Maris Racal reveals relationship with Rico Blanco started before pandemic

by Arniel C. Serato
Aug 12, 2021
Maris Racal on boyfriend Rico Blanco: "Simple lang naman kasi si Rico na boyfriend. Parang hindi naman siya yung tipong, like, araw-araw na nagbibigay ng bulaklak."
PHOTO/S: Courtesy: @mariesteller / @ricoblanco100 on Instagram

Ngayong hayag na ang relasyon nila sa publiko, malaya nang nagkukuwento si Maris Racal, 23, tungkol sa nobyo niyang si Rico Blanco, 48.

Sa Magandang Buhay episode ngayong araw, August 12, naitanong sa singer-actress kung paano sila nag-click ni Rico.

Lahad ni Maris, “I guess before, I would say music, kasi dun kami start nag-click talaga, nag-work together.

“But right now, siguro malaking percentage siguro yung pareho kaming values sa life, pareho kami na may malaking family and very close together.

“So, gets namin yung ano, yung paano mag-treat ng family. So, 'yon yung pinakaimportante talaga sa amin.”

Sa isang bahagi ng talakayan, naitanong kay Maris kung mahirap bang bumuo ng isang relasyon sa gitna ng pandemya.

Dito na nabuko na bago pa man ang COVID-19 pandemic ay may espesyal nang namamagitan sa kanila.

Nakangiti at may halong kilig na sagot ni Maris, “Hindi ko po alam, kasi before pandemic po nag-start.

Continue reading below ↓

“Medyo mahirap mag-maintain ng relationship sa panahon ng pandemic.

“Pero hindi ko po alam sa nag-start ng relationship sa pandemic.”

“NATATAKOT TALAGA AKO”

Ayon pa kay Maris, noon pa nila napag-usapan ni Rico kung paano haharapin sakaling lumabas na sa publiko ang kanilang relasyon.

Isa raw sa ikinatakot niya ay ang mga kukuwestiyon tungkol sa pagitan ng kanilang edad.

Dalawampu’t limang taon ang age gap nila ni Rico.

Saad ni Maris, “Lagi po naming pinag-uusapan. Pero every time na ganoon po yung topic, natatakot talaga ako, napi-pressure ako.

"Kasi natatakot ako sa kung ano ang iisipin ng mga tao.

“Kasi, strange kasi yung ano namin, relationship namin, because of the age gap.

“It's like the big elephant in the room, so natatakot akong iano ng mga tao.”

Hindi raw niya inasahan ni Maris na magiging positibo ang pagtanggap ng publiko sa kanilang relasyon, kahit malaki ang agwat ng kanilang edad.

Continue reading below ↓

Aniya, “So I'm really, really surprised sa reaction nila. Hindi ko in-expect na matutuwa pala sila.”

“Babs” daw ang term of endearment nila.

Ano naman ang mga ginagawa ng kanyang boyfriend para kiligin siya?

Tugon ni Maris, "Marami naman. Simple lang naman kasi si Rico na boyfriend.

“Parang hindi naman siya yung tipong, like, araw-araw na nagbibigay ng bulaklak.

“Pero siguro, every time na nagbibigay siya ng flowers, ganun, kinikilig ako. Kasi hindi siya ganoon, simple lang siya.

“So, every time na may ibibigay siya, parang kinikilig ako.”

Nagkatrabaho sina Maris at Rico taong 2019 dahil sa kanta ng dalaga na “Abot Langit.”

Marso 2020, umugong ang balitang may namamagitan sa kanila dahil sa ipinost ng dalaga na duet nila ni Rico.

Hanggang sa kumpirmahin ng dalawa na may relasyon nga sila.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal on boyfriend Rico Blanco: "Simple lang naman kasi si Rico na boyfriend. Parang hindi naman siya yung tipong, like, araw-araw na nagbibigay ng bulaklak."
PHOTO/S: Courtesy: @mariesteller / @ricoblanco100 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results