Jak Roberto on Barbie Forteza kissing scene with Dennis Trillo: "Nilapat mo!"

by Rachelle Siazon
Aug 10, 2021
Barbie Forteza teases boyfriend Jak Roberto about sweet scene with Dennis Trillo (inset): "Umiiyak ako sa eksena, pero ang saya ko inside."
PHOTO/S: Jak Roberto YouTube / GMA-7 (inset)

Hindi pinalampas ni Barbie Forteza ang pagkakataong pagselosin ang nobyong si Jak Roberto nang panoorin nila ang kissing scene ng aktres at ni Dennis Trillo.

Nagkatrabaho sina Barbie at Dennis sa GMA-7 weekly anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko noon pang January 2020.

Pero nagbigay ng reaksiyon si Jak sa vlog nila ni Barbie nitong Linggo, August 8.

"O, explain mo bakit nakahubad?" tanong ni Jak tungkol sa eksena kunsaan naka-topless si Dennis habang si Barbie ay nakahilig sa dibdib ng co-star.

"Kasi nga may balak," biro ni Barbie.

Sabay paliwanag niya, "Nag-transform kami from werewolves."

Pang-aasar pa rin ni Barbie kay Jak, "Pero technically, talagang magkadit yung bodies namin. Para talagang maramdaman yung warmth ng eksena at intensity."

Komento ni Jak, "Sobrang sweet niyo."

Sagot ni Barbie, "I know. I'm, like, guys, wag natin masyado ipahalata. Umiiyak ako sa eksena, pero ang saya ko [deep] inside."

Hirit ni Jak, "Nanggigigil ako, ha! Wag na, ayoko na i-play!"

Continue reading below ↓

Noon pa man ay bukas si Barbie sa pagsasabing celebrity crush niya si Dennis.

Puna pa ni Barbie sa eksena nila ni Dennis, "Ay, wait lang. May napansin ako. Di ba, patay na si Mr. Dennis Trillo niyan? Pero nakaakbay pa rin siya sa akin."

Sagot ni Jak, "Di kayo in character niyan. Kasi pag pinapasok niyo yung character niyo... Basta! Ituloy na lang natin. Ayoko na mag-comment."

Tinitigan kunyari nang masama ni Jak si Barbie, at saka itinulak ang bakunadong braso ng aktres.

"Game na! Umiinit ulo ko. Ayoko na tapusin, ah!" dagdag ni Jak.

Tawa naman nang tawa si Barbie sa reaksiyon ng nobyo.

Makikitang nabuhay si Dennis sa eksena, kaya lubos ang sayang magyayakapan sila ni Barbie.

Matapos ang ilang segundo, pumitik si Jak at sinabing kung siya ang assistant director ay pipitik na siya bilang senyas na cut na ang eksena.

Nang magtinginan na sa eksena sina Dennis at Barbie, komento ni Jak, "Ayan na! Ang ganda. Yung tinginan niyo. Ngiting-ngiti ka, e."

Continue reading below ↓

Katuwiran ni Barbie, "look of love" ang nakasaad sa script.

DENNIS AND BARBIE'S "KISS"

Hanggang sa nagdikit na ang mukha nina Dennis at Barbie para sa kissing scene.

"Nilapat mo!" bulalas ni Jak sabay tusok sa pisngi ni Barbie at kunwa'y itinulak ang braso ng dalaga.

Tanggi ni Barbie, "Hindi ko nilapat! Hindi talaga! Promise to the earth."

Sabi ni Jak, "Ang galing ng shot. Mukhang totoo."

Wala raw talagang kissing scene sa script, paliwanag ni Barbie.

Pero nang kinukunan na raw ang eksenang magyayakapan sina Barbie at Dennis, nag-cut daw ang direktor nilang si Rico Gutierrez.

Sinabi raw ni Direk Rico na mas gaganda ang eksena kung may kiss "kahit smack lang."

Tanong ni Jak kung kanino galing ang suggestion, "Si Direk Rico o si Dennis?"

Sabay biro ni Barbie, "Hindi ko alam kung sinabi ni Sir [Dennis]."

Pipindutin dapat ni Jak ang bakunadong braso ni Barbie kaya iwas ng dalaga, "Okay! Napaka-asyumera!"

Continue reading below ↓


Sumeryoso si Barbie saka nagpaliwanag, "Siyempre, si Mr. Dennis Trillo being a gentleman, wala siyang sinabi. So, sa akin ang desisyon. Kaya lang, kasi nga, di pa ready."

Sabay biro ulit ni Barbie, "Ang bilis ng pag-transform namin di ako nakapag-toothbrush."

Tanong ni Jak, "So, kung nakapag-toothbrush ka, papayag ka?"

Continue reading below ↓

Seryosong sagot naman ni Barbie, "Hindi rin."

Naisip ni Barbie na baka maniwala ang viewers na hindi siya ready dahil hindi siya nakapag-toothbrush, nilinaw niyang nag-mouthwash at pabango pa raw siya bago ang eksena.

May daya ang kissing scene nina Barbie at Dennis dahil hindi basta pumapayag ang dalaga sa kissing scene sa telebisyon.

Ang tanging kissing scene lang daw na napapayag siya ay sa leading man na si Andre Paras sa That's My Amboy noong 2016. Ang direktor daw kasi noon ay si Joyce Bernal.

"TRABAHO LANG, WALANG PERSONALAN."

Sa huli, nilinaw ng magkasintahang Jak at Barbie na "just for fun" ang ginawa nilang reaction video sa kissing scenes ni Barbie sa iba nitong leading men.

Pati si Barbie ay nauna na ring nag-react sa kissing scenes ni Jak sa mga nakatrabaho nitong aktres tulad ni Lauren Young.

Wala naman daw silang selosan issue pagdating sa trabaho.

"Walang personalan. Parehas kaming artista, trabaho 'yan. So, naiintindihan namin. And very professional naman everybody," sabi ni Barbie.

Continue reading below ↓

Siniguro rin ni Jak na professional siya pagdating sa paggawa ng love scenes.

Aniya, "Honestly, pagkatapos ng kissing scene, detached lang. Back to normal. Walang kahit anong feelings after nung eksena na yun."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza teases boyfriend Jak Roberto about sweet scene with Dennis Trillo (inset): "Umiiyak ako sa eksena, pero ang saya ko inside."
PHOTO/S: Jak Roberto YouTube / GMA-7 (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results