Janella Salvador on 'nanghihinayang' comments: "I just gave birth, but I still can do what I can do."

by Arniel C. Serato
Aug 10, 2021
Janella Salvador on getting pregnant at a young age: "Maraming ganun na parang, ‘sayang, sayang, sayang.’ But honestly, I’m out to prove that nanganak lang naman ako, e, di ba?"
PHOTO/S: Courtesy: @superjanella on Instagram

Hindi nabawasan ang pagiging aktres at singer ni Janella Salvador matapos siyang manganak.

Ito ang ipinahiwatig ng 23-year-old Kapamilya star sa vlog ni Erich Gonzales na lumabas noong August 8.

Sa nasabing YouTube content, habang kumakain, nagkuwentuhan ang dalawa tungkol sa buhay ni Janella ngayong isa na siyang ganap na ina.

Continue reading below ↓

Dito na naghayag si Janella ng saloobin ukol sa mga “nanghihinayang” dahil napaaga ang kanyang pagiging nanay.

Saad ng Kapamilya star, “Well, for sure, it's obvious naman na when people in our line of work get pregnant, lalo na at my age, ang daming different opinions and, like, judgments.

“Ngayon, I’m sure mas open na din yung mga tao kasi ang dami ko din namang mga messages na congratulating me and ang dami ding mga positive messages.”

Dagdag pa ni Janella, nanganak lang siya at walang nabawas sa kanyang kakayahang umarte at kumanta.

“Pero of course, hindi mawawala yung notion na parang, ‘ay sayang,’ parang ganun.

“Maraming ganun na parang, ‘sayang, sayang, sayang.’

“But honestly, I’m out to prove that nanganak lang naman ako, e, di ba?

“Like, I’m still Janella. I just gave birth, but I still can do what I can do.

“Yung mga nagagawa ko dati, nagagawa ko pa rin naman.”

Continue reading below ↓

Giit pa niya, “I can still act, I can still sing. All I have to do is lose more weight.

“Basically, I just want to prove not just to others but also to myself na kayang-kaya.

“Motherhood doesn’t stop someone from achieving their dreams.”

Ipinanganak ni Janella ang anak nila ni Markus Paterson noong October 2020 sa United Kingdom.

Siyam na buwan na ngayon ang panganay nilang si Baby Jude.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador on getting pregnant at a young age: "Maraming ganun na parang, ‘sayang, sayang, sayang.’ But honestly, I’m out to prove that nanganak lang naman ako, e, di ba?"
PHOTO/S: Courtesy: @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results