade-depress ba siya sa dami ng pagsubok at pasakit sa kanyang buhay?

Tumango si Charles, “Nade-depress ako pero ang ginagawa ko lang, ahh… punta ako sa sulok, sa madilim, sa tahimik.

“Tapos, mag-iisip. Yun lang. Iisipin ko lang lahat. Tapos, pag humarap na ako sa tao, kailangang wala na yung lungkot na 'yon.”

Idinadasal ba niya sa Diyos ang mga pinapagdaanan niya? O hinahayaan na lang niya?

“Hindi ako nagdadasal, e. Kumbaga, kinakausap ko lang Siya. Nagsasalita na lang ako.

“Nagsasalita lang ako nang nagsasalita. Iyon ang way of communication ko sa Kanya.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang padre de pamilya, ang pagbebenta ng sarili niyang erotic videos ang naisip na paraan ng indie actor na si Charles Delgado upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at ang pagpapagamot ng misis niyang may lung at ovarian cancer.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results