Will former sexy actress Ramona Revilla allow her triplets to join showbiz?

by Arniel C. Serato
Aug 13, 2021
Ramona Revilla on daughters entering showbiz: "Papayagan namin sila huwag lang mapapabayaan nila yung pag-aaral nila.” The former sexy actress is married to American naval officer Frederick Farrell (right).
PHOTO/S: Courtesy: @ramonarevilla on Instagram

Hindi pipigilan ng dating sexy actress na si Ramona Revilla ang triplets niyang anak na babae sakaling naisin ng mga itong pumasok din sa showbiz.

Isa si Ramona sa mga inilunsad na sexy stars noong late ‘90s na ipinangalan sa action stars.

Si Ramona ay ikinasal sa American naval engineer na si Frederick Farrell dito sa Pilipinas noong November 2011.

Continue reading below ↓

Mayroon silang triplets na anak: sina Fersiana, Frederie, at Freohsyl Farrel.

Kasalukuyang nakabase sa Japan ang pamilya ni Ramona dahil sa trabaho ng asawa nito.

Ngayong walong taong gulang na ang triplets nila, papayagan ba ni Ramona ang mga itong pasukin din ang mundo ng showbiz o modelling?

Continue reading below ↓

Sagot ni Ramona, “Yeah, papayagan ko naman sila, galing naman ako sa showbiz, e.

“And lagi ko nga sinasabi, wala akong regrets kung saan man ako ngayon.

“I owe that sa showbiz, kung saan man ako nanggaling, sa show business.

“And if they want to go in modelling, in showbiz, as long as may back-up plans sila, as long as you know, tatlo sila gusto nilang maging doktor.”

Ang mahalaga raw para sa kanilang mag-asawa ay hindi mapabayaan ng mga bata ang kanilang pag-aaral.

Saad niya, “So, as long as may back-up plans kayo, when you want it, when you want to experience it, same thing with my husband.

“Kung gusto nila, yeah, go ahead. As long as meron kayong back-up plan, hindi lang showbiz, pagkatapos nun wala na.

“We want them to finish their education at the same time. Yeah, papayagan namin sila huwag lang mapapabayaan nila yung pag-aaral nila.”

Continue reading below ↓

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ramona sa pamamagitan ng Calamansi App podcast noong July 28.

SHOWBIZ COMEBACK

Ilan sa sexy films na pinagbidahan ni Ramona ay ang Ako Lang Sa Langit (1997), Babasaging Kristal (1997), at Marahas: Walang kilalang batas (1998).

Nang nakapundar na siya ay nilisan ni Ramona ang showbiz at nanirahan sandali sa Amerika. Doon niya na nakilala ang kanyang asawa.

Ngayong medyo malaki-laki na ang kanilang anak, may balak ba siyang magbalik-showbiz?

Sagot ni Ramona, “For now, wala pa siguro. Kasi we need to sustain our lifestyle.

“Kung papasok ako ng showbiz, papa'no yung husband ko?

“You know, like, may mga offer, may mga minsan-minsan na offer.

“Sabi ko nga, kung babalik ako ng Pilipinas, tatlo yung anak ko, and we have a lifestyle, hindi talaga kaya... hindi kaya ng, you know, yung showbiz ng offer.”

Pero hindi naman daw niya isinasara ang kanyang pintuan na mag-comeback.

Continue reading below ↓

Aniya, “You know, I’m not closing any doors, time will come, may magandang offer, and right timing, why not.

“But for now, we’re stable where we at right now.”

MANAGING BUSINESS

Abala rin siya ngayon si Ramona sa ilang negosyo nilang mag-asawa kahit nasa Japan sila.

Aniya, “Yeah, kami ng husband ko, bumili kami ng bahay sa States, may pinapaupahan kami, ako pa rin nagma-manage nun.

“Kung may problema yung tenants, ako pa rin ang tinatawagan ako pa rin ang kumukuha ng gagawa, everything, ako ang nagma-manage nun.”

Dagdag pa niya, “Of course yung stocks naming mag-asawa, ako pa rin ang nagma-manage nun.

“Kaya minsan ang tulog ko [dito sa Japan] ay 2 a.m. kasi mina-manage ko pa rin siya.

“I just don’t like wanna walang gagawin.”

(Subaybayan ang PEP.ph Calamansi App podcast tuwing Miyerkules, 9 P.M. sa pamamagitan ng pag-download ng app sa Google Play or App Store)

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ramona Revilla on daughters entering showbiz: "Papayagan namin sila huwag lang mapapabayaan nila yung pag-aaral nila.” The former sexy actress is married to American naval officer Frederick Farrell (right).
PHOTO/S: Courtesy: @ramonarevilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results