UP College of Medicine graduation speech, may matinding hamon sa mga doktor ng bayan

by KC Cordero
Aug 13, 2021
Malaman at makahulugan ang naging speech ni Dr. Omid J. Siahmard sa UP College of Medicine 112th Commencement Exercises na sumentro sa aniya’y mga sakit ng ating lipunan na dapat ding lapatan ng lunas. Photo courtesy of Dr. Omid J. Siahmard

Sa ginanap na Salimbay 2021: The UP College of Medicine 112th Commencement Exercises noong August 8, 2021, hindi sumentro ang mensahe ni Dr. Omid Javier Siahmard, Class 2021 representative, sa kanilang naging paghihirap sa pag-aaral para lang matapos ang kanilang kurso.

Sa halip, binanggit niya ang mga realidad na nakita niya sa labas ng kanilang unibersidad bilang medical intern ng Philippine General Hospital.

Una niyang ibinahagi ang kuwento ng tindero ng squid ball na nakapuwesto malapit lang sa outpatient department ng ospital.

Isang hapon matapos mag-assist ni Omid sa operation, nag-order siya ng anim na squid balls na aniya ay tiglilimang piso kada piraso.

Habang naghihintay siya ng kanyang order ay may humintong police mobile.

May isinasagawa palang clearing operation nang araw na iyon para paalisin ang mga nagtitinda at mga namamalimos sa mga kalye ng Maynila.

Nakita ni Omid kung paano natigilan at kinabahan ang squid ball vendor at ang misis nito.

Continue reading below ↓

Buti na lang at hindi sila dinampot ng mga awtoridad, at hindi kinumpiska ang mga gamit sa pagtitinda. Umalis din agad ang naturang police mobile.

Narinig niyang sambit ng misis ni Kuya, “Next time, ‘Pa, malayo pa lang sila, takbo na tayo.”

Kung nagkataon nga naman na hinuli ang mga ito, malaking problema dahil saan sila kukuha ng pang-araw-araw na gastusin?

Pagpapatuloy ni Omid, tuwing Biyernes naman ay bumibili siya ng egg sandwich sa vendor sa harap ng building kung saan siya nakatira.

Kinse pesos ang sandwich, at kung gusto mo ng ekstrang dalawang hiwa ng keso ay kailangang magdagdag ng limang piso.

Alam ng mga vendors sa area na isa siyang UP-PGH medical student.

Aniya sa bahagi ng kanyang speech, “They would ask me about their health concerns such as long-standing joint pains or a nonhealing wound.

“I would inform them of the probable causes based on the information they offered.

Continue reading below ↓

“I would also tell them to seek a consultation from our OPD and to have laboratory and imaging tests done so we can properly diagnose and treat them.”

Pero ang madalas na sagot sa kanya ng mga vendors ay hindi puwedeng iwan ng mga ito ang kanilang stalls kahit gustuhin nila dahil sa takot na baka kumpiskahin ng mga pulis.

Napapatango na lang daw siya at sinasabi sa mga ito na nauunawaan niya ang mga concern ng mga vendors.

Sa loob ng limang taon ay ganito ang kanyang naging routine.

At sa mahabang panahon na iyon ay inihiwalay siya ng pader ng unibersidad kay Kuya street vendor at sa nag-aalalang misis nito, sa mga nagpapatrolyang police units, at sa agresibong clearing and demolition operations sa buong lungsod.

Aniya, “The walls of our university separated us as we pored over textbooks, seemingly far from the social realities that are supposed to inform our medical practice.”

Continue reading below ↓

Binanggit din niya ang tungkol sa isang payat na payat na magsasaka mula sa Palawan isang madaling-araw na bumabagyo at may emergency room duty siya.

Nagpakonsulta ang magsasaka na nahihirapang huminga dahil sa bukol sa lalamunan.

“I learned that he spent what was left in his pockets to ride a jeepney from southern Luzon to Manila.

“The first thing he did after seeing me was to apologize because he felt like a burden to overworked healthcare workers.”

Para kay Omid, nagkaroon ng pisikal na anyo sa mismong harapan at mga mata niya ang isang bulok na sistema.

Sambit niya, “Someone who has fed countless Filipinos traveled for days to seek medical attention and felt like a burden to an establishment that was supposed to take care of him.”

Continue reading below ↓

MATAGAL NANG MULAT ANG MGA MATA NI OMAR

Bago pa man nag-aral ng medisina sa UP Manila si Omid ay matagal nang mulat ang kanyang mga mata sa mga realidad ng ating lipunan.

Una siyang nagtapos ng kursong Biology magna cum laude sa UP Mindanao noong June 28, 2016.

Noon pa lang ay isa na siyang student leader and activist.

Sa panayam sa kanya ng Davao Today noong June 24, 2016, sinabi niyang pangarap niya talagang maging isang doktor sa M’lang, North Cotabato.

Pahayag niya sa panayam, “Walang hospital sa malalayong barangay namin. Walang doctor na hands-on talaga sa mga maliliit na baryo. Kaya gusto kong doon talaga maglingkod.”

Sa UP Mindanao ay naging University Student Council councilor for education noon si Omid bukod pa sa pagiging vice chairperson for Mindanao ng Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP, at tagapagsalita ng League of Filipino Students (LFS) Southern Mindanao Region.

Continue reading below ↓

Sa subject na Mindanao Studies 1 (SSP7), nabuksan ang kanyang mga mata sa paghihirap ng mga Lumad, Moro, at iba pang marginalized sectors sa Mindanao.

Nahubog naman siya sa pagiging lider estudyante at aktibista dahil sa mga educational discussions mula sa Alyansa ng mga Aktibong Kabataan ng UP Mindanao (ANAK UPMin).

Nabigla umano ang kanyang pamilya nang sabihin niya sa mga ito na isa siyang aktibista.

“Wag daw muna akong mag-engage sa mga ganitong rallies, events, organizations on the grounds of security.

“Naiintindihan ko naman sila, pero importante yung pag-e-educate sa kanila, pagpapaintindi unti-unti.”

Sa kanyang mga post sa Facebook at Twitter accounts niya ay laging may opinyon si Omid sa sa mga isyung nagaganap sa ating bansa.

Noong Hunyo 7, 2020, bilang pagtutol sa Anti-Terror Bill ay nag-post siya ng: “Bilang mga doktor ng bayan, nararapat na hindi tayo malimitahan sa paggamot ng sakit ng ating mga pasyente.

"Sa halip, dapat din tayo matutong maging kritikal sa mga panlipunang kundisyong nagdudulot ng kanilang mga karamdaman.”

Continue reading below ↓

Noong February 26, 2021, ay kasama siya sa mga nagprotestang health workers ng PGH matapos ipahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez na Pfizer ang unang darating na bakuna sa bansa, pero Sinovac vaccines ng China ang unang nai-deliver.

Ani Omid habang nagpoprotesta, "Nandito kami ngayon kasi we value science and of course we value our Filipino health care workers.

“At dahil doon naniniwala kami na our Filipino health care workers and the Filipino at large deserve nothing but safest and most effective vaccine against this disease."

Continue reading below ↓

KAHINAAN NG HEALTHCARE SYSTEM lumantad ngayong PANDEMYA

Sa ilang bahagi ng kanyang talumpati ay binanggit ni Omid na inilantad ng COVID-19 pandemic ang kahinaan ng ating healthcare system na mahabang panahong napabayaan.

Tanong din niya, paano maipatutupad ang social distancing kung ang mga papasok sa trabaho ay kailangang magsiksikan sa mga sasakyan?

Paano mapapanatili sa bahay ang mga tao kung dine-demolish naman ang mga tirahan sa slum communities?

Binatikos naman niya ang ating mga lider na nagsasabing ang pandemic ay isang great equalizer.

Aniya, “But we cannot deny that different social classes have experienced this health crisis differently, and that the poor are always the most devastated by any public health crisis.

“During lockdown, the rich still travel, the middle-class try new recipes from Instagram, and the poor starve.”

At nakilala naman aniya natin ang tunay na essential workers ng mga komunidad. “These are our street sweepers, garbage collectors, grocery store workers, janitors, maintenance staff, public utility vehicle drivers, farmers, the working class who earn poverty wages.

Continue reading below ↓

“They ensured our survival, even as their lives were continuously threatened and endangered by the government’s corrupt and incompetent response to the pandemic.”

PAGSALUDO SA PRIMARY HEALTHCARE PHYSICIANS

Sa kabila ng kabiguan ng pamahalaan na matiyak ang health and well-being ng lahat, ani Omid ay ibigay natin ang pagsaludo sa ating primary healthcare physicians.

“The ones who took the road less traveled, who ensured health policies work in specific local and cultural contexts, and who always upheld the principles of primary healthcare.

“Together with our community nurses, pharmacists, midwives, and barangay health workers, they were at the frontlines in battling this crisis.

“But we must remember that they have always been there. Even before the pandemic, they were the primary witnesses of the failures and shortcomings of our current healthcare system.”

HUWAG KALILIMUTAN ANG MGA IPINAGLALABAN

Para sa kanyang fellow graduates, sinabi ni Omid na kahit anong direksyon sa medisina ang kanilang tahakin ay lagi nilang alalahanin kung paano sila naging estudyante.

Continue reading below ↓

Na sa kabila ng kanilang pag-aaral, nagawa nilang magprotesta nang ilagak si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, “because we believed historical revisionism was a disease that needed to be confronted.”

Nang mag-rally sila laban sa extrajudicial killings, “because we believed that drug addiction is a public health issue that fascism never heals.”

Nang maglabas sila ng statement laban sa Anti-Terrorism Law, “because we believed that acts of dissent should never be criminalized, especially when it’s targeted at public policies which further burden and endanger the lives of the poor.”

RADIKALISMO DAHIL SA PAGPAPABAYA SA HEALTH WORKERS

Sa isyu ng radikalismo, sinabi ni Omid na hindi ang UP ang nag-indoktrina nito sa kanila. “We were radicalized by the long lines outside the OPD at 2 a.m., insufficient oxygen tanks in the ACU, the sight of our patients sitting down or lying on the floor of our hallways, waiting to be admitted.

Continue reading below ↓

“We were radicalized by the fact that every single day, thousands of our healthcare workers seek better job opportunities abroad because of the poor working conditions this country offers them.

“Our country’s leaders attack our actions, yet their corruption and heartlessness created the conditions of our radicalism.”

PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN

Hiling din niya na matuklasan nila na mga bagong graduate ang tunay na kahulugan ng pagiging isang doktor sa isang bayan na talamak ang sakit ng lipunan.

Aniya, “To be a Filipino, Indigenous, and Moro doctor is to stand alongside our patients in our struggle towards what ensures health for all: social justice.”

Continue reading below ↓

Wala aniyang kahulugan ang pagiging doktor kung tatahimik lang sa harap ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan...

Wala man lang ba siyang natutunan sa pang-araw-araw na buhay ni Kuya vendor na nagbebenta sa kanya ng squid ball at ng ate na gumagawa ng kanyang egg sandwiches?

Dagdag pa niya, bukod sa kanilang clinical eyes na nakakakita ng mga senyales ng sakit, magkaroon din sana sila ng critical eyes na makakakita ng mga tanda ng karahasan at kawalan ng hustisya sa kalagayan ng mga taong kanilang makakasalamuha—ang mga taong ang buwis at hanapbuhay ay sumuporta sa kanilang medical education.

Pakiusap pa ni Omid, “Let us never lose sight of our goals and continue to allow compassion and empathy to drive our responsibility to serve the underserved.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaman at makahulugan ang naging speech ni Dr. Omid J. Siahmard sa UP College of Medicine 112th Commencement Exercises na sumentro sa aniya’y mga sakit ng ating lipunan na dapat ding lapatan ng lunas. Photo courtesy of Dr. Omid J. Siahmard
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results