Derek Ramsay cuts ties with close friend John Estrada: "He is no longer a friend of mine."

by Rachelle Siazon
Aug 10, 2021
Derek Ramsay on falling-out with close friend John Estrada: "Magsisinungaling ako kung [sinabi ko na] walang kinalaman yung nangyari kay Ellen, pero 'yon yung icing on the cake. Yun ang nag-push sa akin na enough is enough."
PHOTO/S: @jacknicklausph via @john__estrada / @ramsayderek Instagram

Tinuldukan na ni Derek Ramsay ang humigit-kumulang pitong taong pagkakaibigan nila ni John Estrada.

Inamin ni Derek na ang kontrobersiya sangkot ang fiancée niyang si Ellen Adarna ang mitsa ng paglayo niya kay John.

"Hindi ko siya kaaway. Hindi ko siya kaibigan. He's no longer a friend of mine," diretsahang pahayag ni Derek.

Dugtong niya: "I just don't want to associate myself with John.

"Magsisinungaling ako kung [sinabi ko na] walang kinalaman yung nangyari kay Ellen, pero 'yon yung icing on the cake.

"Yun ang nag-push sa akin na enough is enough."

Sinabi ito ni Derek sa YouTube vlog ni Ogie Diaz noong Lunes, August 9.

Tinapat daw ni Derek si John tungkol sa mga isyu nila.

Paliwanag niya, "Naramdaman niya yung galit ko. I think na-understand naman ni John kung saan ako nanggaling...

"Marami nangyari kay Ellen sa show na iyan. But, ibigay ko kay John. He was apologetic sa mga bagay na nangyari.

Continue reading below ↓

"Pero, there were certain things na di ko na puwede tanggapin.

"For me, you go on with your life, I'll go on with my life."

Ayon kay Derek, may mga magandang alaala raw sila ni John lalo pa't naging malapit din daw siya sa misis nitong si Priscilla Meirelles.

Kaya sabi niya patungkol kay John, "I wish you well, Bro."

Golfing buddies sina John at Derek mula 2014, at nanalo pa sila sa Jack Nicklaus International Invitational noong 2017.

Noong 2018 ay nagsosyo pa sila sa isang mosquito repellent product.

At nitong Enero 2021, naging daan si John para magkakilala sina Derek at Ellen.

Co-stars sina John at Ellen sa TV5 sitcom na John en Ellen, na umere ang season 1 noong January 2021 at nagtapos ang season 2 noong August 1.

WHAT HAPPENED ON JOHN EN ELLEN

Nagsanga-sanga ang isyung nagsimula sa bali-balitang nag-walkout umano si Ellen sa last taping day ng Season 2 noong June 25, 2021.

Continue reading below ↓

Ginanap ang lock-in taping mula June 20 to 25 sa Batangas.

Isang insider sa sitcom ang nagsabi sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nataranta ang produksiyon nang umalis si Ellen sa set nang may naiwan itong eksenang hindi pa tapos.

Hindi raw nagpaalam ang aktres sa production heads nang umuwi ito kasama ng fiancé na si Derek na sinasabing namalagi umano sa set ng limang araw.

Bilang co-star at line producer ng show, nagpatawag umano si John ng meeting para ipaliwanag sa mga katrabahong huwag ipakalat ang insidente at unawain ang anumang personal na dahilan ni Ellen.

Pero lumabas ang isyu sa social media, hanggang sa may nagparating nito sa PEP.ph noon ngang August 3.

Kinabukasan, August 4, on record ay naglabas ng hinaing si Long Mejia sa PEP.ph tungkol sa inasal umano ni Ellen.

Sinabi ni Long na nakakabastos umano ang pag-alis ni Ellen nang walang maayos na paalam at di tapos ang trabaho.

Continue reading below ↓

Wala umanong malasakit si Ellen sa mga katrabahong apektado.

Nagpahaging din si Long kay Derek na hindi man lang daw ito gumawa ng paraan para himukin si Ellen na tapusin ang eksena nito.

DEREK EXPLAINS HIS SIDE OF THE STORY

Sa panayam ni Ogie, sinabi ni Derek na ayaw niya sanang palakihin ang isyu pero kusa raw siyang idinamay rito.

Hindi raw siya biased sa pagdepensa niya kay Ellen dahil saksi siya sa pagpayag ng production na bigyan ng 12 noon cut-off ang fiancée noong June 25.

Kapalit daw ito ng pagpayag ni Ellen na mag-overtime—lampas ng 12-hour rule na working hours sa taping—noong June 24.

Kaya nang matapos ang eksena nito ng bandang 1:30 p.m. noong June 25, nagpasya ang aktres na umuwi na kasama si Derek.

Hindi naman daw maintindihan ni Derek kung bakit pati ang pagsosolo ni Ellen sa kuwarto ay naging isyu. Lalabas na lang daw uli si Ellen kapag may eksena ito.

Continue reading below ↓

"People should understand that we are in a pandemic.

"And you should also respect her wishes na pagkatapos ng eksena, rather than makipagtsikahan sa set, she wants to be safe and stay in her room.

"She doesn't want to get sick kasi babalikan niya ang anak niya, babalikan niya ako, at babalikan niya ang magulang ko."

Nilinaw rin ni Derek na may pagkakataong nagtanong ang aktres tungkol sa protocols sa set, pero hindi raw nangangahulugan na ayaw nitong magtrabaho.

"Naninigurado lang po," diin niya.

on DEREK staying at the resort

Pinabulaanan din ni Derek na nanatili siya sa resort ng limang araw.

Lahad ni Derek, "Sinabi nila nag-stay ako dun ng five days straight. Hindi po totoo yun. Umuwi po ako.

"I stayed there the first night kasi bukas naman sa lahat sa public.

"Late na rin. Delikado. Malayo. San Juan, e. Bumalik ako ng fourth day. Ni-release siya [nung fifth day]."

Continue reading below ↓

Hinaing ni Long sa PEP.ph noong August 4, sana ay isinaalang-alang man lang daw ni Ellen ang mga malilit na katrabaho sa set.

Ani Long, "Nahihiga siya sa pera, e, yung mga kapwa niya... Kumakain siya ng bulalo. Bulalo ang ulam mo, tapos yung ibang crew, noodles ang kinakain?"

Sabi naman ni Derek kay Ogie, "Di ko alam paano nila nalalaman ino-order namin. Di ko nga alam kung nakatikim ako ng bulalo.

"Pero kung ano po ang kinain namin sa sarili naming kuwarto, kami nagbayad nun."

Ayon kay Derek, nagkausap na sila ni Long at nirerespeto raw niya ang comedian sa paghingi nito ng paumanhin nang mapagtantong nakapagbitiw ito ng mga salita nang wala itong ideya sa ipinangakong cut-off kay Elen.

ellen is not a "pasaway"

Iginiit pa ni Derek na professional at hindi "pasaway" si Ellen bilang artista.

Noon pa lang daw may lumabas na intrigang tumatakas umano si Ellen sa set, umalma na raw ang aktres sa produksiyon na klaruhing walang katotohanan ang isyu.

Continue reading below ↓

Katuwiran ni Derek, tinapos daw ng kanyang fiancée ang Season 2 nang wala itong written contract.

Patunay raw iyon na gustong magtrabaho ni Ellen, kahit na ang orihinal na kasunduan ay season one lang ito sa sitcom.

Ongoing pa raw ang Season 2 ay ipinaalam na raw ni Ellen sa production ang desisyon niyang iyon.

Sa huli, sinabi ni Derek na si Ellen at ang management nito ay desidong mag-file ng report sa IATF, at doon na lang daw idedetalye kung ano ang isyung irereklamo ng aktres.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on falling-out with close friend John Estrada: "Magsisinungaling ako kung [sinabi ko na] walang kinalaman yung nangyari kay Ellen, pero 'yon yung icing on the cake. Yun ang nag-push sa akin na enough is enough."
PHOTO/S: @jacknicklausph via @john__estrada / @ramsayderek Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results