Jaycee Parker reveals standing by Jericho Aguas in secret when Isabel Granada died

by Arniel C. Serato
Aug 13, 2021
Jaycee Parker on friendship with the late Isabel Granada (right), husband Jericho Aguas's ex-wife: "Ano lang siya, very calm, very nice. And wala akong masabi dun sa taong yun, mabait.”
PHOTO/S: @ iamjayceeparkeraguas on Instagram / Facebook

Hindi naging madali ang tinahak na landas ng relasyon ng dating Viva Hot Babes member na si Jaycee Parker at ni Jericho Aguas aka Geryk Genasky.

Magpipitong taon na ang kanilang relasyon, at sa susunod na linggo ay tatlong taon na silang kasal.

Sa exclusive interview kay Jaycee, sa pamamagitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Calamansi App podcast nitong Miyerkules, August 11, nagkuwento ang aktres kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Jericho.

Bandang huling bahagi ng 2013 sila nagkakilala ni Jericho, na konsehal pa noon ng Angeles City, Pampanga.

Ipinagtaka ng marami ang relasyon nila dahil ang pagkakaalam ng publiko ay ang namayapang aktres na si Isabel Granada ang asawa ni Jericho.

Lahad ni Jaycee, “Because, hindi kasi alam ng mga tao na hindi na sila together noon ni Isabel. Kumbaga, hindi na sila okay.

“They’re still together, but they’re not saying it to the public because of, yun nga, nasa politics si Jericho.

Continue reading below ↓

"And dito noon sa Pampanga, talagang nung ni-launch niya yung kanyang political career, kasama naman niya talaga si Isabel.

"And everybody knew here na, kumbaga, tag team sila nun. So, itinago nila sa public na wala na sila nun.”

Ayon pa kay Jaycee, nahirapan talaga sila ni Jericho sa simula ng kanilang relasyon.

“So, nung umpisa namin, medyo mahirap kasi we had to, alam mo yun, hindi kami puwede masyadong lumabas.

"Kasi nga, hindi puwedeng malaman ng ibang tao dito that time.

"Pero yun, eventually, nalaman din naman ng mga tao.

“Nalaman din naman nila eventually na, yun na nga, na meron pala kaming nabubuong relasyon.”

Ano ang nangyari nang nalaman ng mga tao na sila na ni Jericho?

“When people found out about it, nalaman kasi ng mga tao ‘to nung sumakabilang buhay si Isabel," sabi ni Jaycee.

“But before that happened, ano na kami, we had an understanding na si Isa with her husband, si Jericho with Hubert, okay na kami when all it went out.

Continue reading below ↓

“Yun nga lang, yung mga tao, nagulat sila, kasi hindi nila alam na may mga ganung eksena palang nangyayari.”

Si Hubert ang nag-iisang anak nina Isabel at Jericho.

ISABEL GRANADA’S DEATH

Isinugod si Isabel sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar, matapos itong mag-collapse noong October 24, 2017.

Nagpunta si Isabel sa Doha dahil imbitado siya bilang celebrity speaker sa Philippine Trade Tourism Conference.

Pagkatapos ng halos dalawang linggong pagka-comatose dahil sa aneurysm, pumanaw si Isabel noong November 4, 2017.

Siya ay 41 years old lamang.

Continue reading below ↓

Ano ang reaksiyon ni Jericho nang malaman nito ang balitang pumanaw na ang dating asawa?

Sabi ni Jaycee, “Actually, hindi alam ng mga tao, the whole time during the wake, andun lang ako sa likod.

"Nandun lang ako sa likod, I was with Nadia [Montenegro] preparing the whole thing.

“Nung time na nawala si Isabel, ako actually ang unang tinawagan. Nasa taping ako nun ng [Ang] Probinsyano nung sinabi sa akin.

“Tapos tinawagan ko si Jericho, nasa Subic siya with his family when it happened.

“Ako yung... inayos ko kaagad yung ticket nila ni Hubert para makapunta kaagad sila sa Qatar.

"Si Mama Guapa [ina ni Isabel], pina-book ko kaagad yung ticket nila para makasunod sila kaagad dun."

Patuloy ni Jaycee, “Naintindihan ko yung nangyari the whole time. I know that I have to be there not just for Jericho but also for Hubert, kasi it was really hard for them.

Continue reading below ↓

“So, andun lang ako, nasa likod lang nila ako.

"Bago sila umuwi, naayos na namin yung venue. Personal, ako yung nagpunta ng Dangwa, bumili ako ng mga bulaklak.

"So, lahat ng mga bulaklak nung unang dating niya [Isabel], inayos namin yun lahat.”

“SHE’S BEEN VERY NICE TO ME”

Noong mga panahong iyon, ang alam ng tao ay kasal pa si Jericho kay Isabel kahit may iba na ring kinakasama ang aktres, si Arnel Principe-Cowley.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jaycee, “Kasi dito sa Philippines, alam ng tao na kasal sila sa papers, si Jericho rin yung pumirma sa Arlington.

“Siya yung pumirma nung ni-receive yung body from the airport, kasi siya yung legal husband at that time.

“So, nandun lang ako sa likod nila, pati kay Arnel. Tapos nung time na nag-uusap sila nun, best in support lang talaga ako nun the whole time.”

Kasunod na nagkuwento si Jaycee kung gaano kabait si Isabel sa kanya.

“And Isabel has been, like, sobrang mabait sa akin throughout the whole thing nung nangyari.

“Bago siya nawala, weeks before, bigla siyang dumating dito sa habay. Sinurprise niya si Hubert, sinundo niya, tapos nag-check in sila dito sa Clark.

“And that was the last time na nagkita kami kasi pumunta na siya ng Qatar after nun.

“Okay kami, and kaya lang ako nandun kasi she’s been really nice to me and very understanding sa lahat ng mga nangyari.”

Continue reading below ↓

Hindi rin daw siya kinumpronta ni Isabel nung nalaman nitong sila na ni Jericho.

Sabi ni Jaycee, “Never niya akong inaway. Kinausap niya akong maayos, even the first time naming nag-usap way back 2014, nung nag-usap kami unang beses.

“Ano lang siya, very calm, very nice. And wala akong masabi dun sa taong yun, mabait.”

Sa ngayon, nagsisilbing konsehal si Jaycee sa Angeles City. Siya ang pumalit sa asawang nagserbisyo ng tatlong termino sa kaparehong posisyon.

Ikinasal sina Jaycee at Jericho noong August 2018.

Si Jaycee ang tumatayo ngayong pangalawang ina ni Hubert, na 18 taong gulang na.

May mga pinapatakbo rin silang negosyo sa Angeles sa ngayon katuwang ang asawa.

(Subaybayan ang PEP.ph Calamansi App podcast tuwing Miyerkules, 9 P.M. sa pamamagitan ng pag-download ng app sa Google Play or App Store)

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaycee Parker on friendship with the late Isabel Granada (right), husband Jericho Aguas's ex-wife: "Ano lang siya, very calm, very nice. And wala akong masabi dun sa taong yun, mabait.”
PHOTO/S: @ iamjayceeparkeraguas on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results